22

175 7 1
                                    

Chapter 22

Nasa sala ako kasama si alex na nagaayos ng mga libro sa shelves nagkagulo gulo kasi yun dahil kay mcquin kung ano ano kasi ang binabasa nun pero hindi naman binabalik ng maayos sa lagayan.

Inaasar ko tuloy si Alex na para syang asawa ni mcquin kasi sya ang naglilinis sa mga kalat nito. Pulang pula sya habang nagaayos at minsan ay natingin sa paligid paniguradong tinitignan nya kung paparating ba si mcquin.

Napangisi ako nang may maisip na kalokohan.

"Mcquin!"

Natawa ako ng mabitawan ni alex ang librong hawak saka tumingin sa gawi ko.

"Aliyah naman e! Wag mo na kasi akong asarin kay senyorito, may makarinig pa sayo at baka mapagalitan ako" nakangusong sermon nya pero tinawanan ko lang sya

"Ang arte naman nit-"

Nagulat ako ng yumuko sya saka nagsalita. "Senyorito Gio"

Napasinghap ako saka dahan dahang lumingon sa likod ko pero nadismaya ako ng wala akong makita kasabay ng pagtawa ni alex kaya inis ko syang tinignan nakalabas na ang dila nya na tila ay nangaasar.

"Akala mo ako lang may bebe dito huh!" nakangising sabi nya saka nagpatuloy sa ginagawa

Magsasalita pa sana ako ng may marinig kaming kalabog sa taas nagkatinginan kami saka sabay na nagtungo kung nasan ang bumagsak
alam kong sa kwarto ni gio yun at hindi na ko mapakali sa sobrang kaba baka anong nangyari sakanya.

Pumasok kami para lang madatnan si eloisa na nakaupo sa sahig habang si gio naman ay nakaupo sa kama nya habang nakayuko at hawak ang sentido.

"What happened?"

Nilingon nila kong dalawa pero walang sumagot ni kahit isa sa kanila nakaramdam tuloy ako ng hiya saka akmang aalis ng magsalita si gio

"I'm asking you how did you get here? I locked the door last night" nagpipigil na inis na saad ni gio saka muling lumingon kay eloisa na naiiyak sa gilid

Pumasok si eloisa sa kwarto ni gio habang tulog sya? Tinignan ko ng maayos si gio at para akong dinambol ng makitang bukas ang buong butones ng polo nya at magulo ang kama nya nilipat ko naman ang tingin ko kay eloisa at halos manghina ako ng makitang punit ang gilid ng dress nya.

Wag mo sabihing....may nangyari sakanila?

Nakutuban ata ako ni gio kaya napatingin sya sakin na may malumanay na mata.

"Nothing's happene-"

Eloisa cut him off

"What do you mean nothing happened?"

"W-walang nangyari satin, eloisa"
madiin na sagot ni gio saka tumayo para sana lumapit sakin pero umatras ako nginitian ko sya pero alam ko sa sariling kong pilit na pilit lang yun

"may nangyari satin! we made love tignan mo ang bedsheet mo may bahid ng dugo because you took my virginity last night!" malakas na sambit ni eloisa na paniguradong nakabulabog sa buong mansion

Kusang lumingon ang ulo ko sa bedsheet kitang kita dito ang dugo na mula kay eloisa hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko pero mabilis ko yun pinahid para hindi nila mahalata

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now