Taba 12

820 25 5
                                    

Rhaine POV

"Samunod ka" malamig na tungon ni Mr. President.

Wala na akong magawa kundi sumunod nalang. Ano bang nangyari sa lalaking ito at bigla nalang pumasok sa room namin..

Nauna siyang umalis kaya hindi ko na naabutan kung saan na iyon pumunta.. Palinga linga akong naghahanap sa kaya. Hanggang sa may naaninag akong Anino..

Shit. Shit. Shit. Si Mr.President may kahalikan.

Agad akong umalis saka pumunta ng field umupo ako sa isang bench saka nag-isip. Hindi ko akalain na "playboy" pala ang isang presidente.

Akala mo kung sinong strikto kung mag akto pero may tinatagong lihim din pala. It seems that madami pa akong malalaman sa school namin. Baguhan kasi eh.

Tumayo na ako saka bumalik sa room namin.

Nakita ko si Besttiiee natutulog at si kuya, oh my god. Kung matutunaw lang sana ang tingin tunaw na yata si Bestie..

Nasasaktan ako kay kuya dahil patago lang niya pinapakita ang feelings niya kay Janina, meron din namang time na pinapakita niya ito sa pagkindat o sa mga kilig na salita.

Eh etong si Bestie naman eh "manhid" o di kaya akala niya "joke" lang yun". Tsk tsk kailan kaya ni kuya sasabihin? Haaay..

Umupo na ako sa tabi ni bestie saka nagdrawing kay Ashe. Ang sexy ni Ashe lalakihan ko nalang yung boobs niya.

Drawing lang ako ng drawing ng napatingin ako sa pwesto ni bestie. Nakita ko na gumalaw yung ulo niya. Biglang tinaas ni kuya yung isa niyang kamay saka kinuha ang buhok na nakatakip sa mata ni bestie.

Feel free si kuya dahil walang mamakita dahil sa likod kami.

Ang sweet nilang tignan.. Pero naputol iyon ng biglang nahulog ang kamay ni bestie saka biglang umayos si kuya.

Kung nakita niyo lang siguro matatawa kayo..hahaha.

"Oh, Marcus ba't namumutla ka?" Worried na pagkasabi ni bestie hahahahahha kung alam niya lang..

"Ha..huh? Wala!" Sabi ni kuya saka tumalikod at nag headphones..nagkibig balikat si Bestie..saka tumingin sa akin..

"Ikaw, bat nandito ka? Kala ko sumunod ka kay Press?"

"Bago ko sagutin yan bestie may itatanong sana ako.."

"Nag tatanung kana anu ba yun?" Kinuha niya ang sandwich saka kinain..Ngee pilosopa nito..

"Ahhmm..ano si press ba playboy?" God, nabulunan si Janina bigla kong kinuha ang tubig ko saka binigay sa kanya..

"Eto tubig dali " pinainom ko na siya tapos mukhang okay naman

"Gaga nito, oo playboy yun pero pagdating sa responsabilidad ng school active yun" pinunasan niya ang kanyang bibig sabay inom ulit na tubig..

"Ah ganun ba" nasabi ko nalang

"Bakit? Nakita mo ba?" Tanong niya..

"Ah ehh oo kanina kaya lang umalis ako.." Sabay lagay ng color pencils sa pencil case ko.

"Diba kayo ang may ari nito bat di mo alam?" Pag usisa niya

"Hindi ko alam, dahil sa states ako nag-aaral, bale si kuya lang ang nandito.." Sabi ko hindi ko na inilahad na si kuya ang komo control ng school na ito..

"Ah ganun ba, pero nung tumingin siya sayo parang may something.." Sabay lagay ni bestie ng kanyang kamay na animo'y nag iisip..

"Somthing? Grabe ka naman best, wala yun" anong somthing? Hay paranoid lang siya,,

"Siguro..hahaha" ehhh baliw na to..

"Alam mo ba best eto na siguro yung mahaba nating pag-uusap.." Naka ngiting sabi ko

"Oo no..hahah" at napa apir kaming dalawa..

Kahit mataba, panget, kalansay, or kung ano ka pa basta tratuhin mo ako ng maayos...ay tatratuhin din kita ng mabuti.

Im glad, I met her.

------------

Laxus Miguel/Mr.President POV

Umalis na ako kanina dahil naiinis ako. Oo naiinis. Hindi ko alam bsta naiinis ako. Na parang bang binalewala niya lang. It hurts my ego.

Dahil sa inis ko bigla kong hinapit ang isang slut na ito saka hinalikan. Dinala ko siya sa isang lugar na nipis lang na sinag ng araw ang makikita.

Halik lang ng halik ako sa babaeng ito. Ng biglang nag pop-out sa utak ko ang naiinis na mukha ni Rhaine. Shit.

Bigla kong tinabig ang slut na ito.

Oo inaamin ko isa akong playboy. Playboy na presidente. Unbelivable right? Bale sideline ko lang ang pagiging playboy.

Isa akong responsableng presidente. Kung MacBridge University ang paguusapan ay ibibigay ko lahat dahil nasa pangangalaga ko ito.

Kaibigan ko si Edrian childhood friends kung baga.

Pero hindi ko alam yung about kay rhaine. Huli lang nasabi saakin ni Edrian, dahil sa states sya nag aaral.

Ng pinakita niya ang picture ni Rhaine ay na love at first sight ako katulad kay edrian na na love at fist sight kay Janina.

Naiinis ako kanina dahil.. Hindi din ba maramdaman ni Rhaine yung pagkatok ng puso ko?

(Paano ba malalaman ni Rhaine ang pagkatok ng puso mo eh sa una niyo palang na pagkikita sinita mo na agad tss..)

haaay kosensya ko na yun.

Sa pagtabig ko sa babaeng hinalikan ko ay nakita ko sa pheriperal vision ko si Rhaine na biglang umalis.

Holy sh*t nakita niya nakita niya!,

Sinundan ko kung saan sya pero huli na dahil wala na si Rhaine..

Naglalakad ako hanggang sa napadaan ako sa room nila..

At nakita ko siyang pumasok..

Napangiti siya dahil sa curiosity ko sinundan ko ang tiningnan niya.. Si Janina at Edrian!

Sa hindi nakakaalam isang Glass window ang bintana dito..kung nasa loob ka mukha mo ang makikita dahil hindi mo makikita ang nasa labas..

Ang mga tao lang sa labas ang makakita kung ano ang ginagawa sa loob.

Hindi ko akalain na ang isang Edrian Marcus ay "sweet" kita mo nga naman kung matamaan ka ng pana ni cupido marami na ang magagawa mo.

Pwde ka nyang gawing tanga, martyr. Lumakad siya hanggang sa umupo at nag drawing. *sigh*

Hihingi ako ng tawad sa kanya. Hindi pa sa ngayon..but im going to make her fall for me.

--------------

Sorry kung my typos..

Hows the chapter?

Vote comment thank you

Jieemm

Bakit Ba Kasi Ang Taba Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon