Chapter 27

10 3 1
                                    

(CUTIE POV)

            From USA to manila, 16 hours, 44 minutes dumating kami sa airport. Gusto kong supresahin sila mama at Seth. Kaya hindi na ako nagpasundo sa airport. Si tita ay dumiretso sa probinsya kasi namiss niya ng sobra si lola doon. Ako naman ay sa restaurant ni papa habang hila ko ang dalawa malaking maleta namin ni Ridden. Habang siya ay naunang naglakad.

Pagdating ko ay napakadaming costumers ni papa. Sinuot ko ang aking mask. Baka may nakakilala sa akin. Gusto ko muna ng tahimik na buhay kahit ngayon lang. Iyong walang paparazzi na bumubuntot.

Habang abala kumakain ang ibang costumer at ang iba ay nakaupo habang hinihintay ang order nila. Busy ang mga trabahante ni papa sa pag-entertain sa ibang costumer kung ano ang kanilang oorderin at ang iba busy sa pagserve. Pumasok kami ni Ridden na tahimik lang at dumiretso sa counter.

"Ano po ang order natin mam?" Tanong ng isang binata.

"Ummm...nandito ba si Mr. Eulugio Barcelona?" Tanong ko na napapansin ko wala si papa.

"Ano po ang kailangan ninyo kay boss mam?" Aniya.

"Pakisabi please na nandito si Cutie." Pakiusap ko.

"Mam pasensya na po busy kasi si boss sa loob. Nasa VIP room siya abala rin siya sa pag-entertain sa aming mga bisita. Kaano-ano ninyo po ba si boss?" Tanong ulit nito.

"Pakisabi ang anak niyang si Cutie ay hinahanap siya..." Medyo nagulat ito sa aking sinabi.

"Ah.... s-sige pakihintay lang po mam. Maupo muna kayo doon sa may bakanteng upuan sa may gilid."

"Thank you." Sagot ko at hinila ang tahimik kong anak.

Naupo kami sa upuan. Tinabi ko ang dalawang maleta sa aking tabi.

Ilang sandali ay lumabas na si papa at hinahanap ng kanyang mga mata ang aking presensya. Tinuro naman ng lalaking nag-entertain sa akin kanina kung saan ang aming kinaroroonan. Kunot noo itong nakatingin sa aming gawi. Tinanggal ko ang aking mask para makilala niya ako at lumapit sa kanyang kinaroroonan sa counter. Nagulat siya at walang pag-alinlangan na niyakap ko siya ng mahigpit at napaluha.

Nang mapagtanto ni papa ay niyakap din ako nito ng mahigpit. Kumalas siya at hinagod ako ng tingin kung mula ulo hanggang paa.

"Ang laki na ng pinagbago mo anak?" Aniya at napaluha rin pala ito.

"Namiss kita papa." Sabi ko sa kanya at niyakap ako muli.  Hindi ko maiwasang hindi mapahikbi.

"Namiss ko ng sobra ang aking nag-iisang prinsesa..." Anas niya at sumisinghot pa. Kumalas siya muli at siya kay Ridden na nakatayo lang sa aming kinatatayuan sa gilid ng counter.

"Anak? Sinong bata itong kasama mo?" Aniya at lumapit siya kay Ridden na tahimik lang nakatingin sa aming dalawa. Pinantayan niya si Ridden.  Pinunasan ko ang aking luha.

"Ito ba ang anak ng tita mo?" Aniya na nilingon ako at muling binalik ang tingin kay Ridden.

"Pero... baki't parang may kahawig siya? Parang pamilyar..." Usal ni papa. Kinabahan na ako sa sinabi nito.

"Anak ko siya papa." Usal ko sa mahinang tono. Lumaki ang mata niya at they same time ngumiti.

"Nag-aasawa kana?" Takang tanong nito.

"Pa, mahabang kwento. Huwag natin pag-usapan dito." Sabi ko dahil mukhang may nakikinig sa amin. Wala naman siguro ang nakakilala sa akin dito? Bulong ko sa sarili.

"Tara pasok tayo sa aking opisina." Hinila ni papa ang aming dalawang maleta at hinawakan ko sa kamay si Ridden papasok sa loob.

Nagserved si papa ng pagkain na paborito ko. Ang adobong manok at hot spicy ramen na may kasamang grilled beef, grilled tofu, petchay, Itlog , mushrooms, Kernels at green peas tapos carrots at isang cup ng kanin. Kay Ridden ganoon rin isang ramen pero hindi maanghang at  nagrequest ito ng red velvet cake at macaroni salad. Naalala ko tuloy ang aking effort sa ama nito. Unfair... pati sa paborito sa ama parin. Haisst ako ang nagluwal pero sa ama nagmana. Hindi siya kumakain ng kanin. Ako namiss ko ang kanin. Hindi kasi uso ang kanin doon sa states.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now