CELINE'S POV
Kung pwede lang sanang forever na lang kaming nagha-honeymoon, gugustuhin ko yun. Para nasosolo ko si Shaun. I know, pagbalik kasi namin sa Manila, marami na namang babae ang aagaw ng atensyon niya. Marami na naman ang susubuking mapansin niya. Mahahati na naman ang atensyon niya sa iba't-ibang bagay, lalo na at graduating na kami. Ilang weeks na lang at ga-graduate na rin kami. Kaya, 5 days lang din ang honeymoon namin. Hindi rin naman kasi namin pwedeng pabayaan ang school. Ito ang mas importante kesa sa ibang bagay.
Actually, sakay na kami ng eroplano ngayon pabalik ng Pinas.
Babalik na naman kami sa realidad.
Wala na ako sa fairy tale na pinanggalingan ko.
Pero sana, maulit ulit yun.
Sana, hanggang sa Pinas, mala-fairy tale pa rin kaming dalawa ng asawa ko.
"Masyado yatang malalim iniisip ng baby ko."
Nalingon ko si Shaun. At matipid na nginitian.
"What's the problem with your smile now ?" he's frowning while asking me this.
"Huh ?" Hindi ko kasi gets ang ibig niyang sabihin.
"Your smile ... Hindi na katulad nung nasa Europe tayo. May problema ba ? Masyadong matipid ang ngiti ng asawa ko." and he cupped my chin, pinching it lightly.
Natutuwa ako dahil aware na aware siya sa ngiti ko pa lang.
Mukhang nakakabisado na ako ng unggoy na to.
Pero tama rin naman siguro, magsasama na kami sa iisang bubong.
"Wala namang problema." at naihilig ko ang aking ulo sa balikat niya.
Nahaplos niya ang buhok ko.
"Promise ?"
"Yea ... I was just thinking if ..." tama ko bang sabihin yon sa kanya ?
"What was that, baby ?"
Itatanong ko ba ?
Ibinangon niya ako at iniharap sa kanya.
Oh, why is so handsome ?
"Tell me, what are you thinking ?"
"If ... If, you'll gonna stay the same when we go back there in Philippines, like you were in Europe." and I looked down.
Hindi ko kasi alam kung ano'ng magiging reaksyon niya.
Itinaas niya ang mukha ko, and he looked at me, seriously.
"Tell me one reason why do I have to change ?"
Reason ?
Madami.
Una na dyan ang mga babaeng humahabol sa kanya.
Pwede ring, hanggang Europe lang ang kasweetan niya at ginagawa lang niya ang lahat ng dahil sa parents ko, like what he always saying.
Pwede ring, ayaw niya lang akong mapahiya, kaya ganon siya kasweet.
Pwedeng, masunurin lang talaga siya kaya ganon ang trato niya sakin.
At lalong pwedeng, dahil kay Claire.
Dahil bumalik na ulit ang ex niya.
Na gusto siyang bawiin sakin.
Gusto nitong makipagbalikan sa kanya.
I don't know.
Maybe my biggest fear is not that he might still inlove with his ex.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Published Under LIB)
RomanceAkala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung fix marriage, ito na ang pinakamalas na nangyari sa buhay niya. Pero malas nga ba ? Ikasal ka ba naman sa isang irrisistable, handsome, hot a...
