And there he saw her, na may dalawang lalaki na nakabuntot sa kanya.
"Celine ! Celine !" tawag ni James dito.
Gusto niya itong makausap at humingi ng tawad. Maybe they can start over again. Liligawan niya ito mapatawad lang siya. Liligawan niya ulit ang dalaga. He's hoping that he can still fix this.
Napalingon si Celine.
Pero siya rin ay nagulat matapos Makita ang reaksyon ng dalaga matapos siyang Makita.
She looks so scared after seeing him.
Bakit ? Dahil ba sa mga sugat niya sa mukha ? Hindi pa kasi magaling ang kanan niyang mata, pagkatapos siyang bugbugin ng mayabang na lalaking yun.
Agad itong tumalikod kasama ng dalawang lalaki. Nagmamadali pang maglakad.
Hindi. Hindi niya ito pwedeng bitawan ng ganon-ganon na lang. hindi pa rin nababawasan ang pagmamahal niya kay Celine, at handa siyang gawin ang lahat para lang bumalik ito sa kanya.
Agad na tumakbo si James palapit sa dalaga. Pero humarang ang dalawang lalaki.
"Sir, hindi kayo pwedeng lumapit kay Ms. Celine." sabi ng isa.
"And why not ?! Ano ba, bitawan niyo nga ako !" hawak siya ng isa pang lalaki, pilit na inilalayo kay Celine.
Hinihintay niyang tingnan siya ni Celine, pero ni hindi man lang ito lumingon.
Sobrang pagsisisi ang nararamdaman niya dahil sa nagawa niyang hindi maganda kay Celine. Kung kinakailangan niyang lumuhod para lang mapatawad siya nito, gagawin niya. Gaya ng ginawa nito para sa kanya.
Kailangan niyang mabawi si Celine.
"Celine, wait ! Celiiiinnnneeee ! I just want to ask forgiveness from you ! Mag-usap naman tayo !"
Pero nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad.
"Sir, tumigil na kayo." saway ng isa.
Hinablot niya ang mga kamay niya sa pagkakahawak ng lalaking pumipigil sa kanya. Mabuti na lang at pinakawalan na siya nito.
"Who the hell are you ?!" sigaw niya.
"Bodyguards po kami ni Ms. Celine. Proscribed person po kayo, so hindi kayo pwedeng lumapit sa kanya." paliwanag ng isa.
Halos hindi niya mapaniwalaan ang narinig niya. Proscribed person ? Kelan pa siya naging proscribed person ?
***
CELINE'S POV
Nanginginig ang mga tuhod ko ng makita ko si James. Ano'ng nangyari sa mukha niya ? $hit. His right eye, ang laki ng black eye.
Malamang, dahil sa pagsuntok ni Shaun.
Hindi ko na kayang maglakad. Nanghihina ako. Natatakot din at the same time.
Hindi ko talaga siya kayang harapin. Naaalala ko ang lahat kapag nakikita ko ang mukha niya.
Yung mukha niya, kung paano siya naging demonyo ng gabing yon.
Nawalan yata ako ng balance kaya kamuntikan na akong mapaupo. Ang dami pa namang estudyante, nakakahiya na naman, kung magkataon.
Buti na lang at naalalayan ako ni kuya.
At nung maangat ko yung mukha ko para makita siya ...
Shaun ?!
Itinayo niya ako ng maayos.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Published Under LIB)
RomanceAkala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung fix marriage, ito na ang pinakamalas na nangyari sa buhay niya. Pero malas nga ba ? Ikasal ka ba naman sa isang irrisistable, handsome, hot a...
