Chapter 23

9 1 0
                                    

(CHADWICK POV)

       Matapos kong naiparada ang aking kotse ay nakita ko si tita Theresa na madaming inilabas na mga kagamitan. Nahihirapan itong buhatin ang isang malaking cartoon box. Pagkalabas ko ay sinalubong ko siya.

"Tita Theresa good afternoon po! Ako na po ang magbubuhat."

"Naku ehjo nakakahiya sa iyo...madudumihan ang uniforme mo." Aniya na nakatingin sa maputi kong longsleeve at nasa balikat ko ang aking tuxedo. Binaba ko ang aking suitcase at tuxedo sa may bench katabi ng kanilang bahay.

"Wala pong problema tita tapos narin po ang aking opisina... " Pahayag ko.

"Maraming salamat ehjo..." Sagot nito na natutuwa.

"Tita saan po ito ilalagay?"

"Doon sa bodega ehjo." Nagnod lang ako at pumunta ako sa bodega. Binaba ko ang box.

Bumalik sa kay tita na buhat ang mga maliliit na mga boxes.
"Tita ano po ba ang mga laman nitong maraming cartoon boxes?" Usisa ko habang nakasunod sa kanya pabalik sa bodega.

"Mga kagamitan ito ni Cutie na pinapatapon niya na..." Hindi ako sumagot sumunod lang ako at pagdating sa bodega ay binaba kuna ang mga binuhat kong boxes.

Pagbalik ko sa harapan ng kanilang bahay ay binuhat ko ang panghuling box na kulay purple.
Isa itong Fairfax Kraft Storage box.

"Ejho ako na bubuhat niyang panghuli na box masyado na kitang naabala..." Giit ni ni tita.

"Okay lang tita...wala pong problema. Total naman katabi lang ng bahay namin ang bodega at madadaanan ko lang kaya walang problema. Ako na po ang bahala nito. Baka kasi may gagawin pa kayo..." I insist.

"Naku maraming salamat. Napakabutihin mong bata. Tama ka may gagawin pa talaga ako dahil ipagluluto ko pa si Seth. Maya't-maya ay darating na iyon." Masayang sagot ni Ante.

"Oh s'ya sigurado kaba na ikaw na ang magtatapon niyan? Dahil papasok na ako..."

"Opo tita ako na ang bahala." Panigurado ko.

"Salamat sa uulitin." Tumango lang ako na nakangiti. Binuhat ko ang box gamit ang dalawa kong mga kamay. Nakahawak ako sa dalawa nitong hawakan. Ang left and right side. Binaba ko saglit sa bench at pinatong sa cartoon ang aking suitcase at pati ang ang aking tuxedo.

Tumungo ako sa bodega at akmang ipapatong kuna ang box sa iba pang boxes ay hindi ko sinadyang mabitawan at nalaglag ito pababa. Nabuksan ang takip at tumilapon naman ang ibang mga laman nitong gamit. Buti na lang ang suitcase ko ay hindi nabuksan o nasira. Kundi tiyak na madudumihan ang mga lamang papeles. Nalaglag din ang aking tuxedo. Kinuha ko una ang aking suitcase at tuxedo pinatong sa malaking boxes.

Kasunod ay pinulot ko ang mga nakalatag na gamit. Mga kwaderno at lumang ballpen. Binalik ko sa loob ng box. Ang kasunod kung napulot ay ang filipino na aklat. Parang pamilyar sa akin ang aklat. Binuksan ko ang ilalim ng cover at hindi ako nagkamali. Aklat ito sa aming library doon sa highschool campus. Baki't hindi niya sinauli? Tiyak na hinahanap ito sa library. Ako na lang siguro ang magsasauwi.

Kinuha ko ang aklat at nang patapos kunang mailagay ang mga natapon ay napansin ko sa may unahan ang tumilapon mag-isa kanina ang isang lumang maitim na kwaderno na tinalian. Tumayo ako at pinulot. Napapansin ko na mag-kaiba ang kwadernong ito sa mga napupulot ko. Tila bagang may something at tinuturo sa aking instinct na buksan ko. Tinanggal ko ang tali at pagkabukas ko ay tumambad sa unang pahina ang aking seryosong lumang larawan. Kuha ito nung nanalo kami sa baseball during intramurals sa highschool. Habang hawak ko ang tropeyo.

"Her dairy..." Usal ko. Pinatong ko ang purple box at dinala ko ang diary niya at ang filipino book. Kinuha ko rin ang aking tuxedo at suitcase. Nagmamadali akong tumungo sa bahay.

"WHEN WILL YOU LOVE ME?" (ONGOING)Where stories live. Discover now