Chapter 49

166 18 0
                                    

Mula sa itaas ng himpapawid ay makikita ang batang si Zerk Clamir ngunit hindi siya ito. Ang komokontrol sa katawan nito ngayon ay si Alfero na siyang Martial Spirit nito. Malaking bagay ang kapalit ng kanyang pagkontrol sa katawan ng batang ito. Unti-unting humihina ang kanyang lakas habang papatagal ng papatagal ang panahon na lumilipas.

Ngayon ay naramdaman niyang parang may parang nawalang mahalagang bagay sa kanya. Hindi niya malaman kung ano ito ngunit hindi niya matandaan o maalala man lang. Sa lakas niyang unti-unting nanghihina dahil nirerefine ito ng katawan ng batang ito upang i-fuse sa katawan nito ay nagkakaroon ng distorsyon sa enerhiya niya. Sa ngayon ay wala siyang magagawa pa patungkol sa bagay-bagay maging sa Asosasyong pagmamay-ari ni Van Grego.

Tinatanaw niya ngayon ang unti-unting pag-activate ng Defensive-Type Formation na inilagay ng batang si Van Grego. Talagang napahanga si Alfero sa malakas na persepsyon at husay ni Van Grego sa larangan ng paggawa ng mga Formation lalo na ng mga Arrays. Sa murang edad niyang ito ay naniniwala siyang magiging malakas at mahusay itong Eksperto at Pinuno ng malaking Faction sa mataas na mga mundo at katatakutan ang lakas nito sa kasaysayan.

Maya-maya pa ay may malalim siyang iniisip sa mga bagay-bagay. Nang maalala niya ang patungkol kay Van Grego ay nagkaroon siya ng hindi magandang kutob dito. Maging ang Spiritual mark na inilagay niya sa batang iyon ay hindi niya na maramdaman parang mistulang nawala lamang na parang bula. Hindi mapakali si Alfero sa kanyang puwesto ngayon. Halatang mayroon na siyang malalim na koneksyon sa batang iyon. Mahilig gumawa ng mga bagay-bagay ang batang iyon ng kung ano-ano. Minsan delikado pero palaging delikado talaga. Hindi nga alam ni Alfero kung bata pa iyon eh. Kung kausap niya ang batang iyon ay parang kausap niya ang mgs ninuno niya, hindi nagpapadaig sa imposible na ginagawa nitong posible. Naiisip pa lamang niya ang mga ito ay agad na nangamba si Alferom sa huling tanda niya sa Spiritual mark ay nandoon sa lokasyon mismo ng Interstellar Palace. Nararamdaman niya kani-kanina ang kakaibang aktibidad sa loob nito.

Walang sinayang na panahon si Alfero kundi pumunta sa Interstellar Palace sa pamamagitan ng paglipad ng mabilis. Marami siyang nakikitang mga bagay-bagay partikular na ang pagkawasak ng mga kabahayan dulot ng mga pagoapasabog at intensyunal na pagsunog sa mga ito maging ang mga karaniwang mga pamumuhay ng mga Martial Artists at mga normal na mga nilalang ay hindi pinalampas ng mga mananakop. Hindi siya maaaring mamagitan pa sa mortal affairs. Sa lahat ng karanasan niya ay wala pa ito sa dulo ng kanyang buhok. Masasabing ito ang pinakasimpleng bagay na nakita niya. Makalipas lamang ang ilang mga taon ay babalik din sa normal ang mga bagay na nasa paligid idagdag pang ilang minuto na lamang ang nakakalipas ay tuluyan ng mag-aactivate ang Defensive at Offensive Type Formation Arrays.

Maya-maya pa ay tanaw na ni Alfero ang Ult Magna Forest ngunit hindi na ito ganon kasukal lalo pa't ang mga tanim na naririto ay papatubo pa lamang. Alam niyang puro ilusyon lamang gawa ng Seal ang kasukalang gubat nito noon ngunit hindi iyon nakatakas sa batang si Van Grego.

Agad niyang natanaw ang lagusan papunta sa loob ng Interstellar Palace. Agad na nakaramdam siya ng isang malakas na presensya ng isang halimaw ngunit isinawalang-bahala niya na lamang ito.

Agad na lumipad papasok si Alfero papunta sa loob ng Interstellar Palace na siya namang nagpaalerto sa isang nilalang.

Isang tinig ang nagpatigil sa kanya ng makapasok siya sa isang silid na papasok sa loob ng Interstellar Palace.

"Pangahas! Sino ka upang tumapak sa aking teritoryo?!" Sambit ni Binibining Mystica sa harap ng nilalang na pangahas na pumasok sa kanyang teritoryo.

"Nagising ka na pala Mystica hahaha...  Akala ko ay sa susunod pang dekada ka magigising" Nakangising sambit ng isang bata.  Hindi nagkakamali si Alfero na ito ay si Mystica na naligaw din dito sa Interstellar Palace.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon