Chapter 28

10 2 0
                                    

(CUTIE POV)


Niyaya na siya ni papa kumain at bumati siya sa aming lahat.

Maraming katanungan ang nagaganap. Lalo na si Seth.
"Ate namiss mo ba talaga kami?" Dagdag ni Seth.

"Oo naman lahat kayo." Sabi ko at nagtagpo ang aming mga mata saglit at umiwas din ako dahil hindi ko kayang sabayan ang mga kakaiba nitong pagtitig.

Natahimik lang sila lahat ng may narinig silang batang umiiyak sa may hagdan. Naku lagot nagising na si Ridden. Dali akong tumayo at sinalubong siya sa hagdan ng sinabi niyang: "Mommy! Huhuhu...!"

"Hey my baby. Why are you crying? What happen?" Tanong ko at pinunasan ang kanyang mga luha. Abot langit ang aking pagkaba. Baka mamukhaan nila tita si Ridden.

"I missed daddy so much mommy...huhuhu..!" Iyak niya. Ayaw kong magkita sila ng kanyang ama. Kung pwede iwasan ko na huwag lang magtagpo ang kanilang mga mata. Baka kasi makikita ni Chad ang childhood look niya kay Ridden.

"Don't worry baby. Daddy will see you soon okay?" Binuhat ko siya at mabuti na lang isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Para hindi siya mamukhaan nila tita. Lumingon ako sa kanila.

"Sorry po sa inyo tita and tito. Papatulogin ko muna ang bata ulit. Goodnight po sa inyong lahat!" Paalam ko at nagpatuloy ng umakyat sa itaas.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng nakapasok na ako sa aking kama. Nakatulogan ito muli kaya dahan-dahan ko siyang binaba. Saka kinumotan.

"Sorry anak. Kung ayaw kitang ipakilala sa ama mo..." Mapait kong usal sa aking damdamin.

          Sa umaga nakatanggap ako ng text at binasa ko. Nanlaki ang aking mata ng sabihin ni tita na ang photoshoot ay gaganapin sa 'Davis Magazine Company Corporation' sa mismong studio nila. Dali ko siyang tinawagan. Gusto kong makasigurado na hindi nagkamali si tita. Baka kasi mali lang ang kanyang pagtype.

"Hello tita. Sigurado ka ba sa Davis Magazine Company?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Yes at dalian muna diyan! Ngayong 8:30 gaganapin ang photoshoot mo at kailangan you look good okay?" Paalala niya.

"Tita baka nagkamali ka lang sa pagbasa?" Giit ko.

"Hindi ako nagkamali. Send ko sayo ang email ha para ng sa ganun maniwala ka. Mismo ang Washington Modeling Agency ang nag-email sa akin at ang Vogoue." Paliwanag nito at wala pang tatlong segundo natanggap kuna ang email sa kabila kong phone at binasa agad.

Hindi nga nagsisinungaling si tita. Sa Davis Magazine nga talaga gaganapin ang photoshoot. I was soo devastated. Kung kailan iniiwasan ko si Chadwick. Alam ko na isa na siyang CEO. Hindi ko kasi sinadyang mabasa kagabi ang isang article online na dumaan sa aking newsfeed sa aking private facebook na iilan lang ang aking friendlist. Gawa mismo ng mga taga hanga niya sa kompanya. Hanggang ngayon marami parin siyang tagahanga. Paano pa kaya kung isa siyang actor? Edi billion ng kababaihan mababaliw sa kanya.

"Pamangkin are you in there?!" Untag sa akin ni tita sa kabilang linya.

"Yes tita!" Sagot ko. Muntik ko ng makalimutan na may kausap pa ako sa kabilang linya.

"Akala ko kasi hindi ka nakikinig sa akin. Nabasa muna ba?" Tanong niya.

"Opo tita." Walang gana kong sagot.

"Tita...pwede i cansel na lang ang photoshoot? Pwede sa ibang company studio na lang gaganapin?" I insisted ng sa ganun hindi kami magkikita ni Chad.

"Sorry pamangkin. Hindi natin pwede i cansel. Nasa pilipinas na si Mr. Robinson ang partner mo sa photoshoot. Baki't ayaw mo sa Davis? Alam mo ba ang Davis Corporation ang nag-iisang tanyag pagdating sa paggawa ng magazine dito sa pilipinas? Kaya grab the opportunity okay?" Pahayag niya. Huminga ako ng malalim.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now