28

174 4 0
                                    

28

Dahan dahan kong minulat ang mata ko nang may maramdaman akong mabigat na bagay sa bewang ko. Napangiti ako ng makitang si Gio yun at tulog na tulog bigla ko tuloy naalala yung nangyari kagabi. Yung paraan nya ng pagiingat ang dahilan para mas mahulog ako sakanya.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding maga-alas sais palang pala kaya hindi pa ganong kaliwanag. Naisipan kong ipagluto si Gio ng almusal kaya maingat kong tinaggal ang kamay nya at tahimik na umalis sa kama.

Nagtagumpay akong makaalis sa kama kaya minadali ko ng pumunta sa kusina upang simulan ang pagluluto. Binuksan ko ang ref para lang manlumo walang pwedeng lutuin dito na babagay sa almusal kaya naligo ako at nagbihis para pumuntang supermarket sigurado namang may 24/7 na supermarket dito. Nakahanap nga ko at medyo malapit lang din sa hotel na tinutuluyan namin. Binili ko na lahat ng kailangan ko bago umuwi

Nang makabalik ay nagsimula agad ako sa pagluluto una kong niluto ang itlog at strip bacon saka ko niluto ang fried rice with minced vegetables. Habang hinahalo ang fried rice ay halos mapatalon ako ng may dalawang brasong yumakap sa bewang ko at siniksik ang ulo sa leeg ko. Amoy bagong ligo sya, bat di ko man lang narinig ang lagaslas ng tubig? baka masyado lang akong nabusy sa pagluluto.

"Goodmorning, babe"
malalim na bati nya sakin ang lalim kasi talaga ng boses nya pagbagong gising

"G-gising ka na pala, pinagluto kita" sambit ko saka pinatay ang kalan bago humarap sakanya

Nginitian nya ko saka inayos ang nahulog na hibla ng buhok ko at inilagay yun sa likod ng tenga ko. Napalunok ako sa sobrang kaba at excitement.

"Yea, i smelled it kaya ako lumabas ng kwarto"

Tinignan ko ang suot nya at naka black tshirt sya at gray pajamas.
ansimple ng suot nya pero sumisigaw parin ang kayamanan nya

"M-maupo ka na dun sa dining para makakain na tayo" utos ko saka muling binalingan ang sinangag ko at inilagay yun sa dalawang plato

Sumunod naman agad siya kaya masaya kong nilapag ang plato nyang may pagkain bago ako naupo sa upuang kaharap nya. Nagsimula na syang kumain kaya gumaya na rin ako.

.
.
.
.

Nakauwi na kami galing tagaytay pero yung saya ay nandito padin dahil halos nilubos namin ang mga oras na nandun kami sa tagaytay lahat ng tourist spot dun ay pinuntahan namin lalo na sa hanging bridge at tinry din namin ang Iba't ibang rides na nandun kagaya ng zipline at pumunta din kami sa Tagaytay Picnic Grove, People's Park in the Sky ang ganda dun superr sobrang ganda ng view pati sa Museo Orlina at Sky Ranch Tagaytay. Lahat yun pinuntahan namin at lahat din dun ay may picture kami.

Tungkol nga pala dun sa away namin na ano ang mas better na picture at kung ano ang reaction ni mcquin... Tinawanan nya kami ng sobrang lakas as in, sinasabi nyang mga abnormal kami para magtalo sa simpleng bagay kaya wala din kaming napala sakanya.

We decided na iwallpaper nya yung gusto nya at iwawallpaper ko din ang gusto ko thankfully umaggree naman sya.

"Aliyah!!!" bungad sakin ni alex ng makarating kami dito sa mansion

Niyakap ko sya at nagbeso kami ganun din ang ginawa ko kay yvanna at mcquin na hindi parin ata makamove on sa nangyari.

"So...How's the vacation love birds?" nakangising tanong ni mcquin napaiwas ako ng tingin nang dumapo ang paningin nya sakin

Paano kapag nalaman nya yung nangyari samin nakakahiya...

"Wonderful! We visit all the tourist spot and ate to all famous restaurants and you won't believe what I'm going to say i ate what do you call that?" masayang tanong nya habang nakatingin sakin napailing nalang ako at napangiti

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now