Chapter 26

11 3 1
                                    

(CHADWICK POV)


Maaga akong nagising dahil tinawagan ako ni Karec na kailangan niya ang tulong ko para sa pagdesign ng elevator at escalator sa isang mall. Isa nga akong licensed engineer pero nagtatrabaho ako sa isang magazine company na pagmamay-ari ni dad. Ako ang pumalit sa kanyang posisyon bilang CEO. Madali namang pag-aaralan ang tungkol sa mga magazines. Yun nga lang ay hindi ako fond sa ganitong trabaho. But, i'd like to gain more knowledge and experience aside sa aking natapos.
Madaming gusto akong eh hire dahil kailangan nila ng isang mahusay na mechanical engineer. Subalit minsan hectic ang aking schedule sa kompanya ni dad na mas kailangan pagtuonan ko ng pansin. Kaya si Karec ang aking inooffer sa kanila at tinutulongan ko na lang siya kung sakali na kailangan niya talaga ng tulong kung nahihirapan o may hindi siya naiintindihan. Wala kasi siyang tiwala sa kanyang kakayahan.

Pagdating sa mall ay bumungad sa akin si Karec sa entrance at nagshake-hands kaming dalawa.
"Mabuti na lang maaga kang dumating. Kanina pa ako balisa dito Davis." He looks so stressed.

"Diba sabi ko sayo kailangan magtiwala ka sa sarili mo. Paano na lang kung nasa malayong bansa ako edi ano na ang mangyayari sayo?" Saad ko sa kanya.

"Edi huwag ka na lang pumunta ng ibang bansa. Davis minsan kasi kinakabahan ako na iwan...talagang wala akong tiwala sa aking sarili." Paliwanag niya.

"Naging top 4 ka sa exam pero pagdating sa field kinakabahan ka? Sayang naman ang pinag-aralan mo." Sermon ko habang papasok kami sa mall na bagong pinagawa. Habang si Karec ay kasabay ko lang sa paglalakad.

"Davis pagdating sa exam madali lang naman kasi babasahin lang samantala kapag actual kuna ginagawa ay kinakabahan ako... Siguro takot lang ako na magkamali at baka...hindi magustuhan ng may-ari ng mall ay mapahiya pa ako." Paliwanag nito at huminto ako sa kanyang sinabi.

"Alam mo Karec parte sa buhay ng tao ang magkamali. Kapag nagkamali ka ibig sabihin lamang nun ay natuto ka. Face your fear Karec. Hindi ka takot harapin ang mga babae pero takot ka sa sa pagdesign ng escalator at elevator?" I smirked. Ngumiti siya ng mapait at kinamot ang ulo.

"Davis naman...iba ang mga babae sa trabaho ko." Atungal niya at nagpatuloy ako sa paglalakad at nakasunod lang siya.

"Parang ganun narin iyon. Kung paano mo kinaharap ang mga babae na walang takot dapat ganoon rin ang gagawin mo ngayon. Ang mga babae mo hindi mo pinag-aralan. Subalit ang trabaho mo ay napag-aralan mo ng five years." Pahayag ko sa kanya. Tahimik lang ito nakasunod sa akin.

"Dumating naba ang mga electrical engineers at structural engineer?" Tanong ko kay Karec.

"Oo dumating na sila." Nagnod lang ako at nadatnan namin ang mga iba pa namin ang dalawang electrical engineers at dalawa ring structural engineers at ang iba ay hindi pa nakarating. Masyado ata kaming maaga.

Nakipag-shake hands ako sa kanila at pinakilala ako ni Karec. Pinagyayabang pa nito na top 1 ako sa board exam. Chismoso talaga itong si Karec at binabati naman nila ako at mapakla akong nagpapasalamat sa kanila. Ayaw ko kasing ipagsabi ang aking natamo. Ang tanging gusto ko ay down to the earth ako tingnan.

We do a collaborative effort.

The structural engineer will design the building, steel, foundations and parts that house the elevator shaft and anchor the motor or the elevator box. They will have to learn for better pulley design and automation of the system.

At kami ni Karec bilang mechanical engineer will design the elevator car, cables, drums, sheaves, motor foundations, safety devices, and so on.
Then, ang electrical engineer will design the motor/drive system and control system that gives an automated elevator that stops precisely where it needs to stop or the PLC design.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now