Chapter 33

25 2 1
                                    

(AUTHOR'S POV)

"Kapag papaluin mo siya masusuntok kita!"Determinadong saad ni Rocco.

"Babae siya nararapat lamang na respituhin mo siya." Sabat ni Drew.

"Biruin mo Ayeng...pinaglaban ka ng dalawang prinsipe. Ayehhh!!" Asar ni Cutie. Siniko lang siya ni Ayeng. Natawa lang si Cutie. Ngunit, agad naman napawi ang kanyang mga ngiti nang magtagpo ang mga mata nila ni Chadwick.

Masakit makita na ang babaeng stupid noon at masayang kasama ay napapawi ang mga ngiti kapag siya na ang kaharap. Alam ni Chadwick na siya ang rason kung baki't kakaiba ang pakikitungo ni Cutie sa kanya. Sinaktan niya ang babaeng inlove sa kanya noon. Ang babaeng gagawin ang lahat. Ang babaeng palagi nasa tabi niya ups and down.

"Sa hindi nakakalaam huwag na kayo magtaka pa dahil ganyan na talaga silang dalawa dati. Parang aso't-pusa. Minsan kakampi nilang isa't-isa minsan naman world war sila," sabat ni George na nakayapos.

"Naisip ko pa nga dati na...mabuti na lang hindi nahulog ang loob nila sa isa't-isa...dinaig pa nila mag-away na parang mag-asawa," sabat ni Cutie.

Kunot noong nakatingin si Ian sa kanya. Si Ayeng naman ay binigyan niya ng death look si Cutie. Ngumisi si Cutie sa kanyang bestfriend. Sila Rocco at Drew ay matiim na nakatingin kay Cutie at inilipat ang pansin kay Ayeng at Ian. Naisip nila paano nga talaga kung halimbawa mahulog ang loob ni Ian kay Ayeng?  Nangunguhulugan ba na may kahati na sila?

Ang iba nakatingin lang kina Cutie, Ian at Ayeng.

"Malabo na...mahuhulog ang loob ko kay ms. Altimar." Ismid ni Ian.

"Aba! kailan man ay hindi rin ako pwedeng magkagusto sa isang kaibigan at kaklase!" Taray ni Ayeng. Nakahinga ng maluwag sila Rocco at Drew.

"Oh s'ya mamaya na iyang lovelife ninyo. Ipagpatuloy na natin ang ating laro para nang sa ganun ay makapag-pahinga  na tayo." Giit ni Archia.

Inamoy ni Ian ang kili-kili ni George at nakikiliti naman si George.

"What is the truth after mo maamoy ang kili-kili niya?" tanong ni Archia.

"Aba mabango ka talaga George!" nakangiting komento ni Ian.

"Syempre ako pa." Pagyayabang nito.

Inikot muli ni Archia ang bote at tumama ito sa harap ni Drew.

"Okay, dok Pillisto... Truth or dare? Alin ang uunahin mo?"

"Truth," plain na sagot ni Drew.

"Dok, Drew Pillisto how you ever inlove into someone?"

Natahimik saglit si Drew. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

'Syempre inlove na... dahil may girlfriend na siya..' bulong sa isipan ni Ayeng.

"Ummm wala pa." Mahinhin niyang sagot na nakatingin kay Ayeng pero umiwas rin siya at tinuon ang pansin sa nagliliyab na apoy sa gilid.

Confused naman si Ayeng sa narinig.

'Paanong hindi? Niloloko lang ba niya ang kanyang girlfriend?' bulong ulit ni Ayeng sa isipan.

"Let's proceed...ang dare mo ngayon ay...magmano ka kay Chadwick."

Nagtinginan sila Chadwick at Drew. Si Rocco naman ay nakangisi.

Walang pag-alinlangan nagmano si Drew kay Chad na walang kibo.

Inikot muli ang bote at tumama ito kay Ayeng.

"Truth sa akin..." pinangunahan ni Ayeng si Archia.

"Sige... naranasan muna bang mahalikan ng isang lalaki?"

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now