39

169 5 0
                                    

39

Bumalik kami sa kwarto ni giselle nang malaman naming nagising na ang bata at hinahanap kami.

"Daddy, kailan ko po ba mamemeet ulit ang mga kapatid ko?" she asked habang nakangiti samin ni Gio

why am I nervous about her smiles?

"I can fetch them for you"
sabi ko sakanya pero sumagot si gio na kinalungkot ni giselle

"It's already late, susunduin ko sila papunta dito bukas para makasama mo sila"

Hinampas ko sya sa braso saka nilapitan si giselle na nakabusangot.

"Don't be sad, magkikita kayo bukas pangako yan kaya matulog ka na ulit para paggising mo andito na ang mga kapatid mo" i said saka hinaplos ang pisngi nya

She smiled saka tumango at humiga.

"Promise?"

She showed her pinky finger kaya natatawang nagpinky promise ako sakanya... she's still a kid believing the promise lock.

Kinabukasan ay ako ang unang nagising kaya umorder na ko ng makakain namin ni Gio habang si giselle naman ay ang pagkain dito sa hospital ang idedeliver mamaya...

Tinext ko si Chris na susunduin ni Gio ang mga bata mamaya para makapagbonding silang tatlo at mamayang hapon kami babalik ng mga  bata dun sa chapel.

"Oh, you're awake.. nagorder na ko ng foods natin" sabi ko kay Gio ng makita syang bumangon sa sofa kung nagtataka kayo kung san ako natulog ay dun sa tabi ni giselle wag kayong feeling dyan.

"Yeah, thank you.. After kong magbreakfast susunduin ko na ang mga bata sa chapel" he said saka pumasok ng banyo panigurado para maghilamos at magmumog

Nang dumating na ang order naming egg and fried rice with bacon and hotdog at hot coffee ay inayos ko na ang lamesa na gagamitin namin. Kasabay din nun ang pagdating ng breakfast ni giselle kaya ginising ko na ang bata.

She yawning and look at room na para bang may hinahanap and alam ko na kung sino.

"After we eat, Your daddy will pick up your siblings" I said saka sya tinulungang umupo at inayos ang table na nakakabit sa kama nya

"O-okay po"

Kinabahan ako sa mga kilos ni giselle dahil matamlay sya kaya kinapa ko ang noo nya pero wala naman syang lagnat pero bakit ang tamlay nya?

Kumain na kami at sinusubuan ko si giselle kapag nahihirapan sya. Nang matapos na kami ay ganun padin ang kilos ni giselle matamlay parin sya pero bakit parang di napapansin ni Gio yun?

"I'll go ahead.. Wait for me"
paalam ni Gio samin saka nya hinalikan si giselle sa sentido

Napaatras ako nang lapitan nya ko pero napasinghap ako ng hatakin nya ang bewang ko at halikan ako sa noo.

"I'll be back, Vein"

Tulala ako hanggang sa makaalis sya ay parang wala ako sa sarili kung hindi lang umubo si giselle hindi ako magigising sa katinuan

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now