Special Mini-Chapter

178 20 0
                                    

Nang umalis ang halos lahat ng mga Cultivator sa Hall ay minabuti ng lalaking nakaitim na maskara manatili dito sa kaniyang kinauupuan. Batid niyang hindi pa tapos ang nasabing pagpupulong lalo pa't hindi lamang siya nag naririto kundi maging ang iba din. Sa katunayan nga ay hindi kahina-hinala ang kanyang kasuotan maging ng kanyang pagsuot ng maskara lalo pa't ang mga Opisyales ng matataas na sanagay ng angkan ay may kanya-kanyang mga fashion sa uri ng kanilang pananamit. Madami ding nakamaskara para sa kanilang pagtago ng kanilang identidad.

"Sa oras na lumakas ako at magkaroon ng sapat na kayamanan, matutupad ko na ang aking paghihiganti. Para sa kamatayan niyo ito, aking pinakamamahal na anak at inaanak!" Sigaw ng nakamaskarang itim sa kanyang isipan. Desidido na siyang mabigyang katarungan ang nasabing kamatayan ng mga batang itinuturing niyang kayamanan.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon