"Mga inutil kayong lahat! Nakatakas ang mga kutong lupang mga Elders ng Grego Clan! Tapusin na natin ang mga Opisyales na nandito saka natin paslangin ang buong angkan ng Grego Clan!" Sambit ng tagapagsalita ng mga kapwa nila Assassins.Walang ano-ano pa'y bigla na lamang nagpaulan ng mga atake ang nasa panig ng mga Assassins. Sobrang bilis ng mga ito kung saan ang mga nagtatalimang mga pana at mga iba't ibang uri ng patalim ay hindi masundan ng mata.
Mula sa panig ng mga Opisyales ay may biglang lumitaw na isang medyo may edad na lalaki na may suot na kulay puting Roba.
"Freeze!" Isang salitang lumabas sa medyo may katandaang lalaki kung saan ay unti-unting nararamdaman ang pagbago ng klima sa lugar na kinatatayuan nila.
Kapansin-pansin ang pagbagal ng pagbulusok ng mga iba't ibang patalim na gawa mismo ng mga Assassins hanggang sa ito ay nabalutan na ng yelo. Bigla na lamang may kakaibang enerhiyang inilalabas ang katawan ng puting robang lalaki kung saan ay nawasak ang lahat ng mga patalim.
Pagkamangha at pagkagulat ang namayani sa lahat ng mga nakasaksi sa pangyayaring ito. Nang makabawi ang mga nasa panig ng mga Opisyales ay nakilala nila ito.
"Commander Wilson!"
"Si Commander Wilson nga!"
"Siya ang isa sa Commander ng Ice Frost Kingdom!"
"Mabuti at dumating na si Commander Wilson, ligtas na tayo!"
Maraming mga nag-iingayang mga Cultivator sa panig ng mga Opisyales kung saan ay patungkol ito sa katapangan at kagitingan ng Lalaking nakaputing roba kung saan ay marami pa itong natanggap na mga papuri sa iba't ibang Opisyales bakas ang respeto at paghanga sa kanya.
"Magaling, Magaling! Magaling! Subukan natin kung hanggang saan ka tatagal!"
"Thousand Piercing Dragon Arrows!" Sigaw ng tatlong hindi kilalang mga Assassins na nasa dilim ngunit ang ginawang Technique ng tatlong kataong ito ay kitang-kita kung gaano ito kalakas.
Mula sa kalangitan, kitang kita ang mga isang libong nagliliyabang mga palaso. Ang kaninang malamig na klima ay naging napakainit na klima. Maya-maya pa ay bumulusok ang mga palaso na animo'y mga bulalakaw lalo na't sobrang bilis itong bumulusok na animo'y kaya nitong butasin ang lupang tinatapakan ng mga Opisyales.
"Frost Bomb!" Malakas na sigaw ni Commander Wilson sa pagsagawa ng isa sa napakalakas niyang Technique.
Unti may lumitaw na dalawang napakalaking bombang gawa sa yelo. Agad niya itong ihinagis ang dalawang bomba sa ere at nagsagawa ng isang Technique.
"Unyeilding Ice Bomb!" Sambit ni Commander Wilson ng sipain niya ang dalawang napakalaking bombang gawa sa yelo. Ang isang napakalaking bombang gawa sa yelo ay papunta sa direksyon ng mga nagbabagang palaso at ang isa ay sa lugar na napakadilim kung saan ang ginawang taguan ng mga Assassins.
Isang dual Technique ang ginawa ni Commander Wilson lalo pa't alam niyang hindi niya mapapagalaw ang mga Ice Bomb ng ordinaryong sipa lalo pa't sasabog ito sa oras na makaramdam ng hindi ankop na attribute ng tubig o yelo.
Makikita sa kalangitan kung pano magsagupa ang isang napakalaking bombang gawa sa yelo sa nagbabagang palaso. Isang napakalaking pagsabog ang nagyari st umulan ng yelo. Ang nagbabagang mga palaso ay nagkapira-piraso at nabalutan ng yelo. Nagmistulang umulan ng niyebe. Sa huli ay nanaig pa rin ang attribute ng Yelo laban sa Apoy.
Nag-iba ang direksiyon ng mga tingin ng mga Opisyales sa madilim na lugar. Unti-unti nilang naramdaman ang kakaibang nangyayari sa panig ng mga Assassins.
Naalarma ang mga Assassins nang may paparating na napakalaking hugis bombang pabilog na gawa sa yelo. Bakas sa mukha nila ang pangamba ngunit agad silang nagsagawa ng Technique na para sa kanila ay kayang-kaya nilang pantayan ang lakas nito.
BINABASA MO ANG
ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 2]
FantasiaSi Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling a...