Chapter 32

15 2 0
                                    

(AUTHOR'S POV)

"Mukhang tayo lang ata tatlo ang mula sa section A. Mostly ang kasama natin dito ay mula sa section H at ang isa ay mula sa section D at E ." Biglaang banggit ni Rocco habang nagpatuloy sila sa paglalakad.

Naabutan ni George ang dalawa.

"Nakita ninyo ba si Ian?" tanong ni George.

"Hayun oh! Nasa unahan." turo ni Ayeng.

Nakita ni George at tinawag si Ian.

"Ian, hintayin mo ako!" takbong tawag ni George.

Nilingon siya ni Ian. Embis na hintayin siya ay kumaripas ito sa pagtakbo na nakangisi.

"Hoy bwesiit ka talaga! Kapag maabutan kita ngayon mapapatay kita!" sigaw ni George.

Napatawa na lang ang lahat maliban sa tatlong genius. Naghahabulan sila Ian at George.

"Masayang makasama ang section H. Sa atin sa section A noon ay lahat tayo seryoso sa pag-aaral. Walang ibang gagawin ang mag-aral ng mag-aral. Maswerte pala tayo dahil makakasama natin sila. Sa tingin ninyo?". Nilingon ni Rocco ang dalawa na tahimik lang.

"Ano ba kayong dalawa kanina pa kayo tahimik. Lalo na rin ikaw Chadwick," turo niya sa dalawa gamit ang kanang kamay. Habang ang kaliwang kamay ay nakatighawak.

"Huwag na maraming satsat Rocco. Dalian natin dahil malayo pa ang destinasyon natin," wika ni Drew.

Tahimik lang naglakad si Chadwick at nauna sa dalawa. Nakatitig siya kay Cutie na panay ang paghawi sa mga damo na dumidikit sa kanyang balat.

Hanggang sa nasugatan ang kanyang daliri  sa maalikabok na damo at matulis.

"Haisst! ayan tuloy nasugatan na ako," anas ni Cutie at akmang sipsipin niya ang dugo sa kanyang daliri nang may biglang kumuha sa kanyang daliri na kinagulat niya.

'Chadwick?'

Naalala muli ni Cutie sa panahon na sinipsip din nito ang dugo sa kanyang daliri ng natusok siya ng karayom. During sa paggawa nila ng house project ni Clear.

Napahinto si Ayeng at nagulat sa nasaksihan. Maging ang nasa likuran. Sila Rocco at Drew. Maliban sa mga nauna pa sa kanila na nagpatuloy sa paglalakad.

After sipsipin ay pinunasan niya ng face towel na dala niya mismo.

Ngunit, nang bigla sumagi muli sa kanyang isipan ang huli nilang pagkikita. Ang mga nakakadurog nitong mga salita.

Hinablot niya ang kanyang daliri na kinagulat ni Chadwick.

"Thanks, Mr. Davis daplis lang naman ito." Umiwas si Cutie at dumikit kay Ayeng.

Nang makahinuha siya ay sinundan niya ang dalawang babae.

Masaklap, dahil si Ayeng nalibing ang suot nitong hills.

"Ang malas!" naiinis niya'ng sabi.

Daling lumapit si Drew subalit naunahan siya ni Rocco.

Walang pag-alinlangan na binuhat ni Rocco si Ayeng na kinagulat ng dalaga.

Maging sila Chadwick at Cutie ay nagulat rin.

Si Drew ay nakaramdam ng pagseselos. Naisip tuloy niya na may kahati na siya sa babaeng matagal ng may gusto sa kanya. Ngunit, bigla na siya iniiwasan ng dalaga na pinagtaka niya.

Nakatingin lang siya sa papalayong Rocco na buhat si Ayeng at nakasunod si Cutie at Chadwick.

Tama ba ang ginawa niya na pinagbigyan niya si Rocco sa ninanais nito dati?


"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now