JARED'S POV
Agad kong tinawagan si Celine habang nasa byahe ako.
"Hi, Baby."
"Baby ... Bakit ngayon ka lang tumawag ?"
Wow, tinatawag akong baby ng asawa ko ngayon, ha. How sweet. Haha. Kinikilig tuloy ako. I can't wait to go home. 10 more days pa.
"I'm so sorry, may tinapos lang kasi ako sa office. Nagmamadali na nga akong umuwi ng bahay para makausap ka, eh. How's my beautiful wife and my future kids ?" nakangiti kong tanong.
I heard her laugh. And it sounds so beautiful.
"I'm okay kaso sobrang namimiss na kita. Please, umuwi ka na, Jared. Twins are doing fine, anyway."
Napakunot ako ng noo pero, di ko na lang pinansin yun.
"That's great. O sige, malapit na ako sa bahay, pagdating ko, ise-set up ko agad yung skype, ha. See you later. I love you, baby."
"And I love you so much. Keep safe, okay ?"
At nauna siyang magbaba sakin. I find it strange. The phone call. Hmmm ... Hayaan ko na nga. Makikita ko naman si Celine pagkadating na pagkadating ko.
***
CELINE'S POV
Siguro, hindi na maipinta ang mukha ko ngayon. Kanina pa ako naghihintay sa phone at sa laptop, kung tumatawag na ba siya.
Pero wala pa din.
Babies, nakalimutan na ba tayo ng daddy niyo ?
Ilang araw pa lang siyang nawawala pero, ganito na ang nangyayari. Nagsabi-sabi pa naman siya na, tatawag siya lagi pagkalabas niya ng office, pero ano'ng oras na ngayon ? Wala pa ring paramdam ?
Pilit kong inaalis sa isip ko ang masasamang hinala sa kanya, pero paano nga kung nangyari yun ?
Oh God, don't. Hindi ko kakayanin.
Mahal ako ni Shaun.
Mahal ako ni Shaun.
Mahal ako ni Shaun.
Hindi niya gagawin sakin yun. Mahal niya rin ang mga magiging anak namin.
Ayoko ng mag-isip, nai-stress ako. Napaupo ako sa kama at hinimas-himas ang tyan ko. I know you're doing fine, babies. And keep doing that. I'm so sorry if mommy's a little bit stressed, I'm just thinking of your dad.
Maya-maya, nag-riring ang laptop.
Agad akong tumayo, marahan na tumungo sa harap ng laptop.
Shaun calling.
Napangiti ako.
Agad ko iyong sinagot.
And I saw him thru Skype. Super gwapo pa din. Nagtatanggal ng neck tie and suit.
"Shaun ..." look babies, ayun na ang daddy niyo o. And he's smiling to us.
"Baby ... Oh God, I miss you so much." at hinalikan ang screen ng laptop.
Natawa ako, he's so sweet, always.
Pero hinalikan ko din ang screen, para patas kami. Miss na miss ko na ang labi niya.
"Kararating mo lang ba ? Bakit di ka man lang tumawag sakin ?"
I saw him frowned.
"Tumawag kaya ako. Nag-usap pa nga tayo, di ba ? Tumawag agad ako pagkalabas ko ng office."
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Published Under LIB)
RomanceAkala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung fix marriage, ito na ang pinakamalas na nangyari sa buhay niya. Pero malas nga ba ? Ikasal ka ba naman sa isang irrisistable, handsome, hot a...
