Chapter 15

9 2 0
                                    

(CUTIE POV)

       Kaming mga section H ang nanalo sa softball.  Kung saan tinalo namin ang Section A to G. Sa baseball naman sa boys second place lang kaming section H sa whole game. Ang nakakuha ng first place ay ang nasa section A.

Ang nanalo naman sa miss intramurals ay walang iba si Mitchell at sa Mr. ay si Chad. Sila Ayeng at George ay nasa 2nd place.

Natapos kuna din ang pag-aaral sa NC2 ng cookery at BPP. Dalawang certificates ang aking natanggap sobra akong nasisiyahan dahil maipagluto kuna si Chad in the future. Hayss kinilig na naman ako.

Mas lalo pa kaming naging malapit ni Leonn at parte na siya sa amin nila Ayeng at Esoy. Kahit minsan nakikita ko itong madaming pasa ang mukha. Aniya napapalaban raw siya. Hindi ko maiwasan na hindi maawa sa kanya. During meeting ay wala man lang magulang niya ang dumating. Kundi guardian lang. Minsan nakikita ko siyang nag-iisa at malalim ang iniisip. Sa tuwing binubully ako sa ibang mag-aaral na mga babae ay siya itong savior ko. Natatakot tuloy sila kay Leonn.

"Leonn?" Untag ko sa kanya habang nasa canteen kami.

"Y-Yes. Baki't?" Nakatingin na ito sa akin.

"Saan na ang mga magulang mo?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Nasa japan si papa...at si m-mama w-wala na..." Nakita ko kung paano ito naging malungkot sa huling kataga ng kanyang binanggit. At palinga-linga ito sa paligid. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Sorry...kung nagtanong pa ako..." Nakukunsensya kong sabi.

"Okay lang... Nangyari na eh..." Aniya na parang pinipilit niya lang ang ngumiti. Kinuha ko ang aking kamay.

Dumating na sila Ayeng at Esoy.
"Wala ba kayong balak mag-order?" Nakapamarasong Ayeng.

"Hinihintay namin kayo ni Leonn..." Nguso ko.

"Oh sige na mag-order na tayo." Palakpak ni Esoy.

           Nang makapag-order ay naupo na kami. Nakita ko si Chad na kumakain kasama si Mitchell, si Drew ang pangalawang pinakamatalino, at ang pangatlo ay si Rocco. Ang pang-apat na pinakamatalino ay si Mitchell.

Magkaharap sila ni Mitchell at ang kaharap ni Drew ay si Rocco. Ako naman katabi ko si Ayeng. Ang kaharap ko ay si Leonn at si Ayeng ay si Esoy.

"Ang gwapo talaga ng crush ko...." Usal ni Ayeng na nakatitig lang sa kinaroroonan ng mesa nila Chad. Napatingin kami sa kanya na tulala siya at hindi man lang nagalaw ang pagkain nito.

"Crush? Sinong crush hoy?" Untag ko sa kanya.

"Arayy!" Inis niyang sabi dahil binatokan ko siya.

"Sabi ko sinong crush mo?"

"S-Si Drew..." Aniya at pinamulahan siya.

"Kailan pa?" Usisa ko.

"Last year...yung inis pala na nararamdaman ko sa kanya dati ay love na pala iyon..." Napaismid siya. Si Drew kasi ang palaging nambubully sa kanya.

"Nainlove ka sa isang bully?" Sabat ni Leonn na nakatingin kay Ayeng.

"Oo hindi ko alam...na miss ko kasi kapag hindi ko siya nakikita." Huminga ng malalim si Ayeng.

"Naku gurl huwag kanang umasa dahil libro lang ang inaatupag niyan at hindi babae." Pahayag ni Esoy sa maarteng boses.

"Isa siyang competitive person. Gusto nga niya malagpasan ang IQ ni Chadwick." Wika ni Esoy.

"Gayunpaman hindi iyon mangyayari...Dahil wala pang nakakalamang kay Chadwick sa academics." Dagdag ni Esoy at uminom ng lemon juice.

"Agghhhh...sarap ng juice..." Malanding pagbigkas ni Esoy.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now