Chapter 19

11 2 0
                                    

(AUTHOR'S POV)
 


      Third year college na silang lahat. Bawat importanteng okasyon sa loob ng maraming taon ay nagbibigay si Cutie ng regalo kay Chad. Walang araw na hindi niya kinukulit ang binata. Palagi niya itong sinusundan kung saan ito nagpupunta lalo na kung ang kasama ni Chad ay si Mitchell. Palaging nagluluto si Cutie ng mga masasarap na ulam para ipabaon sa binata. Tanging alam ni Chad ay take out ang binibigay ni Cutie. Minsan lang sila nagsasamang kumakain sa canteen dahil kay Mitchell.  Hindi nagpapaliwag si Cutie sa lahat. Hayaan niya na si Chad mismo ang makakaalam.

"Cutie hindi ka ba napapagod sa kakabuntot sa akin? Hanggang kailan mo ba ako tantanan?" May bahid ang boses nito ng pagkainip. Ngumuso lang si Cutie. Dahil buntot ito ng buntot kahit pupunta lang si Chad sa mall upang may bibilhin.

"Gusto ko lang sumama... dahil may bi-bibilhin rin ako..." Tiningnan niya si Chad saglit at yumuko.

"Pangako Chad...Hindi ako magiging pasaway sayo na-naubusan ka-kasi ako ng...." Kinagat ni Cutie ang kanyang labi at tumingin kay Chad na nahihiya.

"Naubusan ka ng ano?" Kunot noo niyang tanong.

"Ng....nap...kin..." Pinumulahan si Cutie at palinga-linga sa palagid. Natahimik lang si Chad at walang itong sinabi.

Nasa grocery store na sila ng mall at namili sila ng mga stocks na pagkain para sa kanilang apartment. Nahihiya pa si Cutie na pumili ng napkin dahil nasa likuran niya si Chad. Umiwas lang si Chad at nauna sa counter.

Pagdating sa apartment nilagay ni Cutie ang pinamili sa kanyang refrigerator at ganoon rin si Chad. Nagfocus si Cutie sa paggawa ng assignments. Gusto sana niyang magpatulong kay Chad ngunit ayaw niya itong magambala. Baka din kasi tulog na ito. Lalo na't naiinis ito sa kanya. 

"Bahala na kung mazero ako bukas. Ang mahalaga hindi ako nangungopya kundi pinaghirapan ko ang pagsagot." Kausap niya ang sarili.

"Dear math baki't ba ang hirap mong eh solve? Para ka tuloy si Chad madali ngang mahalin pero ang hirap hanapan ng solution kung may pagtingin na ba siya sa akin? Eight years na pala akong naghahabol sa kanya at nagpapansin sa kanya. Datapwat...wala parin akong matanggap na reply... " Bulong niya sa isipan habang niyuko ang ulo sa mesa. Humikab siya at unti-unting nakapikit.

Lumabas si Chad sa kanyang silid at kumatok sa kanyang pinto.

"Cutie!" Unang tawag niya ngunit walang sumagot.

"Iwan ko talaga sa babaeng ito...sabi niya manghihiram siya sa kwaderno ko sa physics dahil absent siya nitong makaraang araw." Kausap niya ang kanyang sarili.

"Cutie?!" Walang sumagot kahit na kumatok ito. Paghawak niya sa seradura ay hindi ito nakalock. Dahan-dahan niyang binuksan at pumasok.

"Cutie?" Aniya at nakita niya ito sa sala na mahimbing natutulog.

"Nakatulog pala kaya walang sumagot." Usal niya at nilapitan niya ito. Tiningnan niya saglit si Cutie at nilipat sa hawak nitong papel. 

"Our assignments...himala hindi siya nagpatulong sa akin." Usal ni Chad at tiningnan ng maigi ang mga sinagot ni Cutie. Napapangiti siya dahil isa itong malaking himala dahil sa sampu na sinagutan ay nakakuha si Cutie ng six. Nilingon niya si Cutie at masasabi niyang nag-improved unti-unti si Cutie dahil dati palagi itong zero kung minsan naman ay one lang ang kuha sa mga quizzes. Kahit hindi sakto ang pamamaraan ng kanyang pagsolve subalit may iba itong strategy na nakuha niya ang tamang sagot sa anim na given.

He is impressed masasabi niyang isa siyang magaling na guro para kay Cutie. Binura niya ang apat na maling sagot at dahil nga lapis ang gamit nito madali lang burahin. Hindi niya na pinalitan ang anim na tamang sagot kundi ang apat na lang. Sakto ng matapos na siya ay umigting ang kanyang tainga sa narinig niyang anas ni Cutie.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now