26

180 4 0
                                    

26

Nagbibihis na ko para sa unang lakad namin ni Gio balak naming sa paresan kumain sikat daw kasi yun dito kaya bet naming tikman yun joke ako lang talaga ang gusto kumain dun. Alam nyo namang may kutsarang pilak sa bunganga ni gio kaya malamang hindi pa sya nakakatikim nun sa buong buhay nya.

Nakita ko kung paano sa umangal kanina at mas gustong sa restaurant nalang kami kumain pero ako ang masusunod samin ngayon bukas sya naman kaya wala syang nagawa. Nakasuot ako ng long sleeve white top at baggy pants saka inipit ang buhok gamit ang chokchok na binigay pa ni Venice.

"Are you ready?"

Tinanguan ko sya at kinuha ko ang small bag na nakalapag sa sofa saka sumunod sakanya ang simple ng suot nya hindi ba sya lalamigin dito? Nakablack short at white tshirt lang sya pero muka parin syang mayaman dahil sa silver nyang relo at black na shades.

Ang gwapo gwapo nya talaga!

Agad akong sumakay sa sasakyan nya ng pagbuksan nya ko ng pinto naramdam ko pa ang kamay nya sa ulunan ko na para bang inaalalayang wag akong mauntog sa bubong ng sasakyan. Napangiti ako ng dahil dun mas lalo din akong nahulog sa mga actions nya.

"Put your seatbelt on"
utos nya ng makasakay sya at nagkabit ng seatbelt

Nang masigurong ayos na ko ay pinaandar na nya ang sasakyan.
Palingon lingon sya sakin habang nasa daan kaya hindi na ko nakapagpigil na tanungin sya

"Bakit ba? anong kailangan mo?" natatawang tanong ko

Umiling lang sya saka ngumiti nahawa din tuloy ako sa ngiti nya.

"Ang saya ko lang kasi nandito ka kasama ko" masayang sambit nya saka hinuli ang kamay ko para hawakan habang nagmamaneho

"Maaaksidente tayo sa ginagawa mo e" suway ko skanya

He looked at me saka ngumisi.

"Don't worry, I won't let that happen" He said while smiling

Nakampante naman ako dahil dun kaya hinayaan ko nalang sya at tumingin nalang sa bintana habang pinagmamasdan ang magandang lugar ng tagaytay. Nakakamiss palang pumunta dito kung hindi sana ako huminto ng pagaaral baka nasa hospital ako ngayon at gumagamot ng mga bata.

"You look sad, what are you thinking?" malumanay na tanong nya saka marahang pinisil ang kamay ko

Lumingon ako sakanya saka malungkot na ngumiti.

"Alam mo kasi nakapunta na ko dati dito nung bata ako, kasama ko ang ate at kuya ko dinala nila ko dun sa magandang pasyalan.. Nalulungkot lang ako na hindi na namin pwedeng gawin ulit yun kasi wala na sila dito" malungkot na sabi ko saka tumingin muli sa bintana

"Where are they now?"

I sighed.

"in America, living the way they want and they have forgotten that there is a family waiting for them here in the Philippines" emosyonal kong sagot

Natinag ako ng punasan nya ang pisngi ko hindi ko alam na tumulo pala ang luha ko. Ngayon nalang din ata ako naiyak ng dahil sa kanila.

Gay series#1: Pretenders [COMPLETED]Where stories live. Discover now