Sa isang silid ay makikita ang namamawis na na batang si Van Grego. Hindi maipagkakailang nahihirapan ito kani-kanina lamang dahil sa selyo na nasa katawan nito. Hindi aakalain na palala ng palala ang pag-atake ng seal sa kaniyang katawan. Kailangan niyang maging handa lalo pa't hindi siya nakakasigurong mabubuhay pa siya sa lakas ng selyo.Habang nagmumuni-muni pa si Van Grego sa mga bagay-bagay ay bigla na lamang lumitaw sa kawalan ang isamg batang lalaki. Nang maramdaman ni Van Grego ang enerhiyang nagmumula sa kaniyang likuran ay bigla na lamang niyang hinarap ito. Gulat na ekspresyon ang makikita sa mata ni Van Grego.
Nakikita ni Van Grego ang walang kulay na mata ng batang halos kaedad niya lamang. Ngunit unti-unting kakikitaan ng lungkot ang dalawang mata nito.
"Zerk Clamir mabuti at ----
"Hmmp! Tigilan mo nga ako bata, alam mong ako ito at hindi ang mahinang batang iyon!" Sambit ng batang si Zerk Clamir ngunit halatang hindi ito ang totoong Zerk Clamir. Biglang lumitaw ang nagbabagang asul na apoy sa mata nito at naging kulay bughaw ang mata nito.
"Oo na, alam kong ikaw si Alfero. Okay na ba?" Sambit ni Van Grego na may halong sarkastiko.
"Sa wakas ay tinawag mo ako sa aking pangalan bata. Ngunit alam mong nagtatampo ako sa iyo alam mo ba iyon?!" Sambit ni Alfero na siyang komokontrol sa katawan ni Zerk Clamir.
"At ano naman ang kinalaman nun sa akin? Ginawa ko lang ang nararapat..." Sambit ni Van Grego.
"Ah kaya pala inilagay mo lamang ako sa napakahinang katawan ng batang ito na hindi ko alam kong sino ito. Alam mo ba ang pakiramdam na wala kang kalayaang piliin kong desisyon kong sino ang maging master ko habang buhay." Sambit ni Alfero halatang nagtatampo pa rin ito hanggang ngayon.
"Sabi mo nga diba, ang buhay ay hindi makatarungan. Hindi mo alam kong saan ka ilulugar ngunit para sakin ay tama lang desisyon na aking pinili para sa iyo. Alam mo namang kaya ko ang sarili ko. Hindi rin lingid sa kaalaman mo na may espesyal na armas ang katawan ng sinasabi mong mahinang batang natutulog sa sarili nitong katawan. Alam kong hindi mo siya pababayaan lalo pa't isa siya sa maaaring maging malakas na nilalang sa hinaharap kasama si Shion Mondar na may malakas na Martial Spirit na kayang baguhin ang kanilang kapalaran. Alam mong hindi ako nabibilang sa mundong ito o sa mundong ginagalawan mo kaya wala dahilan upang manatili ako rito!" Sambit ni Van Grego kay Alfero. Hindi maipagkakailang nagkaroon siya ng kaibigan sa anyo ni Alfero kahit na isa lamang itong Martial Spirit.
"Aalis ka? Para ano, para lamang hanapin ang mga magulang mong hindi mo alam kung sino. Hinanap ka ba ng mga sakim mong magulang ha? Minahal ka ba nila na parang sarili nilang anak? Palibhasa a--------!"
"Wala kang karapatan upang insultuhin sila, bakit ha? Kilala mo sila?" Sambit ni Van Grego na ngayon ay nag-iba ang kulay ng balat nito. Dahil sa labis niyang emosyon ay hindi niya makontrol ang tinuturing niyang sumpa sa katawan niya. Dahil na rin sa labis na pag-atake ng seal sa katawan niya ay maging ang nakaselyong bagay ay nagkakaroon ng distorsyon sa oras na hindi niya ito makontrol ay siguradong mapapatay niya ang lahat ng mga malapit sa kanya. Alam niyang nagiging abong papel ang lahat ng nasa malapit na nilalang sa kanya ay siguradong kamatayan lamang ang hatol maging si Alfero na nasa katawan ni Zerk Clamir ay mapapatay niya ang ito. Pinakalma niya ang kanyang sarili at mabuti na lamang at naagapan ang maaaring sakunang kaniyang magagawa.
Bigla na lamang nabalot na katahimikan ang buong silid. Maging si Alfero ay mistulang natuod sa kaniyang kinatatayuan. Alam niyang masyado niyang inungkat ang personal na buhay ng batang si Van Grego lalo na pagdating sa mga hindi niya pa nakikilala o nakikitang mga magulang nito. Alam niyang umaasa ang batang si Van Grego na may rason ang kaniyang mga magulang kung bakit siya inabandona ng mga ito at mag-isang humaharap sa mga matitinding problema kagaya ng pagpasan sa problemang kinakaharap ng Hyno Continent.
BINABASA MO ANG
ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 2]
FantasySi Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling a...