30

174 5 0
                                    

30

Kabadong kabado ako nang makapasok sa mansion halos lahat ay binati ako kabilang na dun si alex at yvanna. Nilapitan ako ni alex saka nagsalita.

"Nasa study room si mrs.puentabella" mahinang sabi nya saka ngumiti ng maliit sakin

"S-salamat"

Agad akong tumungo sa study room at walang katok katok ko iyong binuksan nakita ko syang nakangisi habang nakatingin sakin.

"M-maganda umaga po"
bati ko saka tahimik na lumapit sa kanya

"Masyado mo na talagang iniienjoy ang palabas mo, aliyah" nakangising sabi nya pero ang muka nya ay galit

"K-kung tinutukoy nyo po ay ang pagpapanggap namin hindi na po namin tinuloy yun... Mahal na po namin ang isa't isa-" pinutol nya ang sasabihin ko ng maglabas sya ng sobreng puti

Kabado ko iyong kinuha at binuksan halos mapanganga ako ng makitang invitation yun ng kasal...

Nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo.. Habang nakatingin sa invitation kung saan nandun ang pangalan ni eloisa at ng taong mahal ko..

"A-anong ibig sabihin nito?"
garalgal na tanong ko

Tumingin ako kay mrs puentabella na masayang pinapanuod ang bawat reaction ko.

"Pumayag na si gio na pakasalan si eloisa because she's pregnant"
paliwanag nya

Nanlalaki ang mata ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

B-buntis?

Pero ang sabi nya walang nangyari sakanila?

"Why? Nasaktan ka ba? Mas nasaktan sya sa ginawa mo aliyah.. Nakalimutan mo na? Kahit alam mo na alam ko na ang lahat mas pinili mo paring ilihim sakanya ang lahat.. and he was mad at you dahil sya nalang pala ang nagiisip na nagpapanggap parin kayo kahit tumigil na kayo. nagsinungaling ka sakanya kayo ng mama mo" galit na sabi nya habang dinuduro ako

Napayuko ako habang kagat ang labi ayaw kong pumalahaw ng iyak dito.

Si mama!

Pero dapat hindi na sya magalit dun kasi hindi naman na dapat mahalaga yun dahil official naman na kami.. bakit ganun?

"Asan po sya?"

Huminga sya ng malalim bago nagsalita..

"He's in Eloisa's condo.. kailangan nya alagaan ang mapapangasawa nya at ang kanilang anak" seryosong sabi nya saka humakbang papunta sa harap ko

Kailangan kong makausap si Gio hindi pwede yung ganito.

"S-saang condo nakatira si eloisa?" naluluhang tanong ko sakanya

Pagak syang tumawa saka galit na tumingin sakin. Hindi ako makaramdam ng takot ngayon dahil kailangan kong makausap si Gio

Hindi pwedeng sa ganito matapos ang relasyon namin.

"Stop bothering him anymore... bukas ay pwede na kayong umalis sa tirahan nyo dahil balak ni Gio na gawing palaruan yun ng magiging anak nila" mahinahon na sabi nya

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now