Chapter 13

11 1 0
                                    

(CUTIE POV)

Nakahanda na ang lahat at pati ako ay nakahanda narin sa aking sarili. Marami na ang dumating. Invited pala lahat ng kaklase niya sa section A. Pananamit palang nila ay halatang anak ng mayayaman.

Nagsuot lang ako ng palda na above the knee at long sleeve women polo shirt. Nakalugay ang aking buhok at nilagay ko ang hairbond na bigay sa akin ni Clear. Nakaupo lang ako sa pinakasulok.

Bago nagsikainan at tinawag ang birthday celebrant.

"Kantahan natin si birthday boy!" Pahayag ni Uncle Aaron. Kumanta naman kaming lahat. Habang kumakanta kami ay papunta sa gitna si tita bitbit ang cake na ginawa ko.

"Blow kana anak...pero dapat magwish ka muna." Pumikit si Chad at nagwish. Saka inihipan ang kandila sa cake. Nagpalakpalakan naman kami lahat. Isa-isa naman ang nagbibigay ng regalo sa kanya. Ako siguro mamaya na lang.

Kainan na at abala na ang mga bisita sa pagpila at kanya-kanyang sandok ng pagkain. At bumalik sa kanila-kanilang mesa.

"Mhmmm...Chad ang sarap ng luto ninyong pagkain." Puri ng kanyang isang kaklaseng lalaki na pangalawa sa pinakamatalino sa kanilang klase.

"Kayo ba ang nagluto nito Chad? Sino ang chief?" Tanong ng isa niyang kaklaseng babae.

"Oo nga ang galing... Lahat ng paborito kung ulam ay nandito... " Sambit ng isa na ngumunguya pa.

"Kaibigan ng mama at papa ko. Iyon oh si uncle Eulogio..." Turo niya kay papa ko na kumakain kasama sa mesa nila uncle Aaron at tita Mercedes kasama na doon si mama. Ang kasama ko sa mesa ay si Clear at Unnie ang pangalan na bestfriend niya. Hindi ko na lang inimbitahan ang dalawa kong bestfriend. Dahil hindi ko naman ito birthday. Kasama rin namin si Seth dito sa lamesa. Naa sulok kami kaya hindi ako makikita ng section A.

"Isa ba siyang chief?" Tanong ng isa pa niyang kaklase na lalaki.

"Oo sa sarili niyang restaurant." Malumanay na sagot ni Chad.

"Ang hindi alam ni kuya ate Cutie ikaw pala ang nagluto sa ibang putahe." Usal ni Clear na nilantakan ang favorite na lumpia.

"Ikaw pala ang nagluto nito ate?" Biglaan na tanong ni Unnie. Nagnod lang ako at akward. Hindi ako makapaniwala sa kakayahan ko ngayon.

"Ayos sobrang sarap!" Nagkamay lang ito at nilantakan nito ang pork belly adobo at garlic butter steak with potatoes skillet.

Kumakain na din si Chad. Mabagal lang ito kasama niya sa may mesa ang kanyang mga kaklase.

Ilang sandali pa ay may dumating na babaeng naka-dress ng maitim. Si Mitchell syempre kaklase silang dalawa malamang invited siya.
"Chad, sorry i'm late. Happy Birthday!" Sabay bigay sa kanyang regalo.

"Thank you maupo kana." Naupo si Mitchell sa bakanteng upuan na katabi si Chad.

"Mitchell gusto mo ako na lang ang kukuha ng pagkain mo?" Singit ng pang-apat na pinakamatalino sa kanilang klase.

"No, thanks!" Paghindi ni Mitchell. Tumayo ito at binigyan siya ng pinggan ni Chad.

"Hitsura palang ng mga ulam Chad masarap na..." Nagalalaway niyang usal.

"Wow may favorite flavor of cupcakes... At ang cake rin..." Nasisiyahan na banggit ni Mitchell at kumuha ito ng dalawang pirasong cupcakes at isang slice ng cake. Confused naman ako sa sarili. "Favorite din niya choco caramel cake at cupcakes?" Tanong ng aking isipan.

"Chad, alam mo talaga ang mga paborito. Same tayo..." Nasisiyahang Mitchell. Ngumiti lang ng bahagya si Chad.

"Ate... Sorry hindi ko alam na paborito din ng bruhang mitchell na iyan ang niluto mo... Promise ate favorite talaga din ni kuya ang chocolate caramel aside sa red velvet. Sorry ate... " Pagsusumamo ni Clear. Ngumiti lang ako ng bahagya.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now