Chapter 32

126K 1.2K 77
                                        

Hindi niya maiwasang mapangiti. Oo, iniwan siya ng mga ito sa restaurant pero, mukhang nagtagumpay si Claire sa gusto niya. Hindi pa siya nag-uumpisa sa plano niyang bumalik sa buhay ni Jared pero, mukhang siya ang pinagbibigyan ng tadhana. It was a very nice coincidence seeing them here in the very same mall where she went for shopping.

Agad siyang nainis ng makita niya si Celine na hawak pa ang kamay ni Jared but of course, hindi siya magpapatalo. Bakit ba siya magpapatalo ? Eh alam naman niya ang sikreto kung bakit sila ngayon magkasama.

She perfectly knows how she missed Jared. Ang gwapo pa rin nito. Ang macho, hinding-hindi nagbago ang physical looks ng binata. And as what she saw of his reaction earlier when he hugged him, it seems like he's still affected. Alam niyang hindi pa rin siya nito nakakalimutan. Malakas pa rin ang pakiramdam ni Claire na mahal pa rin siya ng binata. Hinayaan siya nitong yakapin siya even though Celine was there. He didn't pushed her away. Hindi siya nito iniwasan ng gawin niya ang pagyakap dito. At kahit hindi siya nito niyakap, alam niyang hindi pa rin nakakamove on ang bianta. Hindi pa rin ito nakakalimot, kagaya niya.

She grin.

Claire is persistent to win him back, no matter what. At mataas ang confidence niya na walang ibabatbat sa kanya si Celine. At natawa na lang siya ng maalala niyang natapunan niya ito ng iced tea dahil ginalaw niya ang table na kinakainan nila.

***

CELINE'S POV

Pinagmamasdan ko si Shaun habang nagda-drive. Hindi ko alam kung nagagalit siya o naiinis o natutuwa sa muling pagkikita nila ni Claire pero, isa lang ang sigurado ko, apektado pa rin siya.

Hindi ko maiwasang masaktan. He is still affected. It means, hindi pa rin siya nakaka-move on. Yung lalaking minamahal ko ngayon, mahal pa rin ang ex niya. Tell me, gaano kasakit yun ?

Ni hindi man lang kami nagkikibuan ngayon sa sasakyan. Awkward na naman. Wala ba siyang gustong sabihin ? Kasi ako, meron kaso, alam kong wala naman akong karapatan para sabihin sa kanya yun.

I remembered how he reacted when Claire hugged him. Hindi siya kumilos, hindi umiwas, hinayaan niya lang si Claire na gawin sa kanya yun. Even though I was there.

Even though I was standing next to him.

He even let go of my hand.

I sighed.

Kanina lang masaya kami. Masayang-masaya kami na magkasama. Sweet kami. As if, may feelings rin siya sakin gaya ng feelings ko sa kanya.

Pero ngayon, back to zero na naman kami.

Ngayong nandito na ang ex niya.

Nakakaramdam ako ng init sa mga mata ko.

God, no. Hindi pwede.

Mabuti naman at nandito na kami sa condo.

Agad akong bumaba ng kotse niya.

"Baby ..." mahina niyang tawag.

Ayokong umiyak, my goodness. Not in front of him.

"Yes ?" at naitaas ko ang mukha ko sa pagkakatungo.

"... pahinga ka na." sabi nito.

I stare at him. Wala na ang mga ngiti niya na meron siya kanina. At isang seryosong Shaun ang kaharap ko ngayon. And I know it's because of Claire.

I was expecting a goodbye kiss like he's doing before pero, wala na ang sasakyan.

Napahiya ako sa sarili ko, kaya pumasok na ako sa loob ng condo dahil nag-uunahan ng pumatak ang mga luha ko.

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon