34

180 8 0
                                    

34

Hindi umimik si Ivon hanggang sa makauwi kami sa bahay paniguradong naiinis sya ngayon sa sarili nya at nalulungkot at the same time dahil alam ko kung gaano na nya kagusto makita ang ama pero tinanggi nya lang iyon.

"Ivon, are you alright?"
tinanong ko parin sya para makasigurado kung magsisinungaling ba ang anak ko pero sadyang honest ito dahil umiling sya at nagsimula ng magbagsakan ang luha nya

Naawa naman ako sa anak ko kaya dali dali ko syang niyakap at hinaplos ang likod nya.

"I lied to him.. sorry mommy"
iyak na sabi nya

"Madami pa namang chance na pwede ulit kayong magkita" mahinhin na sabi ko saka hinarap sya sakin at sinuklay ang buhok nya gamit ang kamay ko

"It's okay.. I'm sorry because i lied, sabi mo po bad ang maglie e" pababy na sabi nya saka kinagat ang ibabang labi na parang pinipigilan nanamang maiyak

So that's why he's saying sorry...

"It's okay baby, you also have to lie sometimes so you don't get hurt so I understand you" nakangiting payo ko sakanya saka pinunasan ang pisngi nyang basa ng luha

"if you want to meet your dad, I can visit him so you can meet him"
dagdag ko

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko pero yumuko ulit sya saka umiling taka ko syang tinitignan dahil alam ko kung gaano na nya gustong makita ang ama nya pero bakit tumatanggi sya?

"I don't want it mommy, if you only think about our happiness, I don't want it. if the exchange for our happiness is to hurt you, I don't want to see my dad anymore"
malungkot na sabi ng anak ko

Tumabi sakanya si alyza saka ngumiti sakin at tumango.

"we have daddy xedrik, he's enough for us, besides, you're happier when daddy xed is there" diretsong sabi ni alyza saka yumakap sa leeg

you gave me angels who were willing to give up their happiness just so I could be happy but I can give that up just so they can see you.

.
.

Dumaan ang isang araw nang tahimik ang buong bahay dahil nasa school ang dalawa at ang tanging gawa ko lang ay ang maglinis sa bahay gusto ko pumunta sa coffee shop ko pero alam kong kaya na ni Celeste yun.

Busy ako sa pagsasalansan nang may nagdoorbell sa pinto sa akala kong sila alyza na yun ay nagmadali akong pumunta sa pinto at binuksan yun para lang makita ang lalaking kinamumuhian ko. A-anong ginagawa nya dito?

May dala syang apat na shopping bag na puro laruan ang laman. Magsasalita na sana ako nang bigla lumabas sa likod nya ang dalawang anghel ko.

"Mommy!" nakangiting bati sakin ni alyza pero hindi sila lumapit sakin nakatabi lang sila sa gilid ng ama nila

Taka kong nilingon si Gio na nakaseryoso ang muka na nakatingin din sakin. Inirapan ko sya saka kinuha ang kamay ni alyza at ivon para mapapunta sila sa tabi ko hindi naman umanggal ang dalawa sa ginawa ko kaya mas lalo akong nagtaka.

"Mommy, sinundo po nya kami! Ang ganda ng car nya" masayang chika sakin ni alyza pero wala parin sa kanila ang atensyon ko kundi sa lalaking nasa harap ko

"You're not good at pretending, aliyah" nakangiting sabi ni gio pero yung ngiti na yun ay parang insulto na sakin kaya inirapan ko sya at sinagot

"What are you doing here, senyorito Gio?" pinahalata ko talagang diniinan ko ang word na senyorito dahilan para magsalubong ang kilay nya

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now