36

187 7 0
                                    

36

Nahihiya akong bumaba dahil baka makita ko si Gio dun at pagtawanan nanaman ako. Bat ko nga ba kasi sinabi yun kagabi? Nakakainis naman malay ko ba kasing dadaan sya?

Napabaling ako sa pinto ng may bumukas nun niluwa nun si Alyza na may hawak na bag. Dun lang ako natauhan na may pasok nga pala ang dalawang bata dahil sa nangyari kagabi naging makakalimutin agad ako.

"Wait nyo ko magaayos lang a-"
she cut me off

"Don't worry mommy, Daddy will drop us off, I'll just say goodbye to you" she said and went towards me to kiss me in my cheeks

I feel so bad.

"Daddy also wants to say goodbye to you because he's going to work and maybe you're still shy, did something happen?" cute nyang tanong habang nakapout ang mga nguso nya na animo'y curious na curious sa sinabi ng tatay nya

Bat nga ba kailangan pa nyang sabihin yun sa anak nya? tsaka bat sya nagpapaalam e ano naman pake ko kung papasok na sya? Assumero tlaga.

"Nothing happened, go na malalate na kayo.. I will fetch you later" I said saka niyakap sya ng mabilis

Nagwave pa sya ng goodbye sakin bago ako iniwan sa kwarto. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag atsaka bumangon. Mabilis akong tumungo sa maliit kong bintana para silipin ang mga bata oo ang mga bata lang sisilipin ko.

Nakita ko si Gio na sinasakay ang kambal sa kotse nya saka may sinabi pa ito na nagpangiti sa kambal kahit gusto ko iyong malaman ay tinitigan ko nalang sila nang biglang lumingon sa gawi ko si Gio at nagkasalubong ang mga mata namin halatang hindi sya nagulat dahil ngumisi pa ito sakin at sumaludo. Naiwan naman akong tulala habang nakamasid parin sa dinaanan ng kotse nya.

Siraulo talaga sya kahit kailan ayun ba yung baklang maarte dati?
Viana pa ba ang dapat itawag sakanya? bakit sobrang masculine na ng datingan nya ngayon?

Nakakainis naman bakit ko ba pinagkaiisipan pa ang lalaking yun? Malamang kasal na nga sya kay Eloisa magpapakabakla parin ba sya? Atleast nagiging tatay parin sya sa mga anak ko kahit may anak na syang iba. Mas okay na sakin yun

Natinag ako sa ring ng phone ko kumunot ang noo ko ng makita ang number ni Chris sa caller ID. Antagal na nung huli kaming magkita nito huh? Ano meron sa lalaking to?

"Chris? Buhay ka pa pala? Bat ngayon ka lang ulit nagparamdam?"
pekeng inis na bungad ko skanya

Akala ko tatawa ang lalaki pero nadambol ang puso ko ng marinig itong umiiyak. Para ko naring anak ang pamangkin ko na to kaya pag umiyak to ay parang gumugunaw ang puso ko.

"T-tita...sila m-mama na... n-nabaril sa p-plaza kagabi...Tita di ko alam ang g-gagawin ko" naiyak na sagot nya at panay hikbi at singhot ang naririnig ko

Nabaril?

Para akong nanlamig sa narinig si Ate Neri at Kuya Badong nalang ang natitirang magulang ni Chris at hindi naman sya close kila mama dahil pinagbabawalan syang makipagkita sa kahit kanino samin pero hindi nila ko natatakot sa mga ganyan nila kaya nagkikita parin kami ni chris.

"Asan ka ngayon?"

"A-andito ako ngayon sa funeral andaming gastusin di ko alam kung paano ko to babayaran... T-tita tulungan mo ko" umiiyak na sagot nito kaya napahawak ako sa sentido sa sobrang stress

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now