CELINE'S POV
We hurriedly bring mommy to the nearest hospital. I didn't mean to happen all of this. Hindi ko alam na aabot pa sa pag-atake ng puso ni mommy ang pagtatalo namin.
"Mommy, I-I'm so sorry. Please .. H-hold on." I said while I'm sobbing when we're already in the ambulance.
"Shhhh .. stop crying now, Celine. Hindi mo kasalanan." sabi ni daddy.
Pero hindi ko yata kayang hindi sisihin ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay mommy, ng dahil sakin.
Obvious naman na ako ang dahilan kung bakit siya inatake, dahil nakikipagtalo ako sa kanila ni daddy.
Nakarating din agad kami sa hospital at agad na pinasok si mommy sa E.R.
"Hanggang dito na lang po muna tayo, sir." sabi ng nurse.
Gusto kong samahan si mommy sa loob, pero inawat na ako ni dad.
"We'll wait here." sabay yakap sakin. Hindi pa rin kasi ako natititigil sa pag-iyak.
"I-I'm sorry, dad. If I only kept quiet. I-I'm really sorry." sabi ko.
"Princess, it's not your fault. Tahan na ..." at hinagod ang likod ko.
Inakay ako ni daddy sa isang bench, para maupo habang naghihintay kami kay mommy.
Feeling ko, nanlalamig ang buong katawan ko.
Hindi dahil malamig sa hospital, pero napupuno ako ng takot ng mga oras na yon.
Ayokong isipin na may mangyayaring masama kay mommy.
Oo, gagaling siya. Naniniwala akong gagaling siya.
The doctor will save her. She'll be okay, I know.
Pero kapag naiisip kong ako ang may kasalanan sa nangyari sa kanya ngayon, I can't help it but cry.
Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
"Sila tita Jas mo, papunta na." sabi ni daddy.
Nalingon ko siya pero hindi ako nagsalita. Buti pa si daddy, kalmado lang. Sanay na rin kasi siya kapag ganitong inaatake si mommy sa puso.
Hindi ko dapat siya binibigyan ng ganitong stress. Maybe I am just too selfish. Iniisip ko lang ang sarili kong kaligayahan. Pero hindi ko naman ginustong dumating sa point na ganito. Gusto ko lang namang maging maayos ang lahat. Gusto ko lang namang sumaya ng kasama sila. Hindi naman masama yun, di ba ?
"Mr. De Asis ?" finally, lumabas na din ang doctor.
Kapwa kami napatayo.
"How's my mom, doc ?" tanong ko kaagad.
"She's safe now. Buti na lang at mild lang ang atake niya sa puso. We'll be transferring her into her room, now. Masyado yatang stressed ang misis niyo." sabi ng doktor.
Napatungo ako doon. Alam ko ako ang may gawa nun.
But thank God, she's safe now.
Nayakap ako ni daddy. "I told you." bulong nito sabay halik sa buhok ko.
I smiled shyly. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.
Sa ganon kaming sitwasyon naabutan ng mga Monteverde.
Kumpleto silang tatlo, including Shaun.
Nagkatinginan kami. Why he is so handsome at this moment ?
Tita Jas hugged me. "Celine ..."
At hindi ko na naman napigilang umiyak. "Tita ... I'm so sorry." puno't dulo ako ng lahat.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Published Under LIB)
CintaAkala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung fix marriage, ito na ang pinakamalas na nangyari sa buhay niya. Pero malas nga ba ? Ikasal ka ba naman sa isang irrisistable, handsome, hot a...
