Chapter 2

41 1 2
                                    

(CUTIE POV)

Pagdating ko sa bahay ay hindi mawala sa aking isipan ang nangyari kanina. Palaging may mga ngiti sa aking labi. 'First kiss ko si Chad! Kyahhhh!' Kinilig na bulong ng aking diwa. Tumatalon-talon ako sa tuwa sa aking kama. Nahiga at nakatingala sa kesame habang iniisip ko ang ginawa ko kay Chad. Hinawakan ko ang aking mga pisnge gamit ang aking dalawang palad at ngumiti ng bongga sabay pag-indak sa aking mga paa.

Nang nasa sala ako ay hindi mawala sa aking isipan si Chad at inaalala parin ang nangyari.

"Hoy ate para kang baliw!" Ani ni Seth sa akin na nagbabasa ng aklat.

"Ano kamo?" Sagot ko na nakakunot noo.

"Sabi ko para kang baliw! Ngumingiti kang mag-isa!" Malakas na boses niyang sabi. Hinampas ko sa kanya ang aking panloob na tsinelas.

"Arayyy!" Daing niya. Medyo masakit kasi ang paghampas ko sa kanya.

"Ate naman eh!" Reklamo niya.

"Kahit totoo naman na ngumingiti ka ng mag-isa. Kulang na nga lang humahalaklak ka." Inirapan ako sa pakialamero kong kapatid. Parang babae kung kumilos.

"Wala kang pakialam!" Atungal ko.

"Kesa tumatawa ka mag-isa mas mabuti na mag-aral ka! Gayahin mo ang pogi mong kapatid." Aniya at ngumisi.

"Mahangin ka talaga kahit kailan!" Inirapan ko din siya at bumalik sa aking silid.

Dating kagawian, maaga ako sa campus upang salubungin si crush. Nakita ko siyang paparada na sa kanyang bike at nilapitan ko ito.

"Good morning Chad!" Pagbati ko na may ngiti. Lumingon ito sa akin na nakakunot ang noo.

"Why you always bothering me every morning?" Seryoso nito tanong ngunit ang mga mata nito ay nasa relo niya nakatingin at naglakad papasok. Ako naman ay sumunod sa kanya habang kargada ang aking backpack.

"Wala lang gusto lang kita makita." Sagot ko sa mahinhin na tono.

"I don't have time talking with strangers!" Aniya na nakapamulsang paakyat sa hagdan.

"Kahapon ummm..."

"Huwag kang buntot na buntot na sa akin." Aniya habang nasa tatlong ang-ang ng hagdan na nakatalikod ito.

"Wala ka bang maalala?" Lumingon ito na nakakunot ang noo.

"What do you mean?" Nakapamulsa parin ito.

"Iyong kahapon hindi mo ba maalala sa nangyari sayo?" 'Hindi lang ba niya ako pasasalamatan?' bulong ng aking isipan.

"None of your business kung ano man ang nangyari sa akin kahapon. Past is past! Ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa nangyari! So will you please huwag kang buntot na buntot sa akin?" Aniya na walang ka emosyon ang awra at nagpatuloy na ito sa pag-akyat. Naiwan akong nakatulala saglit.

"Hindi man lang niya ako pinasalamatan? Wala siyang utang na loob!" Nguso ko at pumunta sa aking classroom. Mabuti na lang hindi ako nahuli sa klase.

Ang nakasagot sa aming assignment ay si Esoy. Siya ang may utak kunti sa aming klase. Mabuti na lang si Sir Lam ay hindi na muli kami binulyawan. Hanggang natapos ang aming klase.

"Oh kumusta, nagpapasalamat ba sayo si Chad?" Ani ni Ayeng na nag-spark ang kanyang mga mata ganoon narin si Esoy. Nasa harapan ko ang dalawa na naghihintay sa magiging sagot ko.

"Hindi. Parang wala siyang pakialam." Nalungkot kong sabi.

"Baka wala siyang maalala?" Ani ni Esoy.

"Baka hindi ka niya mamukhaan? Ani ni Ayeng.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now