JARED'S POV
Pagkatapos naming mag-dinner. mag-toothbrush at mag-shower, tuluyan na kaming nahiga sa kama ni Celine.
Naipulupot ko ang isang kamay sa bewang niya habang magkaharap kami.
"Shaun ..."
"Yes ?" ang amo lang talaga ng mukha nitong lampa na to. Hayy. Ang sarap pagmasdan palagi. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya. Nakakalimutan ko yung sakit kapag nakikita ko yung mukha niya. Tama lang talaga na dito ako nagpunta at hindi sa ibang lugar pa. Dito sa tabi ng babaeng pakakasalan ko, 3 days from now.
"... magpapakasal ka ba talaga sakin ?" seryoso niyang tanong.
I frown.
"Saan naman galing yang tanong na yan ? Of course I will ! Bakit, natatakot ka bang umatras ako ?" and I smiled.
She pouted at isiniksik ang mukha niya sa dibdib ko.
"Why, baby ? Are you worried na baka hindi kita siputin ?"
"Hmmm ..."
Nahaplos ko ang malambot niyang buhok.
"Baby, kahit naman g'go ako at mahilig mang-iwan sa ere, hindi ko gagawin yun sa yo dahil magagalit sakin sila tita. Yari ako sa kanila, pati na din kila mommy. Tsaka, 3 months lang naman, di ba ? Mabilis lang yun. So, you don't have to worry about it. Darating ako."
Natahimik na siya.
"Tulog ka na ba ?" at nakabig ko pa siya palapit sakin. Gustong-gusto ko na laging magkadikit ang mga katawan namin. Hindi sa dahil nag-iinit ako, well, it's given pero, hindi sa panahong gaya nito.
Baka nag-iisip si Celine na dumating na si Claire at magbago ang isip ko.
No, I will not do that. Hindi ako ganon kasama para traydurin ang lahat. Para traydurin si Celine.
Alam ko kung ano'ng sakripisyo niya para sa kasal na yun. Ayoko namang, pati siya maging miserable habangbuhay.
Siguro, tama ng ako na lang. Wag na yung ibang tao, lalo na si Celine.
She was so kind. At simple sa lahat ng bagay. Walang arte, walang kaplastikan.
She's bubbly, chuldish man kung minsan, pero nakakatuwa namang pagmasdan.
Gusto ko lagi akong nasa tabi niya para maprotektahan siya.
I know how careless she is, how lame she is, at ako lang ang gusto kong umalalay sa kanya.
Paano kaya kung siya yung minahal ko noon instead of Claire ? Masasaktan din kaya ako ng sobra ngayon ?
Pero naalala ko yung ginawa niyang pagluhod sa harap nila tita Jane just to fight for her ex.
Pareho lang siguro kami na hindi ganon kadaling sumuko para sa taong mahal namin.
Pero minsan, kahit ibigay mo na ang lahat, matatalo at matatalo ka pa rin.
Paano kaya kung sinunod ko lang si mommy noon na siya ang ligawan ko at hindi si Claire ?
Gumalaw si Celine at tumalikod sakin. Pero niyakap ko pa rin siya mula sa likod.
Pero, ramdam ko yung paggalaw ng mga balikat niya.
Umiiyak ba siya ?
Fvck. Why ?
***
CELINE'S POV
Oo nga naman. 3 months lang. 3 months lang at ako ang nagsabi sa kanya nun. Kaya bakit pa ako kailangang umasa na magtatagal kami ? Na makakalimutan niya yung 3 months na sinabi ko ? Na iisipin niyang, pwede naming i-try na iwork out ang relationship namin.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Published Under LIB)
RomansAkala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung fix marriage, ito na ang pinakamalas na nangyari sa buhay niya. Pero malas nga ba ? Ikasal ka ba naman sa isang irrisistable, handsome, hot a...
