Chapter 17

9 2 2
                                    

(AUTHOR'S POV)

         Ginising niya si Chad at pagdilat ng mga mata nito ay bigla s'yang niyakap ng mahigpit na kinagulat niya.

"Chad o-okay ka lang ba?" Tanong ni Cutie habang yakap parin siya.

Nakahinuha si Chad sa kanyang ginawa at daling kinalas ang pagkayakap niya kay Cutie at tumayo. 

"Tapos kana?" Akward na tanong ni Chad. Nagnod si Cutie at tumayo.

"Good bukas kuna eh check. Uwi na ako sa bahay." Aniya at lumabas na sa kanyang silid.

"Ihatid na kita papuntang pintuan sa baba."

Pagkababa ay nagpaalam na umalis na si Chad.

Sa school nagsimula na ang exam. Ang iba ay kinakabahan at ang iba naman ay chill lang kagaya na lang ni Chad at Leonn. Ang ibang mag-aaral kagaya ng section A ay pressure tulad na lang ni Drew, Rocco at Mitchell at ang iba pa. Tahimik ang buong campus.

Pagkatapos sa exam ay nananghalian na ang iba sa canteen.

"Esoy saan si Leonn? Baki't bigla na lang siyang nawala?" Tanong ni Cutie na kakalapag lang ng kanyang tray na may lamang pagkain sa mesa at naupo.

"May pupuntahan lang daw siyang importante at babalik din siya after tanghalian." Sagot ni Esoy.

"Ganun ba." Napansin ni Cutie na tahimik lang si Ayeng.

"Anong nangyayari sayo Ayeng bakit kanina ka pa tahimik? Nakapagtataka." Nguso ni Cutie na nakatingin kay Ayeng.

"Huwag ka ng magtaka pa Cutie dahil alam muna inlove ang bestfriend natin. Hindi lang iyan... napressure kasi siya na kahit anong pag-aaral ang gawin niya ay hindi niya maabot si Drew sa section A." Pahayag ni Esoy at saka sumubo ng kanin na may kasamang ulam na pinakbet.

"Lalo na nereject siya ng paulit-ulit ni Drew. Iwan ko nga sa inyo kung sino itong mga lalaking walang pakialam sa naramdaman ninyo ay doon kayo. Doon kayo sa lalaking mas gusto kayo. Huwag diyan sa mga cold hearted na matatalino nga pero... Hindi naman marunong makapag-appreciate ng tao." Bumuntong hininga si Esoy at saka nagpatuloy sa pagkain. Kumain narin si Cutie na ang ulam niya ay tortang talong.

"Iwan ko muna kayo Esoy at Cutie. May ibibigay lang ako kay Drew." Umalis na ito at napanganga lang silang dalawa. Sinundan ng kanilang mga mata si Ayeng na pupunta pala ito sa mesa ni Chad na mag-isang kumakain sana... Kaso dumating sila Drew, Rocco at Mitchell.

Nakita pala ni Ayeng na papasok sila Drew kaya dali siyang tumungo sa mesa ni Chad.

"Drew...niluto ko ito para sa iyo." Nakangiting bungad ni Ayeng habang hawak niya ang ulam na nakalagay sa transparent na baonan.

"Hindi na kailangan. May ulam akong dala." Pinagtinginan si Ayeng sa ibang mag-aaral. Naupo ng maayos si Drew at nilabas ang baonan sa kanyang lunch bag. Naupo rin sila Mitchell at Rocco.

"Tikman mo lang itong niluto ko. Masarap ito promise!" Akward na pamimilit ni Ayeng. Inabot ni Ayeng ang baonan. Tiningnan lang ni Drew ang hawak niyang baonan tapos umiwas at tinuon ang pansin sa sarili niyang baonan.

"Drew kawawa naman. Nag effort na nga yung tao ayaw mo pang tanggapin." Banggit ni Rocco at kinuha sa kamay ni Ayeng ang baonan.

"Ayeng akin na lang ito. Dahil wala akong dalang ulam." Binuksan ni Rocco at napa-wow siya.

"Wow! Ayos paborito ko itong Grilled Pork Tenderloin." Masayang puri ni Rocco at saka tumingin kay Ayeng.

"Rocco para kay Drew iyan hindi para sayo." Nakatingin na sabi ni Ayeng.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now