Chapter 21

16 2 5
                                    

(CHADWICK POV)

"Mr. Davis kanina pa malalim ang iniisip mo." Bungad sa akin ni Karec. Kaibigan ko na isa ring Mechanical Engineer. Top 4 sa board exam. Naupo ito sa couch. Nasa opisina kasi kami at naabutan pa akong malalim ang iniisip habang nakaupo sa aking swivel chair.

"Mr. Davis gala tayo mamayang gabi?" Paanyaya nito.

"Ikaw na lang busy ako." Paghindi ko.

"Come on! Palagi na lang trabaho ang inaatupag mo. Lumabas ka rin minsan at para sa ganun makatagpo ka ng mapapangasawa mo. Alam mo maraming magagandang babae dito sa opisina mo wala ka bang nagustuhan sa kanila?" Tanong nito na nakatingin sa akin.

"Mr. Karec i'm a busy man. Wala akong panahon pumasok sa isang relasyon." Paliwanag ko sa kanya.

"Hanggang kailan ka ba magiging single?" Usisa nito.

"Iwan." Simple pagsagot ko nang bigla ulit sumagi sa isipan ko si Cutie. I missed her presence.

"Will, if you change your mind... don't hesitate to call me. Dahil pwede kitang erito sa mga kakilala kong babae na mga single." Saad niya at sumandal. Ginagawa niyang tambayan ang aking opisina.

"Baki't ikaw ba taken narin?" Tanong ko.

"Wala pa naman. Flirt-flirt lang muna hindi rin kasi ako handa mag commit sa isang relasyon." Sagot nito.

"See? Kung makapagsasabi ka sa akin hanggang kailan ako magiging single? Ikaw din pala single! Tsss... Bago ka mag-advice sa akin mag-asawa ka muna." I smirked. Tumawa lang ito ng tumawa.

"My bad! Gusto ko kasi mauna ka kesa sa akin. Pero...ang totoo may Ultimate crush kasi ako... Yun nga lang... Mahirap siyang abutin." Nakatingala ito sa ceiling. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at ngumiti.

"Ang ganda talaga niya..." Usal niya sa sarili.

"Taga saan pala ang crush mo?" Tanong ko.

"Nasa states." Sagot nito.

"Ayyy talagang mahirap abutin. Ano ba ang pangalan?"

"Caroline." Masaya niyang sagot.

        Pagdating sa bahay pagkatapos kong maghapunan at maligo ay nagpalit ako ng pampatulog. Sa harapan ng bintana ay naalala ko   ulit ang nakaraan.




*FLASHBACK*

Habang nagbabasa ng aklat. Biglang may sumigaw.

"Chad! Good evening and goodnight! See you tomorrow!" Sigaw nito at nilingon ko. Si Cutie na nakangiti at sa sobra kong pagkainis ay sinarhan ko ang bintana.



Kinaumagahan, binuksan ko ang aking bintana at saktong nagbukas din ng bintana si Cutie. 

"Good morning my Chad!" Sigaw niya na may kasamang mga ngiti. Tinapunan ko siya ng tingin at tumalikod.

*END OF FLASHBACKS*

      Mula noon ay araw-araw at gabi-gabi niya na iyon ginagawa. Limang taon narin nakasara ang bintana ng kanyang silid. Naalala ko pa kung paano ka sumali sa softball . Iyon ang sinabi ng head coach sa akin na si sir Titu. Hindi ko akalain na sasali ka dahil nasa baseball ako. At para ano? Para makita lang ako? Tawang-tawa pa si sir Titu ng sinabi niya sa akin dati nung 3rd year highschool pa tayo. Dahil pala sa akin. Ang lakas talaga ng loob mo Barcelona. Pinanindigan mo na gustong-gusto mo ako. Kahit nakikita kong hirap na hirap ka sa pag-jogging ay nagpatuloy ka parin. I'm so impressed!
       Iyan tuloy sa ginawa mo ay naninigas ang katawan mo.





"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now