38

164 7 0
                                    

38

Dumating na sila mama kasama ang iba naming kamaganak at si chris ang una nilang nilapitan at nagiyakan ang iba kaya di ko din mapigilang mapaluha. Tulog na ang kambal dahil alas diyes na ng gabi at naging busy din ako kakatulong kay chris na magasikaso sa mga bisita tatlong araw lang naman ang itatagal ng burol ng magulang nya dahil mas lalaki pa daw ang gastusin kung pitong araw pa nyang ibuburol ang magulang nya.

Pagkatapos din ng libing ang uwi ng mga kamag-anak namin kaya paniguradong ayos lang na umuwi kami ngayong gabi dahil marami namang makakasama si chris dito  andito din ang ibang pinsan nya kasama ang mga pinsan ko.

Nang umayos na ang lahat at ang iba ay tulog na nagpahinga na din ako saka ko kinuha ang cp ko na may tatlong message at 5 missed call nakamute kasi to kaya di ko napansin.

Yung 1 text at 3 missed calls ay galing kay Xed at ang 2 text at 2 missed calls ay galing kay Gio.

Una kong tinignan ang text ni Xed dahil isa lang naman yun.

From: Xedrik

I got the news from your mom, I'm busy right now but I'll make time to come there. Imy

Hindi ko nga pala nabanggit sakanya ang tungkol dun pero busy nga kasi sya kaya di ko din napansin.

Sinunod ko ang message ni Gio.

From: G

Sorry, Don't wait for me.. Sinugod ko sa hospital si giselle sobrang taas ng lagnat nya.

From: G

Bukas ng umaga ako babalik, I promise

Napatakip ako ng bibig para mapigilan ang pagsinghap ng malakas. Poor girl

Nireplyan ko muna si Xedrik bago si Gio

To: Xedrik

It's okay, Take your time three days pa naman ang burol ng pinsan ko at ng asawa nya

To: G

I want to visit her, saang hospital mo sya dinala?

I waited until he replied.

One message received from: G

St. Luke hospital, thank you

Mabilis akong nagpaalam kila mama na aalis muna ako pero di ko na pinaalam kung san ako pupunta dahil baka hindi nila ko payagan.

Nakarating agad ako sa hospital dahil medyo may kalapitan lang naman yun dito sa chapel.

"Giselle Puentabella"
sabi ko sa nurse na nasa front desk

Kumunot ang noo ng nurse saka tumingin sakin.

"Wala po ang patient sa list namin" sagot nya

Kumunot ang noo ko sa sagot nya saka muling chineck ang message ni gio kung tama ba ang hospital na pinuntahan ko at tama naman yun.

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now