Bago man mangyari ang nasabing pagrerecruit ay nagkaroon ng pagpupulong kinagabihan hindi lamang ng mga pinunong ng bawat departamento kundi maging ang lahat ng mga kasapi nito. Ito ang totoong layunin ng pagbabalik ni Van Grego na nagbabalat-kayo bilang si Mr. V sa paningin ng lahat.
Alam ng lahat ng miyembro ng Alchemy Powerhouse Association ang nangyayaring malaking krisis na magreresulta ng napakalaking digmaan sa kontinenteng ito, ang kontinente ng Hyno. Lahat ay nababahala ngunit malaki ang tiwalang ibinibigay nila kay Mr. V. Walang sinuman ang gustong umalis at magtago sa ibang lugar at Kontinente. Alam nilang mas delikado pa doon kung ikukumpara sa kalagayan ng Kontinenteng ito.
Hindi lamang lahat ng miyembro ng Alchemy Powerhouse Association ang nandito sapagkat inimbita nila ang mga matataas na posisyon o maging ang mga pinuno ng bawat angkan ng Second Rate Class at Third Rate Class. Hindi mapagkakailang marami ang nagulat sa paunang impormasyon na naibigay sa kanila ng Alchemy Powerhouse Association. Ang malaking digmaan na magaganap ilang araw mula ngayon ay siyang parang bombang sumabog sa kanilang mga pandinig. Lahat ng pamunuan maging ng mga pinuno ay nahintatakutan lalo pa't bakas sa kanilang mukha ang pamumutla at di kaaya-ayang ekspresyon. Hindi man ito kaaya-ayang balita para sa kanila ay pumayag silang pumunta sa nasabing malaking pagpupulong na isasagawa mismo sa loob ng teritoryo na sakop ng Alchemy Powerhouse Association. Hindi nila ito matatanggihan sapagkat maraming naitulong sa kanila ang malaking Asosasyon na ito maging ang kanilang mga kayamanang tinatamasa ay dahil na rin sa mga ito na lubos na ipinapasalamat sa kanila. Paano pa sila makakatanggi.
Kinagabihan mismo ay nandito na ang halos lahat ng mga may mataas na posisyon sa bawat angkan, kaharian ng bawat Second Rate Class at Third Rate Class. Makikita ang kanilang suot na napakapormal ang dadausan na pagpupulong na ito. Hindi alintana ang takot sa lakas ng First Rate Class. Bakit pa sila matatakot? Ang kanilang yaman ay maikukumpara na mismo sa First Rate Class o mas higit pa sa mga ito.
Ang kanilang kinakain ay mas masustansya pa sa mga mayayamang tao maging ang matataas na tao ng mga First Rate Class ay hindi na maikukumpara pa. Ang maraming supply ng mga Cultivation Resources ay mas marami at nasa matataas na kalidad pa kaysa sa Cultivation Resources ng mga ito. Ang malaking agwat sa pagitan ng yaman at kapangyarihan sa bawat Class ay hindi na makikita pa sapagkat ang mga minamaliit noon na mabababa na mga tao ngayon ay patuloy pang lumalakas. Kaya na nilang bayaran ang sinuman sa mga miyembro ng First Rate Class ng malalaking halaga ngunit barya lamang para sa Third Rate Class at Second Rate Class.
Kaya na niang gawing utusan maging ang gawing ang mga First Rate Class na parang asong alipin ng kayamanang parang isang kusing lamang sa mga Second Rate Class at Third Rate Class.
Naging posible ito dahil na rin sa tulong ng Alchemy Powerhouse Association sa lahat ng mga angkan at kaharian ng Second at Third Rate Class. Ang bilang nila ay lubhang napakarami kaysa sa First Rate Class. Kahit na ang kabuuang lakas ng Third Rate Class ay kayang talunin ang maliit na bilang ng mga First Rate Class Cultivator.
Sa maliit na panahon ay naging posibleng malamangan ng Second Rate Class at Third Rate Class ang First Rate Class sa tulong ng Alchemy Powerhouse Association. Ang simpleng pagbabanta ng mga taong miyembro ng First Rate Class ay isa na lamang malaking biro at kalokohan sa dalawang Classes na itinuturing noong mga mahihinang paramg mga tuta na ngayon ay malalaking mga lobong hinihintay na lamang ang pag-atake ng isang maamong tigre (isang idioma).
...
Halos lahat ng mga angkan at kaharian ng Second at Third Rate Class ay naririto na. Sa katunayan nga ay maaga silang nakarating sa malawak na Teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association na agad din silang pinapasok na may mainit na pagtanggap ng bawat miyembro ng Asosasyon na ito.
Kung malalakas ang mga bawat miyembro ng mga namumuno maging ng mga miyembro ng Second at Third Rate Class ay mas matatakot ka sa lakas na taglay ng bawat miyembro ng Alchemy Powerhouse Association.
BINABASA MO ANG
ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 2]
FantasySi Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling a...