Ilang minuto nagcultivate si Van Grego sa Parang na ito. Agad din niyang binuksan ang Myriad Painting at pumasok sa loob nito.
Nakikita niya pagpasok niya pa lamang sa loob ang malahiganteng puno ng Niraya Tree. Hindi man ito maikukumpara sa mga dambuhalang puno sa mga bulubunduking bahagi ng Myriad Painting of Mountain and Rivers ay maituturing na rin itong malaki sa paningin ni Van Grego maging sa sinumang makakakita nito.
Gamit ang Immortal Eye ay nakikita niya sa mga pugad na ito na nasa mga sanga ng Niraya Tree ang mga nakahimlay na mga ibong siyamnapu't tatlo ang bilang? Ito ay walang iba kundi ang mga Dragon Sky Birds na isang uri ng Heavenly Beast.
Nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Van Grego sa inaasal ng mga ibong ito. Sa laki at bagsik ng mga ito ay parang naduwag ang mga ito dahil kahit saan anggulo mo tingnan ay bakas sa mga hitsura nito ang labis na pangamba at pagtakot.
Maya-maya pa ay nalipat ang kaniyang iniisip sa isang dalawang ibong na nangingisay sa ilalim ng harang. Nangingitim na ang mga ito at ang kanilang Lifeforce ay unti-unti na ring naglalaho. Nakikita ni Van Grego ang isang katamtamang laki na kulay Itim na Serpyente o mas angkop sabihin na isang uri ng Martial Evil Beast, ito ay ang Black Blood Serpent.
Agad na binigyang-lunas ni Van Grego ang dalawang naghihingalong Dragon Sky Bird ng dalawang Tier 5 Purifying Elixir na kayang magpawalang bisa sa anumang Klaseng negatibong enerhiya maging ng lason sa katawan nito at Tier-8 Body Reconstructing Pill na siyang tinunaw niya at inilagay sa mga na damage na parte ng katawan nito.
Kahit siya ay natatakot din sa Martial Evil Beast na Serpyente na ito. Hindi niya matukoy kung anong lebel ng kapangyarihan ng serpyente kahit gamitin niya ang kanyang Immortal Eye. Ang tanging nakikita niya lamang ay ang dalawang pinudpod na pulang Bituin sa Cultivation ng Black Blood Serpent na ito. Nakakapamangha siya, mabuti nalang aagad din siyang nakabalik sa kanyang sarili. Hindi niya namalayang naakit siyang tingnan ang kaloob-loobang lebel ng Martial Evil Beast na ito.
Kung hindi siya nakabalik sa sarili niya ay alam niyang magiging kaparehas nito ang kapalaran niya sa naghihingalong dalawang Dragon Sky Bird na nasa kanyang harapan. Isa sa mga katangian ng Martial Evil Beast ang manghipnotismo kapag tiningnan mo sila kahit na sa alinmang parte nila sa matagal na oras. Nanalaytay sa dugo nila ang dugong mapanghipnotismo, isa ito sa mga napakadelikadong uri ng Martial Beasts.
Kapag nahipnotismo ka nito ay saka ka naman nito kakagatin at gagawing hapunan nito. Sa kalkulasyon ni Van Grego, ang Martial Heavenly Beast ay may kakayahang ma-purify ang negatibong enerhiya maging ng lason ngunit kapag mataas na lebel ng Cultivation ang kalaban nito ay dito na nagkakaroon ng lamang ang kalaban niyang ibang uri ng Martial Beasts katulad ng Martial Demonic Beasts T Martial Evil Beasts.
Sa lagay na nakikita niya sa pangyayaring ito ay may mataas na lebel ng Cultivation ang Black Blood Serpent na ito kaysa sa Dragon Sky Bird. Patunay ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga ito kani-kanina lamang sa kamay ng Black Blood Serpent.
Agad na ring gumaling ang mga ito sa matinding lason na natamo sa Black Blood Serpent na ito.Ang mga ito ay agad na lumipad palayo sa lugar na ito. Natural lamang na lumipad sila lalo pa't hindi pa ang mga ito nagkakaroon ng sariling consciousness o pag-iisip at wala pang natatanggap na Enlightenment.
Nakakabahala ang epekto ng Selyo ng Kontinenteng ito. Kahit na ang mga Martial Beasts ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na maging isang ganap na Cultivator. Pinipigilan nito ang pagkakaroon ng Breakthrough ang sinumang nilalang na nakaabot na sa Martial God Realm. kaya't itinuturing na sobrang hina ng Kontinenteng ito.
Sa oras na malapit nang masira ang seal ay siya namang paglusob ng mga Martial Expert ng karatig na mga Kontinenteng ito. Siguradong uubusin sila ng mga malalakas na mga eksperto. Ang massacre o ang pagpatay ng malaking bilang ng mga tao ay maituturing na krimen ngunit maiiwasan ba nila ito sa oras na ng pagdating ng digmaan? Ito ang katotohanang hindi maiiwasan sa oras na dumating na ang araw ng pagwalang bisa ng seal.
Kung kaya't ngayon ay naghahanda si Van Grego, hindi ng pagbuo ng hukbo ng mga Martial Beasts kundi ang maraming mga sangkap sa Pagbuo ng napakalakas na Formation Arrays at ng Interstellar Pillars. Sa Laki ng Kontinenteng ito ay alam niyang hindi basta-basta ang kinakailangan niyang mga kasangkapan.
Iwinaglit niyaang kanyang iniisip sapagkat makakaapekto lamang ito sa kanyang mga desisyon. Kusang lumalabas ang kanyang sariling emosyon na kung saan nagkakaroon siya ng pagkakabagabag, takot, lungkot at iba pang uri ng negatibong emosyon sa oras na naiisip niya na ang digmaan ngunit kailangan niyang maging matatag. Alam niyang wala siyang makakapitan o matatakbuhan sa oras na maging mahina siya. Sa mura niyang edad na ito ay nakita niya kung gaano karahas ang mundong ito. Alam niyang sa labas ng kontinenteng ito ay mas malala pa kalagayan ng mga ito. Tunay na masalimuot ang mundo ng Cultivation.
Sa kanilang Kontinente, alam niyang wala siyang makakapitan lalo pa't halos lahat ng mga Cultivator ay sinusunod ang likas na batas ng kagubatan. Ang mahihina ay nanatiling mahina, ang malalakas ay patuloy pang lumalakas.
Ang mahihina para sa kanila ay alipin at tagasunod lamang na sa huli ay wala ng silbi ay wawakasan na lamang ang buhay nito na parang wala lang sa kanila. Kagaya ng miserableng kalagayan ng Hyno Continent na kinatatayuan ni Van Grego na kapag walang naging preparasyon na ito ay mabubura sa mapa ang Hyno Continent at iyon ang hindi hahayaang mangyari ni Van Grego. Ito ang kanyang lupang kanyang kinalakihan at ayaw niyang maging ganon na lamang ang kapalaran ng kontinenteng ito.
"Sinusumpa kong sa oras na tumapak kayo sa kontinenteng ito dala ang masama niyong hangarin ay pupulbusin ko kayong lahat!" Sigaw na sambit ni Van Grego na puno ng pait at galit.
Sa kanyang pag-iisip ay hindi na siya isang bata, Ninakaw na ng panahon ang sarili niyang kabataan, Ang pinapangarap niyang simpleng buhay na kasama ang kanyang pamilya ay nasira na. Parang salamin na kahit anong gawing pagdikitin ang bawat parte nito ay hindi na mabubuo pa. May lamat na hindi na maayos pang muli.
Ang panahon ng kabataang sana ay nararapat na maranasan niya ay hindi niya na mababalikan o matatamasa man lang. Ang panahon ay lumilipas kahit na anong gawin ng sinuman ay hindi na maibabalik pa. Sa karanasang natamo niya mula ng siya ay binasagang wala ng silbi, isang crippled, at nang pagtanggap ng mga maling pagtrato at ang pambabato sa kanya ng mga masasakit na salita ang nagpamulat sa kanyang huwag magtiwalang lubos sa mga tao o alinmang nilalang.
Ang kanyang pagsusumikap at pagsabak sa matitinding labanan ang nagpatibay ng loob niya. Ang mga buwis-buhay na pangyayari ang nagpamulat sa kanyang hindi pa siya handang mamaalam sa mundong ito. Gusto niya ng pagbabago. Ang prinsipyo na kanyang hinahawakan ay ang pagbabago.
Kung maririnig siya ng mga Cultivator o ng mga nilalang na may isip ay siguradong pagtatawanan siya ng mga ito na animo'y may sira sa pag-iisip.Napakahirap ng daang kanyang tatahakin pero kakakayanin niya, alang-alang sa pagbabagong gusto niyang matamo.
Sa oras na ito ay sisikapin niyang maging matatag at may lakas ng loob lalo pa't wala siyang aasahan kundi sarili niya na lamang.
Ito ang araw kung saan lumabas ang tinatagong emosyon.Dahil sa matinding negatibo emosyon na naging negatibong enerhiya na inilalabas na katawan ni Van Grego ay siya namang hindi inaasahang paggising ng natutulog na nilalang na hindi masukat ang kapangyarihang taglay sa kailalimang parte ng bulubundukin sa loob ng Myriad Painting.
Roarrrrrrrr!!!!! Napalakas na sigaw ng isang hindi kilalang nilalang na nagbigay pangingilabot sa mga nilalang na nasa loob ng Myriad Painting. Nagmumula ang kakaibang ingay na ito sa loob ng mga harang sa masukal na bulubundukin na malayo ang distansya nito sa kinalalagyan ni Van Grego.
Halos lahat ng mga nilalang na naririto lalong lalo na ang lahat ng mga Martial Beasts ay bakas ang matinding takot ng mga ito patunay na ang mabilis na paglisan sa mga lugar na ito upang magtago. Maging ang Black Blood Serpent ay mabilis na lumayo sa lugar na ito.
Kahit na nasa loob ng malapad na kwadradong ito ang mga mga Dragon Sky Bird ay nahintatakutan pa rin ang mga ito. Patunay na lumipad ang limang Dragon Sky Bird kasama ang dalawang pang sugatan kani-kanina lamang sa kanilang pugad dala na rin ng takot dahil sa tunog ng misteryosong nilalang.
Kalmado na ang ekspresyon ni Van Grego kumpara kanina. Hindi siya nababahala sa malakas na nilalang na nasa loob ng nagkakapalang harang. Kampante siyang mas malakas at ekstraordinaryo ang Myriad Painting laban sa alinmang nilalang na gustong sirain ang harang nito.
BINABASA MO ANG
ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 2]
FantasySi Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling a...