31

152 7 0
                                    

31

Isang buwan.

Halos mapakapit ako sa bowl sa sobrang hina kanina pa ko nagsusuka pagkagising ko pa lang
sa lumipas na isang buwan ay walang araw na ganito ako lalo na tuwing pagkagising ko. bigla talagang didilat ang mata ko kapag bumabaliktad ang sikmura ko.

"Ayos ka lang ali?"
tanong ni ate ng makapasok sya sa kwarto ko

Yes, nasa bahay kami ng kapatid ko dito na nila napiling tumira ng asawa nyang amerikano at ako agad ang tinawagan nya ng makaapak sila sa pilipinas. Hindi ko pa din sya napapatawad pero todo effort naman sya sa pagsusuyo sakin.

Nung araw na umalis kami sa hacienda ng puentabella ay saktong tumawag si ate at nagiyakan sila ni mama ng magkita ulit sila habang ako ay nakatulog sa sofa.

"A-ayos lang ako, umalis ka na!" pagtataboy ko sakanya pero muling bumaliktad ang sikmura ko kaya nagsuka nanaman ako mahinahong hinahaplos naman ni ate ang likod ko

"Halos isang linggo ka ng ganyan, buntis ka ba?" biglang tanong ni ate na kinagulat ko saka mabilis na tumungo sa kalendaryo

Tumulo agad ang luha ko ng makitang halos isang linggo na din akong delayed. Nalaman agad ni ate nang makita nya ang reaction ko.

"Wow, congratulations! magandang balita yan. May kalaro na rin si Vernon" masayang sabi nya

Napaupo ako sa kama ko saka tinakpan ang muka habang umiiyak mabilis naman akong niyakap ng ate ko.

"Shhh... masama sa bata yan! wag ka na umiyak" utos nya sakin habang tinatali ang buhok ko para makahinga ako ng maayos

"P-paano na ngayon? M-may asawa na ang tatay ng anak ko ate" humahagulgol na sumbong ko sa ate ko

Nakita ko ang luhang tumulo sa mata nya saka hinaplos ang pisngi ko. May asawa na sya dahil nung nakita ko ang invitation nila ay kahapon ang araw ng kasal nila.

"Eh andito naman kami.. kaya ka naming alagaan, wag ka nang umiyak malulungkot ang anak mo nyan" sabi nya saka ngumiti sakin

"Congratulations"

Naiiyak ko syang niyakap saka bumulong. "Thank you,ate"

*6 months later*

"Sasamahan ka na muna ni Xedrik, dahil hindi kita masasamahan ngayon" bilin ni ate saka nagmamadaling humalik sa pisngi ko saka inalalayan si Vernon palabas ng bahay

"Are you ready?"

Tumango lang ako skanya saka dahan dahang sumakay ng kotse nya..

Papunta kami ngayon sa hospital para sa monthly check up ko tapos pupunta kami sa Mall para bumili ng gamit ng mga anak ko. yes, they're twins. Iyak ako ng iyak nang malaman ko yun hindi dahil malungkot ako kundi dahil masaya ako. I have two angels coming..

Tahimik ang naging byahe namin ni Xedrik, half brother sya ng asawa ng ate ko half Pilipino sya kaya nakakapagsalita din sya ng tagalog. Nakarating kami sa hospital at nakapila na para sa pagpapacheck up andaming buntis dito na kasama ang mga asawa nila.. naiinggit nanamn ako at naiiyak.

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now