Chapter 4

18 1 1
                                    

(CLEAR POV)

Madaming gwapo sa aming school subalit hindi naman ako nahuhumaling sa kanila. Pero simula ng naging kapit-bahay ko ang bestfriend ni mama na si Tita Theresa hindi ko inaakala na may anak siyang lalaki. Ang una naming tagpo sa aming bahay during sa hapunan at hindi ko alam kung bakit ako biglaan nagkagusto sa kanya. Gusto ko ang magaganda nitong mga mata. Kwento ng mama niya matalino din ito maliban sa ate niyang si Cutie na bobo. Nasa school nga ako ngayon pero siya ang aking iniisip. In short crush ko si Seth Barcelona. Same kami nasa grade 7 kaso magka-ibang school ang aming pinapasukan.

Gusto ko ng matapos ang oras upang nang sa ganun ay masilayan ko si Seth. Sana...lilipat siya dito sa school kung saan ako nag-aaral. Para palagi kuna siyang makikita. Habang iniisip ko si Seth ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ganito pala ang feeling na crush mo ang isang tao.

"Hello Clear!" waving her hand infront of me, ang aking bestfriend na si Unnie.

"H-Huh?" Sagot ko ng mapagtanto na malalim ang aking iniisip.

"Ano ba ang nangyayari sayo ha?" Taas kilay niyang tanong.

"A-ah w-wala!" Sagot ko at naupo ng maayos.

"Di nga! Nakangiti ka habang ang malalim ang iyong iniisip." Usisa niya sa akin.

"Wala." Simpleng pagsagot ko

"Wala? Seryoso ka ba? Baki't ka ngumingiti mag-isa?" Ayaw niyang maniwala talaga.

"Bawal ba ang ngumiti ng mag-isa?" Mataray kong tugon.

"Oo bawal kasi baka mapagkamalan kang baliw!" Nakataas kilay niyang sagot.

"Bahala sila." Sagot ko na lang at kunwari nagbabasa ako sa aking kwaderno sa mathematics. Umalis na ito sa aking harapan at naupo sa aking tabi. Galing kasi siya sa canteen kanina. Kaya naabutan akong iniisip si Seth. Saka kuna sasabihin sa kanya ang tungkol kay Seth soon kapag mapansin na ako ni Seth.


(CUTIE POV)

Nagsimula na kaming turuan ng aming coach na si Nico. Ako ang ginawang taga batter for the meantime. Si Ayeng ang center field. Si Esoy ang short stop. Bawal sana siya sa aming kupunan dahil kahit na bakla siya ay ang kanyang gender ay lalaki parin. Pero ayaw niyang sumali sa pangkat nila Chad. Kaya walang choice kundi magpanggap siya na babae.

Kahit anong palo ko sa bola ay sobrang nahihirapan ako kahit tinuro na sa akin ang process ng paggamit ng bat at pagpalo nito from step one to the end...Ang stance at grip at kung right hand ba ako humawak sa bat or left hand. But thankfully kasi right handed ako at kulang pa talaga ako sa balanse at lakas sa tuhod. Kasi everytime na paluin kuna ang bola ay natutumba ako ay pinapagalitan ako coach Nico.

Paglingon ko sa gilid nakita ko si Chad na nakatingin sa aming kinaroroonan. Siguro nasaksihan niya ang pag-eensayo ko at umalis ito na walang emosyon.

"Pangako Chad gagalingan ko para kapag darating ang panahon ay magiging proud ka sa akin." Bulong ko sa aking isipan.

"Hoy! Barcelona! Bingi ka ba?!" Bulyaw ni coach at napaigtad naman ako at natarantang hinawakan ng maayos ang bat.

"Kanina pa kita tinatawag, bingi ka ba? Saan ba ang utak mo ha?!" Sermon nito ng lumapit sa akin.

"S-Sorry sir." Ngumuso ako sa takot.

"Alam ninyo mas mabuti pa ay mag-jogging muna kayo dito sa buong field." He smirked.

"Kulang kayo sa hangin eh ang tamad ninyong kumilos. Parang hindi kayo kumain. Sige simulan na 10 rounds ha dapat. Kapag hindi umabot sa 10 hindi kayo makakapasok sa next subject ninyo." Aniya at nagsimula na kaming nag-jogging.

Madami ang nakatingin sa amin at ang iba ay pinagbubulongan kami at ang iba naman ay pinagtatawanan kami. Nakita ko si Chad na wala ka emosyong nakatingin sa akin? Iwan kung tama ba na sa aking kinaroroonan siya nakatingin? Kung ganun inspired ako at natutuwa, mas may gana na akong kumilos.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now