8

200 6 0
                                    

CHAPTER 8

I never thought na makakaramdam ako ng takot sa sinabi nya.

"Eart to Aliyah?"
boses ni Mcquin ang gumising sakin sa realidad

"Sorry, may naalala lang. Ano nga ulit gusto mong sabihin?"

He just shrugged.

"Nevermind, Wala lang naman yun. Can you go to Gio's room? Tell him I need him to the library" he said saka sya naglakad paakyat patungong library

Napabuntong hininga ako dahil halos malapit lang naman sa library ang kwarto ni gio pero inutusan pa ko.

Nakasalubong ko pa si Alex sa hagdan at tanging ngiti lang ang binigay ko sakanya.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto ni Gio saka sya tinawag.

"Gio?"

I heard his footstep towards the door kaya umurong ako ng kaunti.

Halos mapaiwas ako ng makitang tanging towel lang ang nakatapis sakanya. Di ko naman naiwasan ang tingin sa katawan nya. Bakla ba talaga sya? pero bakit ang ganda ng hubog ng katawan nya?

"What are you doing here?" masungit na tanong nya habang nakacross arm

Bumuntong hininga ako at pasimpleng umirap.

"Mcquin said he needs you to the library right now" i said saka akmang lalakad palayo ng magsalita sya

"Did you like what you saw?" alam ko sa tono nya ang pangangasar

Ramdam ko ang pagangat ng init sa muka ko. Nakita ba nya yung pagdaan ng mata ko sa katawan nya?

"A-ano bang sinabi mo? Assuming ka naman, ang p-pangit naman ng katawan mo" pilit kong inaayos ang boses ko pero may piyok talaga e

He smirked at tinignan ang katawan nya bago bumaling ulit sakin na lalong nagpamula ng mata ko.

"Panget? You saw a eight pack abs and you find it ugly?" sarcastic na tanong nya

Napaiwas ako ng tingin sakanya at tumalikod para maglakad takbo papasok sa kwarto ko di ko na sya nililingon kahit ilang beses pa nyang ko ng tinawag habang tumatawa.

Nyeta sya anong karapatan nyang asarin ako?

Nasa garden ako nang may bumato sakin ng maliit na bato sa likod di naman sya masakit at nagulat lang ako. Inis kong nilingon ang bwesit na nambato sakin at bigla akong napairap nang makita si Gio sa Bench habang nakangisi sakin.

"Problema mo? ikaw ang nagsabi sakin na layuan kita pero bat nagpapapansin ka nanaman?" mataray na sabi ko

He scoffed at tumingin sakin na para bang may nakakatawa akong sinabi.

"This is our house i can go wherever i want... ikaw ata ang nagpapansin sakin" nangangasar na sambit nya

Namula ako sa inis at tinutok sa kanya ang hose na nasa lapag kita ko sa muka nya ang pagkataranta kaya natawa ako ng malakas dahil para syang baliw na nagtatago sa likod ng bench.

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now