Chapter 12

16 1 6
                                    

(CUTIE POV)

     Uwian na at nagpaalam na ako sa aking dalawang bestfriend. Nasa labas na ako ng gate nakita ko si Chad pasakay na sa kanyang bike. Nilapitan ko siya at hinarangan. Namiss ko talaga siya at pati na iyong mga ngisi nito na paminsan-minsan ko lang nakikita. Kunot noo itong nakatingin sa akin.

"Chad...pwede umangkas please?" Nguso ko sa kanya. Annoyed naman siyang nakatingin sa akin.

"Cutie...alam mo ba na hindi talaga ako nagpapa-angkas ng babae?" Nakatingin niyang pahayag.

"Hindi ko naman alam...pati ba si Clear bawal din?"

"Oo at alam iyon ni Clear." Masungit niton kog sagot at nakatingin sa unahan.

"Ka-Kasi si Clear marunong magbike ako hindi naman." Bumuntong hininga si Chad.

"Ayaw mo kasi akong turuan...Allergic ka ba sa isang tulad ko?" Nabigla siya sa aking sinabi dahil nakatingin ito sa aking mukha.

"Y-Yes..." Umiwas siya agad ng tingin at tinuon sa gilid. Nasaktan naman ako kaya siguro hindi maganda ang pagtrato niya sa akin?


(AUTHOR'S POV)

"Kaya pala...kung tratuhin mo ako ay iba sa mga naging kaklase mo..." Ngumiti si Cutie ng mapait at pilit na huwag ipakita na apektado siya. Nilipat ni Cutie ang kanyang tingin sa baba. Ibinalik ni Chad ang kanyang mga mata kay Cutie na nakayuko.

Akmang patalikod na si Cutie habang nakayuko. Nang may biglang tumawag sa kanya kaya hinanap ng kanyang mga mata ang pinagmulan ng boses. Si Chad naman ay nalito kaya lumingon siya sa kanyang likuran. Nakita niya ang isang lalaki na patakbo. Bagohan sa kanyang mukha ang lalaking ito.

"Cutie!!!" Patakbong sigaw ni Leonn sa kanyang kinaroroonan.

Hinihingal ng makalapit na si Leonn.
"C-Cutie thank goodness naabutan rin k-kita.."

"Oh Leonn baki't ka napatakbo? May kailangan ka ba sa akin?" Tanong ni Cutie.

May inabot itong purple pencil case kay Cutie.
"Nahulog mo iyan sa sahig kaya patakbo kitang hinanap." Inabot ni Cutie.

"Hehehe...salamat ha..."

"Kung hindi kita nahanap baka bukas ko pa naibalik sa iyo." Pahayag ni Leonn.

"Mauna na ako sayo ha." Pamalaam ni Cutie.

Akmang aalis na sana si Chad ng magsalita si Leonn na kinahinto niya.

"Cutie wait..." Pigil ni Leonn at huminto naman si Cutie.

"Huhh?" Nganga niya. Lumapit si Leonn kay Cutie na pinagtaka niya at si Chad na nakaksi kunot noong nakatingin. Inayos ni Leonn ang nakalaylay na bag sa kabila nitong balikat at pinatong ng maayos.

"Ayan okay na...bye Cutie." Nagwave si Leonn at saka patakbong umalis. Nilingon ni Cutie ang papalayong Leonn at si Chad annoyed na nauna rin kay Cutie.

Sa pangalawang araw ng pasukan nasa classroom na silang lahat.
Ang bago nilang guro sa English ay si Nineta na nasa 40's na ang gulang.

"Good morning everyone!" Pagbati nito.

"I'm Nineta Alcan your new english teacher. Be good to me and listen... when i talk infront of you all. Kung gusto ninyo pa makapagtapos ng highschool kailangan ninyong makinig sa akin lalo na during discussion okay?" Pahayag nito.

"Yes mam!" Sabay na sagot ng lahat.

"Good! Okay let's start ayaw kong may masayang na oras."

"Our topic this morning...ay kung magaling ba kayo pagdating sa spelling? Okay anyone...Spell ' 'ORIENTATION?' Who wants to answer?" Nagpataas ng kamay si Esoy.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now