Chapter 3

30 2 3
                                    

(AUTHOR'S POV)

          Kinagabihan tinawag sina Cutie na doon maghahapunan sa bahay nila Mercedes. Pinauna si Cutie ng kanyang ina na may kinuha pa saglit. Nakasunod si Seth kay Cutie at ang suot ni Cutie ay pantulog na longsleeve and pajama. Kumatok siya at inutusan ni Mercedes ang panganay na anak na buksan ang pinto. Bored na sumunod ang binata sa utos ng ina papuntang pinto. Dahan-dahan lang ang kanyang pagbukas. Bumungad sa kanya si Cutie at nagulat pa ito at si Cutie ay nanlaki ang mga mata ng makita si Chad hindi siya makapaniwala.

"Are you following me?" Masungit niyang tanong.

"Uhhhh..." Sinarhan siya ni Chad. Hindi kasi malaman kung ano ang dapat niyang sasabihin.

"Ate anak ba iyon ni tita Mercedes? Ang bastos ano!" Natulala lang si Cutie.

"Huwag mong sasabihin na ka-kapit-bahay ko siya?" Nag-iisip niyang sabi sa sarili.

"Hoy ate anong pinagsasabi mo dyan?" Nang maalimpungatan ay sinagot niyang wala.

Confused naman ang mom ni Chad na walang nakasunod sa kanya.

"Anak saan na sila?"

"Some random strangers." Aniya na bagot at naupo at nagbasa ng dyaryo.

"Anong random strangers sila tita Theresa mo iyon. Ano kaba? Buksan mo bilis!" Utos ng ina.

"Fine!" Bagot parin niyang pagsunod. Ayaw niya niyang nakipag-bangayan sa mom niya.

Binuksan niya ang pinto at si Thresesa ang bumungad. Nasa likuran ni Theresa si Seth at Cutie kasama ang tatay nila na si Eulugio.

"Magandang gabi po sa inyo! Kayo po ba si mam Theresa?" Magalang niyang pagbati.

"Oo ehjo. Ante na lang at magandang gabi din sayo." Sagot ni Theresa.

"Magandang gabi din sayo ehjo!" Boses ni Eulugio.

"Pasok po kayo. Nakahanda na ang pagkain." Magalang niyang paanyaya. Nauna siya sa loob at nagyakapan ang magkaibigan.

"Mabuti pinaunlakan ninyo ang aking paanyaya. Halina kayo maupo na." Masayang paanyaya ni Mercedes.

"Pare kumusta? Magandang gabi sa inyo!" Tumayo ang ama ni Chad na si Aaron. Nagkamayan ang dalawa sabay nagyakapan.

"It's good to see you again! Okay lang naman." Sagot ni Eulugio na nakayuko. Nagulat si Cutie hindi niya akalain na marunong mag-english papa niya.

"Magandang gabi po sa inyo sir Aaron!" Magalang na pagbati ni Cutie at Seth.

"Magandang gabi din sa inyong dalawa. Naku huwag ninyo na akong tawaging sir. Uncle na lang okay?" Tumango lang ang dalawa.

"Good evening po sa inyo ante!" Bati ng kapatid ni Chad na babae si Clear.

"Good evening din sayo ejha!" Sagot ni Theresa.

Naupo na ang lahat sa hapag. Magkatabi ang mama ni Cutie at papa. Sa center ay si Aaron at si Mercedes ay sa gilid malapit sa center kung saan nakaupo ang husband niya at si Clear at Seth ay magkaharap sa mesa at ganoon rin si Chad at Cutie.

Nagsimula na silang kumain lahat.

"Diba Cutie sa Yengyang Highschool Academy ka nag-aaral?" Tanong ni Mercedes.

"Opo tita." Sagot ni Cutie na binalik ang tingin sa pagkain.

"Mabuti kung ganun dahil nasa iisang paaralan lang kayo ni Chad." Masayang wika ni Mercedes.

"Total nasa iisang paaralan lang kayo sumabay kana Cutie kay Chad sa tuwing pasukan sa eskwela." Tumango lang si Cutie na nakangiti. Ang Chad ay tahimik lang na kumakain.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now