Halos lahat ng tao ay nakalabas na sa hall na isa sa malaking gusali na sakop ng Alchemy Powerhouse Association. Marami ang mayroong hindi kaaya-ayang mga ekspresyon sa mukha lalo pa't hindi nila alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng kalagayan ng kanilang kayamanan ngayon lalo pa't wala na silang negosyasyon patungkol sa Asosasyong ito.Nawalan sila ng gana sa pamamalakad ng Alchemy Powerhouse Association lalo pa't ang kanilang nakitang mga bagay ay sobrang nakakadiri para sa kanila. Halos karamihan ay nagpapahid ng kanilang mga bibig at nagmumog na parang wala ng bukas. Kahit mayroon silang panghihinayang sa makukuha nilang porsyento sa ibebenta nila ay wala silang magagawa pa lalo pa't nagdesisyon na sila ng padalos-dalos o agaran ng hindi nag-iisip.
Mula sa maraming mga grupo ng mga Opisyales sa kanilang mga kanya-kanyang mga angkan o maging mga kaharian ay hindi makikita ng malinaw ang limang kataong naririto lalo pa't masasabi mong nakabalabal na sila ngayon. Ang grupo ng nakabalabal na ito na halos balot na ang lahat ng kanilang katawan at ang kanilang mukha ay nakangisi ang mga ito.
Tahimik lamang silang nag-uusap na hindi naririnig ng ibang mga Cultivator ng ibang mga angkan lalo pa't ayaw nilang sila naman ang pagbuntunan ng galit ng mga ito
"Magaling ang estratehiya mo Fourth Elder Glemor kung paano niyo napasama ang imahe ng malaking Asosasyong ito. Sayang nga lang at marami ang mga uto-utong mga Cultivator nyahahaha!" Nakangising sambit ni First Elder Ramon sa kasama niyang naglalakad na si Fourth Elder Glemor.
"Mga walang utak naman kasi ang mga iyan hahaha... madali lang pala ang bagay na ikakasira ng malaking Asosasyon na ito, ni hindi nga mapasok ang lugar na ito kahit ng mga assassins at huwad na video lamang ang inirekord ko at ipinakita sa kanila. Siguradong malaki ang pabuyang makukuha natin sa boss natin nyahahaha!" Dagdag na sambit ni Fifth Elder Elmo sa sinabi ni Fourth Elder Glemor.
Kung maririnig lamang ito ng ibang mga Cultivator na may matataas na posisyon sa lipunan ng Second at Third Rate Class ay siguradong tigok agad sila lalo pa't isa itong paninira lamang sa Alchemy Powerhouse Association. Kung sinuman ang makaririnig ng diskusyon ng limang Elder ng Grego Clan ay siguradong magagalit at magdedeklara ng away o kaya ay labanan na siya namang magiging katapusan sana ng mga Elders ng Grego Clan.
"Pakihinaan niyo naman ang boses niyo, kapwa ko mga Elders baka hindi pa tayo nakakaalis sa lugar na ito ay mawawalan na tayo ng buhay dahil sa pagiging kampante at arogante niyo. Mas pinili niyo pang dito magdiskusyon na kung maririnig nila ito ay siguradong di sila mag-aalinlangan na paslangin tayong lima!" Pasuplada at mahinang pagkakasabi nito na may diin sa bawat salitang binibitawan ni Second Elder Kirina lalo pa't kung may makakarinig sa kanila ay walang dudang mamamatay sila lalo pa't nakikita niya ang madilim na ekspresyon ng mga kapwa niya mga bisita na may matataas na posisyon sa bawat lugar na kanilang pinamumunuan. Naiisip palang niya na may makakarinig sa kanila ay talagang tatakasan siya ng kaluluwa kapag nangyari ang kinakatakutan niya. Hindi siya isang mangmang upang maging padalos-dalos ng mga hakbang sa paninira o kaya ay paggawa ng ibang uri ng mga kasamaan sa kapwa niya. Halos may pagkakahawig sila ng trabaho ni Fourth Elder Glemor ngunit mas lamang siya sa pag-iisip ng mga hakbang at bagay-bagay para makaiwas sa anumang sigalot.
Natahimik naman ang apat na kasamahan niya lalo pa't napagtanto din ng mga ito ang sinasabi ni Second Elder Kirina. Napag-isip-isip nilang may punto ang bawat salitang sinasabi nito kung kaya't mas pinili na nilsng manahimik at mamaya na ipagpapatuloy ang kanilang diskusyon kapag nakaalis at nakalayo na sila sa Teritoryo ng Alchemy Powerhouse Association.
Humalo na sila sa maraming taong nagkukumpulan at hindi na sila makita pa lalo pa't mas dumilim pa ang lugar na kanilang nilalakaran na kaninang pagdating nila ay sobrang liwanag ngunit tanda lamang ito na hindi na sila pwedeng umapak pa sa teritoryo kailanman.
BINABASA MO ANG
ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 2]
FantasíaSi Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling a...