Chapter 22

11 3 2
                                    

(CHADWICK POV)




"Tingnan mo Mr. Davis ang daming babaeng nagpapansin sayo. Wala ka bang nagustuhan sa kanila kahit ni isa?" Tanong ni Karec sa akin na nakangiti. Nasa canteen kami ng aking companya. Madami kasing mga babaeng nakatingin sa aming kinaroroonan.

"Wala sa kanila ang klaseng babae na gusto ko." Sagot ko at sumubo muli. Ang ulam ko ay adobong manok at beef longganisa. Hindi na kasi ako nag-agahan sa amin dahil nawalan ako ng gana kanina.

Confused itong nakatingin sa akin. "What do you mean? Ayaw mo ba sa magagandang babae?" Huminto ako sa pagsubo at uminom muna ng tubig bago siya sinagot.

"Hindi naman ako mahihilig sa mga ganyang babae." Sagot ko dito at sumubo muli.

"Kung hindi ka mahihilig. Edi anong gusto mo pala sa isang babae? Pangit?" Confused parin ito.

"Hindi naman sa pangit...Wala lang talaga sa kanila ang tipo na gusto ko." Sagot ko.

"Kung wala sa kanila...Edi saan? At..hindi kita naiintindihan." Kunot noo niyang tanong.

"Ah i get it. Mas gusto mo si Mitchell right? P-Pero maganda si Mitchell. Ang weird mo hindi kita magets!" Nakayapos ito.

"Hindi si Mitchell ang aking gusto." Simple kong pagsagot.

"Edi sino? Taga opisina mo lang ba siya?" Usisa niya.

"Hindi."

"Mr. Davis. May gusto kang babae? Wow! Ayos! Sino ba siya? Taga asan siya?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Secret." Ngiti ko ng bahagya.

"Mr. Davis parang hindi mo ako kaibigan. Hindi na pala kita kailangang erito sa ibang babae." Aniya at kumain na siya at ako naman ay tapos na.

"Hinihintay ko lang siyang bumalik." Anas ko at huminga ako ng malalim. Huminto ito sa pagsubo at confused naman akong tiningnan nito.

"Hinihintay bumalik? Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka niyang tanong.

"Tinulak ko kasi na huwag na akong gambalahin. Hindi ko naman akalain na susundin niya ang sinabi ko." Nalungkot ako bigla at pilit akong ngumiti.

Tumahimik ito saglit at saka nagsalita muli.

"Saan na pala siya ngayon?" Tanong nito sa mahinang tono.

"Sabi nila...nasa probinsya raw." Sumandal ako sa upuan.

"Baki't ayaw mong puntahan?" Aniya at tiningnan ko siya.

"H-Hindi ko alam kung pa-papaano ko siya harapin." Hinilamos ko ang aking kamay sa aking mukha.

"Gusto mo ba siya?" Tiningnan ko si Karec at ngumiti.

"Oo ma-matagal na...Saka ko lang. Napagtanto na...umalis na siya..." Sagot ko.

"Alam mo Mr. Davis. Payo lang puntahan mo kaya siya at sabihin mo na gusto mo siya. Hanggang kailan mo ba siya hihintayin?"

"Hindi ko alam." Sagot ko. Iwan kong babalik pa ba siya.

"Ako nga hanggang tingin at nuod lang ako sa aking crush na si Caroline." Aniya at tiningnan ulit ang wallpaper sa phone niya.

"Sino ba kasi iyang si Caroline?" Ngisi ko.

"Ito ipapakita ko sayo. Ang ganda niya at alam mo ba na hindi lang siya isang modelo kundi isa ring siyang mahusay na fashion designer sa states." Curious akong napalingon sa kanya.

Pinakita niya ang kanyang wallpaper. Kinuha ko ang phone niya at tiningnan. Laking gulat ko nang mamukhaan ko kung sino. Cutie? Usal ng aking isipan. Lumakas ang kabog ng aking dibdib.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now