12

207 8 3
                                    

CHAPTER 12

MANY days had passed since their parent visited us.. after that I thought everything went back to normal and i can go back home but mcquin forced me to stay here dahil ayaw nyang matapos lang yun ng ganun ganun pero di ko na ata makakayanan ang ka-abnormalan ng magkapatid na to.

Kagaya ngayon nakakarinig nanaman ako ng bangayan sa sala paniguradong may dalawang abnormal nanaman ang nagaaway dun.

"I said go back here! I'm not done talking" hiyaw ni mcquin the abnormal no.1 syempre di magpapatalo ang abnormal no.2

"I don't want to listen to your shits" ganti nya at nakarinig ako ng kalabog

Inis na tumayo ako mula sa pagkakahiga at padabog na bumaba papuntang kusina and there i saw the two of them throwing things on each other. Bumuntong hininga ako at kumuha ng dalawang mansanas na nasa tray at parehas ko silang binato nun sa ulo. Sabay silang napaaray at bumaling sa pwesto ko.

Walang emosyon ko silang tinignan at akmang magsasalita sila nang itaas ko ang palad ko para patigilin sila sa balak nila.

"Alam nyo ba kung anong oras palang? Mga hinayupak kayo" sigaw ko sakanila sabay turo sa wall clock

"6 am palang! nagwoworld war 3 na kayo dito! alam nyo bang nakakaistorbo kayo?" dagdag na sigaw ko at kumuha ng isa pang mansanas saka inamba sa kanila pero di ko tinuloy atsaka kinagatan ang mansanas sabay pasalampak na umupo sa upuan

"I'm sorry, Liyah... Ito kasing bwesit na-" hinampas ko nalang yung lamesa dahil balak nanaman nilang magbangayan nanahimik silang dalawa at naupo nalang din saka tinawag ang mga maids na linisin ang mga kinalat nila.

Napailing nalang ako habang pinapanuod na paghandaan kami ng almusal ang isa sa mga katulong nila.


Napatigil ako sa pagsubo nang magring ang phone ko. Binaba ko ang kutsara at kinuha sa bulsa ko ang phone para tignan kung sino ang nambubulabog ng umaga ko.

Napansin ko ang titig ng dalawa sakin pero sinawalang bahala ko nalang at tinignan ang pangalan ng caller kumunot ang noo ko nang makitang si primotivo yun.

"Finally, you answered my call" masayang sambit ni primo napairap ako sa ere dahil paniguradong nagtanong nanaman to kila lia kung anong number ko.

"yeah, bat ka napatawag?" tamad na sagot ko narinig ko ang mahinang pagtawa nya na kinainis ko lalo pero napalitan yun ng pagkailang nang mapatingin ako kila mcquin.

Madilim ang expression ni Gio habang si mcquin naman ay parang nalilibang sa reaksyon ng kapatid.

"I miss you, when do we get a chance to have fun again?" napangiwi ako dahil sa tanong nya

gago ba sya? kung nakikita nya ngayon ang itsura ng kaharap ko ay baka umatras sya.

"Primo- ahh excuse me" mahinang pagpapaalam ko

Nagdesisyon na kong tumayo para di nila marinig ang usapan namin nang biglang magsalita si Gio na kinagulat ko.

"Drop the call or else"
malamig na utos niya

Napatingin ako sakanya at maski si mcquin ay manghang lumingon sa kapatid. Nakatingin sya sakin ngayon at pakiramdam ay ano mang oras ay manghihina ako dahil sa paraan ng pagtitig nya.

I'm going to click the end call button when I accidentally click the loudspeaker button kasabay nang pagsalita ni primo.

"I wanna kiss your lips again, sweetie" malanding saad nito na lalong kinadilim at kinasalubong ng kilay ni Gio. Mabilis kong pinatay ang tawag at tinago iyon sa bulsa ng pajama ko.

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now