25

178 8 0
                                    

Chapter 25

Nakahanda na ang lahat at nakalagay narin ang maliit na maleta namin sa likod ng sasakyan nya. Hindi pa nga dapat papayag si mrs.puentabella kung hindi lang sinuway ni mr Puentabella gusto kasi ng asawa nya ay kasama dapat si eloisa kaya nainis sa kanya ang lalaking puentabella

Nang maayos ko na lahat ay lumabas na ko para sumakay sa sasakyan pero bago ako makasakay ay tinawag pa ako ni alex na may hawak ng walis.

"Ingat kayo, senyorita"
may pangangasar na sabi nya pabiro ko nalang syang inirapan saka kumaway habang papasok ng sasakyan

Kita ko ang saya sa mata ni gio habang nakatitig sakin, he smiled at me saka tinapunan ako ng halis sa sentido bago paandarin ang sasakyan. Nalaman ko din na sa Tagaytay pala ang punta namin ngayon matagal na rin nung huling punta ko dun sila Ate pa ang kasama ko. Siguro 15 years old ako nun ang saya saya ko nun kasi nakasakay ako ng kabayo at natatanaw ko pa ang taal volcano

Pero nagiba yun nung nag 20 ako nasa ibang bansa na sila ate nun habang si kuya nman ay inaayos pa ang papeles nya paalis puro sila pangako na pagnakapagipon na sila ay uuwi sila at muli kaming pupunta ng tagaytay. Pero walang nangyaring ganun hanggang sa nagedad 23 ako puro lang sila pangako na pati magulang nila ay kinalimutan na nila.

"Babe? Are you okay?"
nagaalalang tanong nya habang nasa daan parin ang atensyon

Pilit ko syang nginitian at umiling lagi ko nalang sya kanya pinapahalata ang nararamdaman ko kahit hindi ko naman gusto magaling lang talaga siguro syang magbasa ng emosyon. Nagmaneho nalang sya at hindi na umimik.

Nakarating kami sa isang 5 star hotel na pagtutuluyan namin malapit lang naman dun ang pasyalan dito kaya ayos na rin.
Sya na rin ang nagdala ng mga maleta patungong lobby.

"Stay here, kukunin ko lang ang key card natin" he said saka ako hinalikan sa pisngi sabay alis patungo sa front desk

May pinagusapan pa sila nung babae bago malanding binigay ang key card akala siguro nito na magisa lang si gio. Umirap ako at maarteng humawak sa braso ni Gio nang makabalik sya sakin, kita sa mata ng babae ang pagkadismaya kaya nakangisi akong naglakad habang nakahawak padin kay gio

Pagpasok namin sa elevator ay tsaka lang ako bumitaw kay gio at bumalik sa seryosong emosyon.

"Jealous huh?"

Inis ko syang nilingon pero napalitan yun nang magkasalubong ang tingin namin. Tinging nangaasar ang muka nya kaya niliitan ko ang mata kong tumitig sakanya.

"Sino naman ang magseselos dun? mas maganda pa nga ko dun" asar na sabi ko saka tumingin sa taas kung saan makikita ang number ng floor na nahihintuan ng elevator

"She's pretty kaya"

Galit na lumingon ako skanya saka  malakas na hinampas sya sa braso
napaaray naman si gio kaya naguilty agad ako. Nakakainis kasi sya parang kinakampihan nya pa yun

"Edi dun ka na!"
inis na sabi ko kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang paglabas ko bahala sya sa buhay nya

Maglalakad pa sana ako ng magsalita si gio.

"Babe,our room is here" 

Napapikit ako sa hiya saka paatras akong umabante papunta sa pwesto nya narinig ko ang tawa nya kaya inis akong lumingon sakanya at ngumuso.

"Don't be mad, You're prettier than her and i love you"

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko para magpigil ng ngiti but i failed.

"Nakakainis ka!"

Natawa naman sya saka lumapit sakin at niyakap ang bewang ko.

"Hindi mo naman sinabing selosa ka pala" natatawang sabi nya saka inayos ang hibla ng buhok ko at nilagay yun sa likod ng tenga ko

Nakanguso akong umiwas ng tingin dahil naiilang ako sakanya sa sobrang lakas ng pintig ng dibdib ko baka marinig nya yun or maramdaman nya.

"Sabi ko naman sayo na hindi kana pwede lumapit o makipagusap sa ibang babae ngayon na boyfriend na kita" nakangusong paliwanag ko na ikinangiti naman nya saka ako pinanggigilan

"Ang cute cute ng girlfriend ko"
panguuto nya sakin at syempre nagpauto din ako

Binuksan na nya ang pinto at pinasok na ang mga maleta saka ako sumunod. Sinarado ko naman ang pinto atsaka humarap sa kanya

Para na tong bahay namin kita mo ang kusina at living room pagpasok mo tas may dalawang pinto na paniguradong banyo at kwarto yun.

Ang ganda ng design nya pure white sya pero may mga paintings na nakalagay pati ang tv shelf ay may mga libro  ang ganda din ng design ng sofa nila light blue ang kulay nito bagay na bagay sa kulay ng bahay para ka tuloy nasa langit kasi white blue ang theme ng bahay

"Are you satisfied on our room?"
tanong ni gio na nagpabalik sakin sa ulirat

Masaya akong tumango at lakad takbong pumunta sa pwesto nya saka niyakap ang bewang nya.

"Thank you for bringing me here, Excited na ko sa mangyayari sa tatlong araw natin dito" masigla kong sambit saka hinalikan sya sa pisngi na kinagulat nya

Umupo ako sa sofa saka nagbukas ng phone nakita kong may message pala sakin si mama. nakaramdam tuloy ako ng kaba pero hindi ko pwede baliwalain ang message nya dahil magagalit sya sakin

Binuksan ko ang message ni mama sakin ng nakapikit pero dahan dahan ko yun dinilat napakagat ako ng labi dahil sa message ni mama.

One Messenge Received: Mama

Nabanggit sakin ni Alex na umalis daw kayo ni Senyorito Gio at tatlong araw daw kayong mawawala, bat di ka nagpapaalam huh Aliyah Vein? Nakalimutan mo na atang may pamilya ka pa? Lagot ka sakin pag uwi mo!

Nakanguso akong nagreply sakanya hindi naman sa ayaw kong magpaalam nakalimutan ko lang talaga magpaalam.. kinakabahan tuloy ako sa gagawin nya baka kurutin nanaman nya ko sa singit ang sakit kaya nun

Composed message to: Mama

Sorry po ma, Nakalimutan ko lang po talaga pasensya na tsaka hindi naman po ako papabayaan ni gio dito paguwi ko po ay may sasabihin ako sainyo.. wag na po kayo magalit love you maaa!

Nakangiti ko yung sinend saka binaba ang phone siguro ang pagpapakilala nalang kay gio ang pambawi ko skanya. Ano rin kaya ang magiging reaction ni mama kapag nalaman nya na nandito ako sa tagaytay. matutuwa kaya sya?

"You looked happy, may i know who you were texting earlier?" tanong ni Gio habang naghuhubad ng polo naiwan ang sando nya saka umupo sa tabi ko

"Si mama balak kong ipakilala ka sa kanila ni papa pagbalik natin. Kung ayos lang naman sayo" nakangiting sagot ko

He smiled saka tumango sakin at mas lumapit pa. naiilang tuloy ako

"Of course, I'll love that"
nakangising sambit nya

Hinawakan nya ang pisngi ko at hinahaplos yun napapapikit ako pagginagawa nya yun.

I feel so comfortable around him.. i feel safe with his arms..

And I'm willing to give my everything to him...

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now