Chapter 20

10 2 1
                                    

(AUTHOR'S POV)

"What do you want?" Naiinip niyang sabi. Binuksan niya ang kanyang bag at kinuha ang maliit na box.

"Para sa iyo ito. Buksan mo agad." Nakangiting pahayag ni Cutie habang inabot niya kay Chad.

"Cutie ang akala ko ba importante? Regalo lang pala ang ibibigay mo kailangan mo pa akong kausaping mag-isa dito. Pwede naman na ibigay mo agad kanina o 'di kaya mamaya sa apartment kasi nagmamadali kami ni Mitchell pupunta pa kami sa isang building sites dahil napag-utusan kami ng professor natin! Pero heto ka sinasayang mo oras ko!" Napalakas ni Chad ang kanyang boses. Nanginit naman ang sulok ng mga mata ni Cutie.

"Sorry...hindi ko kasi alam..." Nakayuko niyang sabi.

"Talagang wala kang alam dahil stupid ka! Hindi ka kasi nagtatanong!" Hawak parin ni Cutie ang regalo at hindi pa niya ito binaba.

"Sorry...Napaka-importante kasi ang laman ng regalong ito. Sana tanggapin mo..." Kinokontrol niya ang kanyang emosyon.

"Cutie kailan mo ba ako titigilan sa paghahabol? Hindi ka ba nakaramdam ng pagod? Cutie nakakairita kana! Annoyed na annoyed na ako sayo! Ilang ulit ko bang sinasabi sayo na hindi kita gusto! At mas lalong h-hindi kita ma-mahalin..."

"Cutie pwede ba kahit minsan huwag mo guluhin ang araw ko? Araw-araw mo na lang ginugulo ang utak ko! Disturbo ka sa tamihik kong mundo. Simula ng dumating ka parang wala na akong kalayaan. Pasaway ka palagi!" Sermon nito. Ang kaninang mga emosyon na pinipigilan ay unti-unting pumapatak ang kanyang mga luha na pilit sana niyang kontrolin ngunit hindi na kaya.

"So-Sorry kung ginulo kita...sorry kong pasaway ako at sorry kong nagustuhan kita at sorry kong mahal kita. I'm really sorry...Pangako h-hindi na kita guguluhin pa... Basta tanggapin mo lang ito. Kahit sa pagbukas mo ito ay huwag muna akong pansinin atleast mababasa mo lang. Maging masaya na ako." Aniya na patuloy parin ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Please! Kahit ito na lang tanggapin mo! Please!" Pagsusumamo ni Cutie.

"Cutie ano ba! Hindi ka ba nakakaintindi? Tama nga naman stupid ka kaya hindi mo naiintindihan ang lahat ng sinabi ko! Hindi ko kailangan iyan!" Iniwaksi ni Chad ang box at tumilapon ito.

Nadurog ng pinong-pino si Cutie sa ginawa ni Chad at kumaripas ito sa pagtakbo. Nadapa pa siya sa may semento at dumugo ang kanyang tuhod at palad. Bagkus pinag-sawalang bahala niya at nagpatuloy sa pagtakbo habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

Madaming nakasaksi sa pagdapa ni Cutie at nagtataka sila kung bakit lumuluha ito. Hindi kasi nila nakita kung sino ang kausap nito sa may puno. Sa may gilid kasi siya ng field nadapa sa may rough na semento.

Muntik pa siyang mabanggaan ngunit nakaiwas siya agad sa sasakyan at nabunggo siya sa isang matipunong dibdib ng lalaki. Pag-angat ng ulo ni Cutie si Leonn pala. Niyakap siya agad ni Leonn na walang pagtatanong.

Saka pa may tuno ang ang pag-iyak ni Cutie ng niyakap siya.
"Leonn...ang sakit sakit...huhuhuhu...!" Humahagolhol ito.

"Iiyak mo lang ang lahat... Hanggang sa...wala ng patak ng luha ang lalabas sa mga malulungkot mong mga mata..." Usal ni Leonn at niyakap niya pa ng mahigpit si Cutie para naramdaman nito na may karamay siya.

"Ang sakit! Sakit! Huhuhuhu...." Hagolhol parin ni Cutie. Hinimas ang likuran ni Cutie.



(CHADWICK POV)

      It's already one week na ang nakalipas.
Habang nakatingin ako sa katabi kong bakanteng upuan. Hindi ko maiwasan na hindi hanapin ng aking mga mata ang nakaupo nito. 'Baki't kaya absent siya? Madami na siyang nailiban na lessons. May nangyari bang masama sa kanya?' Tanong ko sa isipan. Wala narin ito sa apartment namin. Ang sabi ay lumapit ito according sa dalawa niyang bestfriend. Pinagsisihan ko lahat ng binitawan kong salita. Simula ng araw na iyon ay hindi kuna siya muli nasisilayan pa. Natahimik na ang aking mundo. Pero baki't hindi ako masaya? Baki't parang may kulang? May kulang nga ba talaga?

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now