Janina POV
Hindi parin umaalis sa utak ko yung mga ngiti nya. Ewan ko ba kung ano na ang nangyayari basta bigla lang siya pumasok sa isip.
"Manong tara na po baka malate po ako." Hay ang aga-aga tumutulo na yung pawis ko..
"Oh Maam Janina mukhang blooming po kayo ah" pinupunasan ko ang pawis ko saka hinampas si Manong.
"Nakoo Manong, excited lang po ako" excited ako dahil makikita ko naman si Marcus hehe..
"Hmmmpp bakit may nanliligaw na ba sayo?" Naka-taas kilay na tanong ni Manong.
Lumaki kasi ako sa pangangalaga ni Manong Ben at ang kanyang asawa na si Manang Beth bale nanay-nanayan at tatay-tatayan ko na sila. Thou suportado naman ako nila mommy at daddy kahit sa ibang bansa sila. Na intendihan ko naman sila dahil para sa kinabukasan ko.
"Manong naman.. Wala po may kaibigan lang po ako" naka ngiting sabi ko..
"Sus 'kaibigan' lang ba o 'kaiibigan'?" Sabay sarado ng pinto ng kotse
"Matanda na po kayo Manong hahaha" dinaan ko nalang sa isang joke kasi baka lumalim pa ang pag-uusap namin..
Tahimik na tinahak namin papuntang University hanggang sa palabas na ako ng biglang nagsalita si Manong Ben..
"Anak, hindi hadlang ang pisikal na katawan sa isang pagmamahalan. Tandaan mo iyan.. Pumasok ka na, Ingat anak." Ngumiti ako saka tumango..
Sana totoo yun sana may lalaking ganyan. Yung tanggap ka kung sino ka talaga.
"Babye Tatay heheheeh" nag paalam na ako saka lumakad papasok sa paaralan na ito.
Madami naman estudyante ang makikita ko, handa na ako sa insulto na ibabato nila.
"Kaya mo to Janina! Fighting!" Kausap ko ang sarili saka tumikhim..
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may naramdaman ako..
Bakit walang insulto akong nrinig? Eh kung makikita nila ako hindi mawawala ang "baboy", "tabachoy", "dambuhala". Bale "goodmorning" na nila iyon saakin. Haha ganda ng pangbungad nila no.. Ibang iba. Isnt it amazing?Napakanibago ano kaya kinain nila? *sigh*
"Good Morning Janina" omg! Himala nag good morning sila saakin..
"A..ahh good morning din.." Tumango nalang ako dahil "awkward" eh. Promise. First time lang to nangyari sa school na ito.
Ano bang nangyayari dito bakit nag-goodmorning sila? Simula nung nagging magkaiibigan kami este kaibigan ni Marcus eh nagbago sila ng pakikitungo saakin, parang isang salita lang nila eh papatayin sila..
Ang O.A ko naman masyado pero totoo iyon. Haay baka guni-guni ko lang yun..
Nakapasok na ako sa room at sa pag-pasok ko eh tumahik ang lahat. As-in lahat.
May nasinghot akung amoy..hindi siya pagkain.. Yung perfume.. Na panglalaki yun. Ang manly scent na yun asan ba yun.. Hinanap ko yung amoy at pagkatalikod eh mukha agad ni Marcus ang nakita ko.."A..hh ha.ha. Hello" yun nalang ang nasabi ko, shet greek god ba to oh ano.
Ang GWAPO niya. Plus the manly perfume. Oh my..
"Good Morning Too Janina" at ngumiti shet yung ngiting pamatay..
Ngumiti nalang ako at tumalikod saka pumunta sa upuan ko..nakita ko si Rhaine na ngumiti at
"Gooooddd Mornniiing Bestieee" ay ang ingay nya talaga.. nakalunok ba ito ng micropono?
"Good morning den" ngumiti nalang ako sa kanya..
Teka maynakalimutan ako..
"Ikaw!" Hinarap ko siya.
"Ako?" Turo niya sa sarinli niya..
"Oo sino pa edi ikaw wala naman tao sa likod mo.." Sabi ko..
"Ahh ganun hehehe so ano ba yun?"
"Bakit hindi mo sinabi na kapatid mo ito" sabay nguso sa lalakeng nakaupo sa kaliwang upuan..
" Yun ba? Eh sa tumutulo yung laway mo sa pagka day-dreaming mo sa kuya ko so hindi ko na masabi."
Bumalik na siya sa ginagwa niya, at alam niyo ba kung ano ang ginagawa nya eh nagdra-drawing ng boobs. Kita nyo ang manyak.
"Hindi tumutulo laway ko ah" sabi ko naman sa kanya
"Okay dokey hahaha pero totoo yun hahahah" hindi naman tumutulo ah.. Diba?
Ayaw ko ng makipag-usap sa kanya dahil "busy" siya.
"The president is here" sabi ng isang classmate namin.. Sino ba yung president na yun? Ay si...
"Oh My God girls!! Si Pres. Miguel" sus si Laxus Miguel lang pala. Siya yung president namin sa SSG matalino yun saka responsable pero bali-balita eh chickboy daw. Lalaki nga naman..
May narinig akong isang bagay na nahulog at napatingin ako kay Rhaine.. Nahulog yung pencil case nya na puno ng colr pencils..tss..
"Oh--" hindi ko na matapos ang tanong ko kay rhaine dahil umepal si Mr. President.
"Miss Rhaine Ahn can you come with me?" Nakangiting sabi ni president. I think kaedad lang ni Marcus si Pres..
"I dont want to Mr.President" sabay irap sa kanya, aba umirap siya kay Mr. Press
"Whether you like or not sasama ka" ang tigas ng pananalita ni Mr. Press ah..
"Tss. Diba sabi ko ayaw KO!"sigaw na sabi ni Rhaine
"Sumunod ka" saka umalis na si Mr. press
Lumingon ako sa gawi ni Marcus at mukhang walang pakealam ang isang to dahil naka headphone...haaayy
Umalis na si Mr. Press saka sumunod naman si Rhaine..may naramdaman ako sa dalawang to.. May somthing eh.. Yung tingin ni Mr. press my something para kay Rhaine.. Haaay buhay na nila yun.. Sila lang ang makakaalam sa mga nangyari sa kanila.
Bakit wala si Maam Dimaamin? Kanina pa ah.. 8:00 na wala parin siya.. Ang bilis na ng oras tatanda na ako joke!.
Wala si maam kaya may 1 hour pang pwde makatulog..
Tulog muna ako total chismis at selfie selfie naman ang estudyante dito.. At ang isang to eh headphones lang at ang same din sa mga kaibigan niya..Hindi hadlang ang pisikal na katawan sabi ni Manong Ben.. Hindi hadlang hindi hadlang..sa kakaisip ko ay nakatulog na ako..
----------------
Thank you sa Nag-basaVote comment
Jieemm
BINABASA MO ANG
Bakit Ba Kasi Ang Taba Ko?
Teen FictionMataba ka ba? Gusto mo bang kiligin? Gusto mo bang bigyan ng Hopes na ang mga babaeng matataba ay may lovelife din? Na kahit mataba sila ay nagkakalove life parin. Kasi nga hindi basihan ang pisikal na anyo basta ba'y totoo ka at may kompyansa sa s...