Chapter 48

111K 1.2K 156
                                        

CELINE'S POV

Mabuti naman at naibaba na ako ni Shaun. Kanina pa ako kumakawala sa kanya para lang maibaba ako.

Naipasok niya ako sa kotse.

Hayst ! Ano bang problema niya ?!

Umalis kami ng basta-basta dun sa photoshoot dahil lang sa ayaw niya ng concept. Ano na lang iisipin sakin ni Ms. Crissie ?

Na napaka-unprofessional ko ?

Na wala akong manners dahil basta na lang nag-walk out ?

Honestly, naiinis ako sa kanya ! Bakit ganon ba siya ?!

"Ano bang nangyayari sa yo, ha ?!"

Nalingon niya ako.

"Ayoko sa project na yun. Kaya uuwi na tayo."

"Do you exactly know what you are doing ? .. Shaun, ano na lang sasabihin sakin ni Ms. Crissie ? Maayos namang nakiusap sakin yung tao, eh. Don't you think we're rude enough to do that to her ?"

"Celine, you don't have to think of what will she gonna say about you. She's no longer your manager, because you're not a model anymore starting now, and you'll never accept any projects about modeling. Now, we'll fvcking leave this place !"

Eto na naman siya. Sumisigaw na naman siya.

Alam ko namang napag-usapan na namin ang tungkol sa pagtigil ko sa pagmomodelo.

Pero hindi naman tama yung ginawa niya sa manager ko.

Still, mas nakakatanda pa rin siya samin. Respeto lang sana.

Agad niyang ini-start ang kotse at pinaandar na iyon.

Natahimik na lang ako. Ayokong makipagtalo sa kanya kapag galit siya. Ayoko kasing sumisigaw siya eh. Ano bang kasalanan ko ? Wala naman akong kasalanan, ah. Bakit, kailangan niya akong sigawan ?

Pwede naman naming pag-usapan ng maayos yung pinagtatalunan namin.

Siya lang naman din ang iniisip ko. Ayoko namang isipin ng ibang tao na bastos ang asawa ko at walang modo.

Napapikit ako, at nahilig ang ulo sa may bintana ng kotse.

Nahihilo ako. Ipapahinga ko na lang muna to habang nasa byahe kami.

Kanina lang, ang saya-saya namin, eh. Tapos ngayon, nag-aaway na kami.

***

Agad naman kaming nakarating sa bahay.

Nagtuloy-tuloy ako sa loob. Pinigilan ako sa braso ni Shaun.

"Celine ! Where are you going ? ... Wait, let's ta---"

Pero nagbawi ako agad.

"We will not talk as long as you're mad at me even though there's nothing wrong with what I did."

Nagkatinginan kami at nilagpasan ko siya saka tinungo agad ang hagdan para umakyat ng kwarto.

Nagtuloy-tuloy ako sa kwarto at agad na humiga sa kama, patalikod sa pintuan.

"Celine ... Let's talk. Ayokong ganito tayo."

At sinundan talaga ako.

Naramdaman kong sumampa siya sa kama. Naidantay niya sa mga braso ko ang kamay niya.

"Baby ... Galit ka ba ? ... Pag-usapan naman natin to, o ! Ayokong nagagalit ka sakin."

Paano'ng hindi ako magagalit eh sinisigawan niya ako ?

You Are Mine (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon