JARED'S POV
And now, everything's perfect. Tapos na ang lahat ng preparations ko. Thanks to the staff ng flower shop, at ng school. They've been a great help to me.
Napangiti ako.
I really hope, magustuhan ni Celine ang pinaghirapan ko.
Pero nawala ang ngiti ko ng makita ko si Patrice. Bakit wala pang signal na dumating na ang asawa ko ?
Hindi ba sila magkasama ?
Nakaramdam agad ako ng kaba.
Nasaan si Celine ?
Nilapitan ko si Patrice.
"Pat ! Where's Celine ? Akala ko ba magkasama kayo ?"
Kunot-noo siya.
"Ano'ng magkasama ? Kararating ko lang kaya ... And take note, ang daming flowers sa paligid. Ano'ng meron ? Nae-excite ako, ha." sabay ngiti.
Shit. Where the hell is she ? Magfe-freak out na naman ako nito.
Napaka-careless talaga nitong babaeng to ! Ibig sabihin, iba ang kasama niya sa coffee shop na yun ?
Eh sino ?!
Hayy ...
Maya-maya, may narinig akong tunog ng phone.
Tumatawag na yung bodyguard na pinabantay ko kung darating na siya.
"Pat, wait lang, ha. Wag ka ng umalis dyan. Sunduin ko lang best friend mo."
Tumango lang ito, at tinakbo ko na ang gate.
Pinapag-alala talaga ako ng lampa na to, eh. Buti sana kung hindi buntis. Amp.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita na siya. Isang matamis na ngiti ang sinalubong niya sakin.
Agad ko siyang nayakap ng makalapit ako sa kanya.
"Shaun ..."
"Who the hell is with you ? I saw Pat. Alam ko na ang totoo. You aren't together, Celine. You're killing me with worries."
Apologetic ang mukha niya.
"I'm sorry, I just need to meet someone. But I'm okay. Kaya wag ka ng mag-alala. Tara na ? Baka naghihintay na yung mga prof."
"Wait ! ... Tell me, sino ang kasama mo sa coffee shop at nagsinungaling ka pa sakin ?"
"It's not important anymore." at nag-iwas ng tingin.
Nahawakan ko ang mga balikat niya.
"Celine, asawa mo ko. Why don't you tell me ? Everything is important to me when it comes to you. Lalo na kung safety ang pinag-uusapan dito. Remember, kailangang doble ang pag-iingat ko sa yo, dahil may magiging mga anak na tayo. At karapatan kong malaman ang lahat."
She sighed.
"I'm sorry if I lied. Alam ko naman kasing hindi mo ko papayagan, eh."
"Okay ... Tell me."
"I'm with Claire, earlier ..."
At nagulat ako dun. Si Claire ? Lagi ba talaga siyang eeksena ?
Damn that woman ! Ano pa bang gusto niya ?!
I frowned.
"Bakit ? ... Bakit siya nakipagkita sa yo ? And how ?"
"She called me this morning while you're in CR. Gusto niya daw makipagkita dahil may pag-uusapan daw kami. And if I didn't go, you'll gonna hate me for the rest of my life. I don't know what's she talking about kaya, pumunta na ako ..."
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Published Under LIB)
RomanceAkala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung fix marriage, ito na ang pinakamalas na nangyari sa buhay niya. Pero malas nga ba ? Ikasal ka ba naman sa isang irrisistable, handsome, hot a...
