1

572 12 1
                                    

1

"ALIYAHHHHH"

of course, umagang umaga almusal ko'y sermon ni mama nakabusangot akong bumangon sa kama dahil baka mabato pa ko ng walis sa sobrang inis ni mama sakin.

"Po?"

Nakita ko ang nakakatakot na titig nya sakin habang hawak nya ang damit na suot ko kagabi.. paktay ka diha bat di ko ba natago yun

"H-hindi sakin yan" mabilis na tanggi ko pero syempre di maniniwala si mama dun kaya di na ko nagtaka ng maglabas na sya ng walis tambo sa likuran nya..

"Sinabi ko ng wag ka ng magpu-pupunta dyan sa mga bar na yan bat ba ang tigas ng bungo mo?" inis na sermon nya jusko naman si mama di ba nya alam na halos katabi lang namin ang mansion ng mga Puentabella?

"Ehh last naman na yung kagabi e" palusot ko habang nakamot ng ulo

Galit na inambahan nya ko ng walis kaya mas mabilis pa ko kay flash kung magtago sa gilid ng pader.

"Kailan ang last mo? kingina ka 100x mo na yan sinasabi, saka 24 kana wala ka bang balak magtrabaho nyeta ka?"

Napanguso nanaman ako dahil alam ko na ang kasunod na sasabihin nya and i don't fcking like it!

"Bat di ka gumaya sa Ate at Kuya mo? Sila maganda na ang buhay sa America ikaw nandito ka pa din sakin... Ayos sana kung natulong ka sa mga trabaho namin ng Tatay mo pero hindi masyado kang pabigat dito" galit na sabi ni mama

Napatahimik ako sa sinabi nya dahil kung sasagot ako ay wala ding mangyayari, always naman nyang sinasabi yan e... well totoo naman di ko yun idedeny but comaparing me with those idiots ang di ko matatanggap

Oo nga masarap na ang buhay nila sa America kaya nga nakalimutan ka na e... gusto kong sabihin yan pero alam kong masasaktan lang si mama kaya shut up nalang ako

"Di na ko pupuntang Bar, Wala na din naman akong pera e.. naubos ko na kagabi" mahinang sabi ko atsaka akmang babalik sa kwarto ng pumasok si tatay sa pinto mula sa labas

"Ano nanaman ang pinuputak mo dyan, Mama? pinapagalitan mo nanaman ang princesa ko" mahinahon na saad ni tatay

Napangiti ako sa sinabi nya si tatay lang ang ganito ang trato sakin.. He treated me as his princess kaya mahal na mahal ko sya e haha.. but of course i love my mom too.

"Heh! Kunsintidor ka talaga di na ko magugulat isang araw ay buntis na yang anak mo" inis na sambi ni Mama

Napailing nalang sakin si Tatay at inakbayan ako habang si mama naman ay nagsusuot na ng apron para makaalis na patungo sa mansion ng mga Puentabella.

Nasa loob kami ng mansion nila but not exactly sa loob nasa likod kami ng bahay nila pano ko ba i-eexplain masyadong malawak ang lugar nila kaya napagawan pa kami dito ng maliit na bahay.

I've never met a Puentabella since we live here dahil minsan lang naman maglagi dito ang mga yun minsan ang lalaki lang ang nandyan kasama ang kanyang asawa ang alam ko din ay may anak itong dalawa but I don't know if boy or girl and idc.

"Bukas daw ang dating ng isang anak nila senyor tama ba ko, Allen?" dinig kong tanong ni mama kay tatay

Lumayo sakin si tatay at umupo sa may bakanteng sofa sa sala habang ako ay tumungong kusina para kumain dahil kagabi pa ko walang kain puro alak na nga lang ata laman nito e.

"Ahh oo dito daw magiistay ng isang linggo ang batang yun dahil inutos ng kanilang ama.. naparusahan nanaman ata" naaawang saad ni mama

Bata? Akala ko kasing edad ko lang? bata pa pala sayang..

"E bakit naman yung isa ay parang ganun din ang galawan? mas babae pa nga gumalaw iyon e" saad ni tatay

Nangunot ang noo ko habang nakain ng kanin na may itlog at hotdog.

So same na girl ang anak nito but masyadong girly yung isa?

"Tumigil ka nga dyan Allenardo kung ano ano sinasabi mo kay Senyorito Mcquin" suway sa kanya ni mama

Halos mabulunan ako na mapagtanto ang sinasabi nya ayun pala ang ibig sabihin ni tatay

Bakla yung dalawang anak ng mga Puentabella...

"Aliyah! Bukas ay tulungan moko dun sa mansion ng mga Puentabella dahil magiging busy ang ilang mga kasambahay sa pagdating ng senyorito" bilin ni mama habang nagsasalamin para tignan ng maayos ang kanyang apron

Napanguso ako at padabog na tinapos ang kinakain dahil alam kong alam nila na ayaw kong pumunta dun 

"Ayaw ko ma! Hindi nga ko napunta dun e" inis na sabay tingin ko kay tatay para manghingi ng tulong pero sa kasamaang palad umiling ito

"Anak, tulungan mo na ang mama mo dahil masyadong istrikto ang senyorito na iyon" mahinahon na sambit ni tatay na animo ay inuuto ako

Umirap ako sa hangin at napabuntong hininga dahil alam kong di ko na sila mapipilit
siguro ay sasaglit nalang ako dun ayaw ko nga makita yung baklang senyorito na yun baka masampal ko pa yun e..

"Sige na mauuna na ko dun..Aliyah makinig ka sakin walang bar na pupuntahan, naiintindihan mo?" nananakot na bilin ni mama kaya napatango nalang ako at nagsalumbaba sa lamesang pinagkainan ko kanina

Nakita ko si tatay na lumapit sakin at hinalikan ako sa noo bago ginulo ang buhok ko

"Sundin mo muna ngayon ang mama mo at maglibot ka dito sa labas ng palasyo marami kang makikita ditong interesante" sambit ni tatay saka tuluyang lumisan para sundan si mama

Napabuntong hininga ako dahil alam kong magiging boring ang araw ko ngayon since walang bar, alak at of course lalaki

"Ano ba magagawa dito? Inis naman" sambit ko sa sarili saka tumayo para iligpit ang mga pinggan na pinagkainan



Dahil narin sa sinabi ni Tatay na maglibot libot dito ay napagpasyahan kong maglakad lakad sa buong hacienda na dapat di ko nalang ginawa dahil ang init sa balat ng araw jusko pag ako umitim di na ko makakadale ng boys!

"Umiinit ang ulo ko sayong araw ka" inis na bulong ko sa sikat ng araw na nadampi sa balat ko

Salubong ang kilay ko ng mapasigaw ako dahil sa busina ng golf cart sa likod ko

"Ayyy tit-" buti ay napigilan ko pa ang lalabas sa bunganga ko saka inis na nilingon ang salarin ng busina na yun

And there I saw a man walking towards me with his raised eyebrows and his chewing a gum.

"Who are you?" maarte ang pagkakatanong nya sakin na ikinabagsak ng bibig ko dahil sa gulat

Ang arte nya magsalita... wait, is this the guy na pinaguusapan nila mama kanina?

B-bata?

Kaya na nga nito makagawa ng isang dosenang bata e!

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now