Masakit ang pagkakabagsak na natamo ni Robi Farnon at ni Lona Silvario ng walang pasabing sinipa ni Jack Mirusa ang kanilang sinasakyang Invisible Air Bubble. Maraming natamong pinsala sa katawan si Robi Farnon dahil hinigit niya at niyakap niya si Lona Silvario bago pa malalim na bumaon sa lupa ang malaking bulang ngayo'y hindi na makikilala pa dahil sa napakaraming bitak-bitak sa paligid nito. Kung hindi dahil sa malaking bulang ito ay baka agaran silang namatay o kaya ay lubhang napinsala ng gianwang pangahas na atake ni Jack Mirusa. Hindi sila makapaniwala na isa itong traydor at ang hindi maintindihan ni Robi Farnon at Lona Silvario ay ang pagtawag sa kanyang "Elder" ng dalawa pang traydor. Sigurado siyang hindi pangkaraniwang Cultivator o nilalang si Jack Mirusa. Akala nila ay nasa mababang Cultivation Level lamang si Jack Mirusa at minsanan lang kung magcultivate ngunit isa pala itong pagkakamali na isiping mahina ang lalaking ito na medyo may edad na rin.
"Natuwa ba kayo sa inyong napanood mga lider ng Mandirigmang Cultivators? Simula palang 'yan dahil papatayin ko muna ang ugat ng grupong ito at saka ko puputulin ang mga sanga nito." Makahulugang pagkakasabi ni Jack Mirusa habang nakangiti na animo'y parang siansabi niya ito ng natural ngunit hindi matatakpan nito ang tunay na layunin niya.
Nang marinig ni Robi Farnon at Lona Silvario ang sinabi ni Jack Mirusa ay alam nila ang gustong ipakahulugan nito. Nahintatakutan sila sa sinabing ito ni Jack Mirusa ngunit bilang lider ay dapat nilang iwaksi ang negatibong mga negatibong pag-iisip maging ang mga takot na kanilang nararamdaman. Ang pagkakaroon ng takot sa oras ng labanan o digmaan ay normal lamang ngunit kung magpapadala sila sa takot o pangamba ay maaari silang lamunin nito at magdudulot lamang ito ng pagkatalo o pagkasawi ng maaga. Lalaban sila, ito ang nasa isip ni Robi Farnon at Lona Silvario. Wala silang maaasahang tulong mula sa sinuman at tanging ang mga sarili lamang nila ang magiging sandigan nila sa mga oras na ito.
Crack!
"Arrgghhhh!" Impit na daing ni Robi Farnon nang sinubukan nitong tumayo dahil sa marahas na pagkakabulusok nila. Tunog ng mga buto sa kanyang iba't ibang parte ng katawan ang bigla na lamang naririnig dahil ang mga ito ay labis na naapektuhan sa impact ng pagkakabaon sa lupa na siyang nagdulot ng pagkabali, pagkakaroon ng bitak at pagkasalpak ng kanyang mga nuto sa katawan sa kanyang mga muscles at tissue sa katawan kung kaya't hindi basta-basta na makakatayo ito. Agad ginamit ni Robi Farnon ang kanyang Spiritual Sense upang buksan at hanapin ang Tier 6- Recovery Pill at agad na kinain ito. Unti-unting nagkaroon ng epekto ito sa katawan niya at labis ang naging epekto nito ngunit marami pa rin siyang iniindang mga menor na sugat sa kanyang katawan.
Si Lona Silvario ay nagkaroon ng mga pasa sa katawan at kahit na pinotrektahan siya ni Robi Farnon ay nawalan pa rin ito ng malay dulot ng marahas na pagbagsak nila idagdag pang siya ang unang natamaan ng impact ng sipain ni Jack Mirusa ang Invisible Air Bubble.
Agad na binigyan ni Robi Farnon si Lona Silvario ng isang piraso ng Tier-7 Recovery Pill upang mabawasan ang sakit na iniinda nito sa katawan. Agad naman itong kinain ni Lona Silvario dahil alam niyang nasa delikado silang sitwasyon at hindi niya o nila alam ang takbo ng isip ng kanilang kalaban. Hindi naman binigo ng kahanga-hanga at pambihirang Pill ang pagpapabuti ng lagay ni Lona Silvario kungkayat masasabi mong hindi na masyadong nasa kritikal na kondisyon ang dalawang pinuno ng grupo ng Mandirigmang Cultivators.
Nang makita ni Jack Mirusa ang kalagayan ng sakay ng Invisible Air Bubble na nasa kalunos-lunos na kondisyon ay nanghahamak itong nakatingin sa kanila.
"Kaawa-awang nilalang. Masyado kasi kayong nangingialam eh. Mabuti pang ialay niyo na lamang ang inyong buhay sa Serpien Continent at pagserbisyuhan niyo kami. Walang sinuman ang makakapigil sa amin kahit na kayo pa ang Mandirigmang Cultivators ng Maliit at basurang kontinenteng ito!" Malakas na sigaw ni Jack Mirusa na pasinghal. Naiinis na siya sa mga Mandirigmang Cultivators na ayaw magpasakop sa kanila. Para sa kanya ay kapaki-pakinabang pa rin ang mga ito at mas madadagdagan ang kabuuang puwersa nila kung susunod lang ang mga ito sa kanilang pinag-uutos sa ilalim ng administrasyon at pamamahala ng Serpien Continent.
BINABASA MO ANG
ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 2]
FantasySi Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling a...