Chapter 47

181 16 0
                                    

Sa ilang araw na paglalakbay nila ni First Elder Ramon kasama ang iba pang Elders ng Grego Clan ay kakikitaan ng pangangayayat ang mga ito. Lalo pa't pinagsisihan niya maging nila ni Fourth Elder Glemor maging ni Second Elder Kirina at ni Fifth Elder Elmo. Mali sila ng kinampihan maging ang pagiging sunud-sunuran nila. Ginawa lamang silang panangga ni Jack Mirusa para mapatay nila lahat ng mga pamunuan ng mga Second Rate Class at Third Rate Class ngunit nabigo sila.

Lahat ng mga pang-aabuso at panghahamak ay tinamo nila sa matandang iyon na siyang traydor sa malaking Asosasyon dahil sila ang pinagbuntunan ng galit ng mga ito. Si Amelia ang halos nagdurusa dahil inabuso siya ng Kasamahan ni Jack Mirusa na sina Louis Guiano at Zenori Cartagena. Inabuso siya ng mga ito sa pamamagitan ng panghahalay sa kanya sa seksuwal na paraan na maging ang asawa niyang si First Elder Ramon ay walang nagawa sa kaniyang kalunos-lunos na sinapit sa dalawang Martial Artists na iyon. Sina First Elder Ramon at ang iba pang Elders ay sinapit ang hagupit ng mga Electric Whip na kayang lapnusin ang kanilang balat na wala silang kalaban-laban dahil sa malahalimaw na lakas ng mga ito. Isa pa, nasa tago silang basement na pinamumugaran ng mga Martial Artists na galing sa Serpien Continent at puno pa ito ng mga Rogue Cultivators.

Alam na nila ang paunang paghahanda ng Serpien Continent ngunit wala silang kaalam-alam sa mga susunod nilang mga hakbang ngunit wala na silang anumang lakas upang lumihis pa ng daan na kakampihan o papanigan. Mabuti na lamang at pinakawalan sila ni Jack Mirusa upang maging pandagdag lakas sa mga paunang atake ng Serpien Continent. Masakit man isipin ngunit ginawa silang panangga o cannon fodder ng mga taga-Serpien Continent ngunit sino ba sila? Sa panahong iyon ay siya ring pagkasawa ni Louis Guiano at Zenori Cartagena kay Amelia. Isa lamang siya sa maraming babaeng ginamit ng mga kalalakihan para sa seksuwal na gawain. Mayroon ngang babaeng sapilitang hinahalay at mayroon ding intensyunal na nagpapagamit para lamang sa mga kayamanan at Cultivation Resources na makukuha upang umangat ang kanilang lakas.

Sa ngayon ay ito sila ni Elder Ramon kasama ang kanyang asawa na si Amelia maging ang iba pang Elders ay naririto. Hindi upang makisali sa mga paglalaban ng mga ito kundi upang manguha ng mga kayamanang hindi nila pinaghirapan. Pinapakiramdaman nila ang mga tensyon na nangyayari sa kanilang paligid na maya-maya lamang ay siguradong magkakaroon ng matinding sagupaan dito. Agad na lumipat si First Elder Ramon at mga kasamahan nito sa ibang lugar na siyang ikinapagtataka ng mga Elders maging ni Amelia.

"Bakit tayo umalis Elder Ramon?!" Sambit ni Fourth Elder Glemor na may bakas ng inis sa kanyang boses.

Nag-uusap sila ngayon sa pamamagitan lamang ng kanilang true essence bilang seguridad na hindi sila mapapansin ng sinuman na naririto.

"Oo nga Elder Ramon, alam mo namang maraming kayamanan ang nakalatag malapit sa atin. Ayaw mo ba ng kayamanan ha?!" Panggagatong ni Fifth Elder Elmo sa sinabi ni Fourth Elder Glemor na nanggagalaiti nitong boses. Maging siya ay hindi alam ang nasa isip ni First Elder Ramon. Ayaw niya rin kay First Elder Ramon at gusto niyang mapatalsik ito. Noon pa man ay kumukulo na ang dugo niya dito dahil parang sunud-sunuran lamang siya o sila sa kapwa nila Elder. Ngayon ay oras niya na para unti-unting patalsikin ito sa kaniyang puwesto bilang First Elder. Kung maaari nga ay si Fourth Elder Glemor ang ipalit sa puwesto na mamumuno sa Grego Clan upang ang benepisyo niya ay walang hanggan. Hindi niya intensyon ang maging pinuno ng Grego Clan dahil hindi niya ma-eenjoy ang mga kayamanang nasa kanya.

" Ginawa ko lamang iyon para sa ating kaligtasan. Sa oras na magkaroon ng labanan mamaya lamang ay siguradong mapipinsala tayo. Sa sinabi ng nakarobang nilalang na nasa harapan mismo ng mga Cultivators na naririto ay siguradong nahikayat sila nito para sa kayamanan. Sa palagay niyo ba ay simpleng labanan lamang ito? Kung ganon ay nagkawatak-watak na tayo at sumugod kayo doon!" Sambit ni Elder Ramon sa kaniyang mga kapwa-Elder na kasa-kasama niya. Sa ilang araw nilang paglalakbay ay halos lahat na lamang ay nagrereklamo ang mga ito na animo'y sila lamang ang nagtitiis sa kanilang kalunos-lunos na paglalakbay na ito. Sa kanilang lahat, halos siya ang may pinakamalaking naitulong sa mga delikadong paggalugad sa lugar ng Hyno Continent maging sa pag-iwas sa mga mararahas na Cultivator na kasa-kasama nila ay siya rin ang umaayos at umiiwas para lamang mapanatili nila ang kanilang buhay.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon