13

174 4 0
                                    

CHAPTER 13


KIll me now ano pang pinagsasabi ko sakanya kaninang tanghali?

Nagising nalang kasi akong nasa kwarto ko na at di ko alam kung paano ako nakaakyat dito. Bumukas ang pinto at niluwal nun si mcquin na may dalang tray ng pagkain.

"What you did is not good,liyah" seryosong sabi nya nang makita nya kong nakaupo sa kama ko at nakatingin sakanya

Napayuko ako dahil narin sa kahihiyan. "Sorry, Na-stressed lang tlaga ako" mahinang paumanhin ko rinig ko naman ang buntong-hininga nya at ang paa nyang palakad palapit sakin

"Alex can't stand alcohol, ngayon nagngangawa sya sa sakit ng ulo nya" he said napatingin ako sakanya

Tama naman sya e, ako sanay na uminom kaya medyo keri ko na ang hangover pero si alex first time nya lang uminom kagabi.

"Eat"

Bumangon na ko at tumungo sa round table kung nasan ang hinanda nyang pagkain. napatingin ako sa labas at ngayon ko lang nakita na pagabi na pala.

"Gio went somewhere pero babalik din sya mamaya" mahinahon na sabi nya napatigil tuloy ako sa pagnguya dahil sa naalala ko

Umamin na ba ko sakanya? pero di naman ata pagamin ng feelings yung nasasaktan ako kapag sakanya galing diba?

"Aliyah? Are you okay?"

napabaling ako sa kanya natulala pala ako.

"O-oo, may naisip lang" I said atsaka tinuloy ang pagkain

Nagpaalam naman si mcquin na lalabas lang at pindutin lang ang intercom kung may kailangan ako.

Saan kaya sya pumunta?

Bat kinakabahan ako?

Ako na ang mismong nagbaba ng pinagkainan ko para narin bisitahin si alex sa maid's quarter..

"Oh I told you to click the intercom, you don't need to go downstairs" bungad sakin ni mcquin ng makababa ako sa kusina nakain parin pala sya at sya lang magisa.

Wala parin si Gio?

"No need, pupuntahan ko rin kasi si alex para magsorry na rin" I said saka sya iniwan dun at nagtungo sa kwarto ni alex

Nakita ko syang umiinom ng hangover soup habang hinihilot ang sentido nya nang mapabaling ang tingin nya sakin mabilis syang umayos ng upo. Ngumiti ako at pumasok sa pintuan saka umupo sa tabi nya.

"I'm really sorry sa pagdamay sayo sa kagagahan ko" paumanhin ko pero umiling iling lang sya at ngumiti

"Okay lang po yun, medyo masakit lang talaga ang ulo ko hahah" mahinahon na saad nya

Sumaglit pa ko ng kaunti dun bago ko mapagdesisyunan na lumabas na nang mapahinto ako sa nakita ko.

Si Gio presentableng nakaupo sa sofa habang nakaabang sa dinaanan ko. inaabangan nya ba ko lumabas?

"Sober?"

Napahinga ako ng malalim dahil sa boses nya. May pagaalala kasi ang tono nya. Bumibilis nanaman tuloy ang tibok ng dibdib ko.

"O-oo"

Tumango lang sya at tumayo lumakad papunta sakin at tinagilid ang ulo.

Nanlalaki tuloy ang mata ko dahil sobrang lapit ng muka naming dalawa. "Stop drinking too much.... ampangit mo malasing" biglang barag nya sakin saka ako iniwan ulit at umakyat

Napanganga ako sa sinabi nya. Gago yun huh!

Nakita ko si mcquin na kakapasok lang sa pinto at nang makita nya rin ako ay tumango sya.

"You looked like an apple right now, something happened?" nakangising sambit nya habang naglalakad paupo sa sofa

Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko mas lalong naginit ang pisngi ko.

"W-wala mainit lang talaga" palusot ko na sinakyan din ata ni mcquin dahil tumango lang sya at nagbasa ng libro

Napagdesisyon ko nalang din tumungo sa pool area para magpapresko nang makita si mama na naglilinis dun kaya nilapitan ko sya.

"Mama! Ako na po dyan" bungad ko sakanya taka naman nya kong nilingon na parang may kakaiba sakin

Gulat ako nang kinapa nya bigla ang leeg ko. "Mama naman e!"

"May lagnat ka ba? Wow nakakapanibago yan huh" natatawang sabi ni mama sakin kaya napanguso ako at umiwas ng tingin na dapat di ko na ginawa dahil nakita ko si Gio sa mahabang upuan na nakahiga at natutulog.

Ang gwapo nya parin kahit nakapikit. sana always nalang sya nakapikit ay char

"Ako na dito dalhan mo nalang ng maiinom ang BOYFRIEND mo" may pagdiin na sabi nya sa word na Boyfriend

Napanguso ako at nagkamot ng ulo.

Wala din akong nagawa kundi ang sundin sya at tumungo sa kusina para kumuha ng Pineapple juice sa ref at isalin yun sa baso. Saktong may nakita din akong peanut sa ref kaya kinuha ko din yun at nilagyan ang slice bread na nakuha ko rin sa ref.

Nilagay ko sa isang tray yun atsaka ko dinala sa pool area. Nagbabasa na sya ngayon ng libro nang makabalik ako naramdaman nya siguro ang paglapit ko kaya sinara nya ang libro at tumingin sa direksyon ko. Naramdaman ko nanaman tuloy ang kakaiba sa dibdib ko.

"What's that?" sungit na tanong nya

I gave him a little smile.

"Consider this as a piece offering" malumanay na sabi ko atsaka nilagay sa maliit na table ang tray

Nagtaas naman ng kilay si Gio at kinuha ang bread saka kumagat. Nagtaka ako nang huminto sya sa pagkagat at nanlaki ang mata na tumingin sakin.

"B-bakit? Di ba masarap?" takang tanong ko pero nanatili syang nakatingin sakin na parang gulat na gulat

"A-anong palaman yan?" natatakot na tanong nya sakin at dun na ko nakaramdam na may mali

No... Don't tell me?

"P-peanut B-butter"

Nadura nya bigla ang kinakain nya at nagmamadali syang uminom ng pineapple juice.

"Fuck! Papatayin mo ba ko? I'm allergic to peanut you b-" di nya natapos ang sasabihin nya ng mapahawak sya sa leeg nya

Namumula yun kasama ang buong muka nya. Natatakot na ko at di alam ang gagawin nang muling magsalita si Gio

"D-di ako ma..makahinga" hirap nyang saad

Naiiyak na ko at di ko talaga alam ang gagawin nang biglang may sumigaw sa likod namin.

"Fuck Gio! What happened?" nagaalalang sigaw ni Mcquin

Bigla syang napamura nang nakita ang pagkain sa tray. Tumingin sya sakin na parang di makapaniwala na ginawa ko yun. Hindi ko naman alam e!

"Please someone get my car fuck!" sigaw ni mcquin sa mga katulong na dumalo samin habang ako nakatulala lang na naluha

Hindi ko talaga sinasadya!

Inalalayan nya si Gio na makatayo habang ako ay nanigas na sa kinatatayuan ko di pa siguro ako kikilos kung di ako tinawag ni mcquin. Right i need to be there dahil ako ang may gawa nito

Goshh... It was an accident I don't know na allergic pala sya sa peanut at pineapple pero bat kasi nandun yun sa ref?? favorite ko din yun e

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now